Chapter 37

647 30 1
                                    

Sabay ng pagsikat araw, ay ang pagbagsak ng malakas na ulan na parang pinipigilan ang nakatakdang plano ni Sita ngayong umaga.

Nagising siya sa loob ng puno na nanginginig, ang manipis na kumot niya ay walang laban sa ginaw ng simoy ng hangin. Nais lang niyang makahigop ng mainit na tsa pero ang tanging meron siya ay kamote na niluto ni Nono kagabi.

Napabuntong hininga si Sita. Feeling niya hindi na siya nauubusan ng mga pagsubok sa isla, there's always an obstacle right in front of her. Kahit anong gawin niya.

Pero wala siyang plano na sumuko, dahil ang layo na nang narating niya at alam niyang hindi siya nag-iisa ngayon. May mga kaibigan siya rito na handa siyang tulungan.

Pagkatapos niyang makakain ay hinintay niya muna na humina ang patak ng ulan, pero mas lalo pa'tong lumakas na parang nanunuya sa kanya.

"Mukhang hindi 'to titigil," sabi niya. Kaya naisipan niya na maglakad na sa ulan. Ang pasalamat lang niya nang dahil sa mga puno ay hindi siya madaling nabasa. Pero paglabas niya ng kagubatan ay basang-basa na siya at giniginaw. Kaya tumulak siya sa kubo ni Nono at doon nagpalit. Nagdala din siya ng tuwalya upang proteksyon sa ulan. Tapos sumakay siya kay Diamante upang madali siyang makarating sa nayon.

Pagdating ni Sita sa nayon ay tahimik na rito maliban sa ulan na pumapatak sa mga bubong. Dumiretso na siya sa punya ni Awan Ignacio.

She couldn't tell---kung nanginginig siya dahil nilalamig siya o dahil kinakabahan siya sa gagawin niya ngayon. Inisip niya na marahil ang unang rason ang paliwanag rito. Kaya hindi na niya 'to pinansin at pinihit na niya ang pinto.

Closed.

Nagpupumigil siyang hindi matawa, dahil nakalimutan niya ang susi ng pinto na nasa bulsa niya. Kaya dinukot niya 'to at mahigpit na hinawakan.

Hindi niya maaangkin ang susi kundi dahil kay Nono. Hindi niya 'to hiniling dahil sa tingin niya kaya niyang gawan ng paraan ang pagpasok sa punya ni Awan Ignacio. Pero noong natapos silang mag-usap ay agad 'tong umalis at nagsabi na babalik agad.

Laking gulat niya noong bumalik 'to noong may dala na 'tong susi. Ayon kay Nono reserve key 'to ni Manet sa punya. At dahil magkapatid sila ay napapasok ni Nono minsan ang bahay ni Manet. Kaya alam nito ang tungkol sa susi at kung saan 'to nakalagay.

Sinaksak na ni Sita ang susi sa doorknob. Bago pinihit ang pinto.

It opened.

Napalingon siya sa likod, for a while she thought there was someone standing behind her back but she was alone.

"Relax lang... kaya mo 'to," bulong niya.

Dito na siya pumasok at maingat na sinara ang pinto.

Ang loob ng punya ay tulad nang natatandaan niya. Simple, malinis at walang gamit. Tapos sa isang kwarto ay may mga rebolto ni Harilama.

Nasaan na ang bangkay? She wondered. Nakatityak siyang nakita niya na pinasok ang bangkay sa punya. Kitang-kita ng dalawang mata niya 'to.

Nang may natandaan siya. Noong pinatawag siya rito ni Awan Ignacion, ay naalala niya na bigla na lang 'tong sumulpot sa likuran niya noong nasa kwarto siya. Kaya inikot niya ang buong kwarto, pati ilalim ng mesa ng mga rebolto ay hindi niya pinalampas.

Pero wala siyang nakitang lagusan maliban sa kurtina na nakabitay sa pader na nakaharap sa mga rebolto. Nadaanan na niya 'to kanina pero wala siyang napansin na kakaiba rito.

Pero kinutuban siya, and just to make sure, lumapit siya muli sa kurtina at tinaas 'to.

Pader ang nabungaran niya.

Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon