Chapter 60

577 29 0
                                    

Biglang nahinto si Sita. May narinig siyang parang may sumisigaw pero hindi niya tiyak kung tunay ba 'yon o hindi. Dahil patuloy ang pagbagsak nang malakas na ulan.

Muli siyang napatakbo patungo sa nayon but she heard the scream again. This time, mas malapit sa kinatatayuan niya.

Napalingon si Sita sa kanan niya.

Nakita niya na tumatakbo si Max sa direksyon niya. Agad sumagi sa isipan niya na aatakihin siya nito dahil nanlilisik ang mga mata nito.

But before she could run she heard someone crying for help.

Feeling niya kilala niya ang boses na'to.

"Ang boses na iyan ay kay..." She paused.

Dumaan si Max sa harap niya, kundi siya umilag ay tiyak nasapol siya nito. Bago 'to nakalayo ay natitigan niya 'to. May dumadaloy na sariwang dugo sa ulahan nito pabagsak sa damit nito na nagkulay pula na.

"Anong nangyayari?" She thought by now nasa nayon na sila at nakapagsumbong na sila sa tunay niyang katauhan. Pero bakit ganun ang hitsura ni Max?

Pero wala na siyang panahon mag-isip dahil muli niyang narinig ang sigaw na humihingi ng tulong.

Dito na siya tumakbo.

Sinundan niya ang boses. Hindi na'to kalayuan sa nayon. Kaya biglang kumabog ang dibdib niya. Kutob niya may nangyari na masama sa nayon.

Pagdating niya sa nayon ay tahimik rito na parang umaga, tanging ang malakas na ulan lang ang nagbibigay buhay rito. Dahil walang tao at hayop sa labas. Pati ang mga lampara sa labas ng mga bahay ay hindi nakasindi.

Napayakap siya sa sarili niya. Hindi dahil sa lamig, pero dahil kinakabahan siya kung ano ang matuklasan niya.

Kung galing si Max dito. Anong nangyari sa kanya? At nasaan sina Rick at Donna.

She stiffened. "Ang boses na humihingi ng tuloy kay Donna 'yon. Anong nangyari sa kanya?"

Umikot ang mga mata ni Sita sa paligid niya pero hindi niya sila nakita. Kahit parang walang kakaiba ngayon ay hindi humuhupa ang bilis ng tibok ng puso niya.

Dito na siya napatakbo patungo sa punya niya. She thought it's the safest place for now.

Malapit na siya sa punya noong muling bumalik ang sigaw.

"Si Donna!" Napalingon si Sita sa likuran niya.

The scream was getting louder.

Hanggang natanaw na niya si Donna. Takot na takot 'to habang naliligo 'to sa sarili niyang dugo.

Lumuwa ang mga mata ni Sita noong napansin niyang nawawala ang kaliwang kamay nito.

"TULONG!" si Donna, nagmamakaawa na 'to.

Pero walang lumabas sa bahay upang saklolohan siya. Ni walang sumilip sa bintana upang umusisa, maliban kay Sita na nahagip ni Donna.

Napansin ni Sita na agad umasim ang mukha nito noong nagkasalubong ang mga mata nila. Kahit nanghihina ay nilusob siya nito na parang gutom na tigre.

"Sita, hayop ka!" Tinaas nito ang nag-iisang kamay at hinila ang buhok niya.

"Bitawan mo ako!" si Sita.

"Pinapatay mo kami! Hayop ka!" Sabay tulak kay Sita na napaupo sa lupa. Aktong sasabunutan siya nito noong angkinin ni Sita ang kanang kamay nito.

Napatayo si Sita pero hindi niya binitawan si Donna.

"Ikaw ang mamamatay!" sigaw ni Donna.

Napailing si Sita. "Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Magmamaang-maangan ka pa! Ikaw lang naman ang may galit sa amin. Dahil alam namin ang sekreto mo!"

Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon