Chapter 57

553 27 0
                                    

Napipikon na si Urda dahil kulang na lang magkapalit sila ng mga mukha ng mga kababaihan na kasama niya sa mga ritwal. Finally, umusok na ang tenga niya. "Mga amak! Pwede ba lumayo kayo sa akin!"

Agad tumayo ang mga kababaihan habang nakadikit pa rin ang tenga ni Urda sa sahig kung nasaan ang pinto sa underground.

"Ako na lang ang makinig, okay?" sabi niya habang pinandilatan niya 'to ng mga mata.

"Ano sabi?" sabi ng isang babae noong matagal nang napako si Urda sa sahig.

"Ssshhh...ARAY!" Napahiyaw si Urda noong biglang bumukas ang pinto,

Dito lumitaw sina Donna, Max at Rick.

"Ano ba yan?!" nanggigigil ang boses ni Donna.

"Pinagod pa talaga tayo," dagdag ni Max.

"Teka!" si Urda, habang hinihimas nito ang pisngi na kumikirot. "Ano bang pinagsasabi ninyo diyan?"

Napaismid si Donna. "Si Awan Ignacio. Sabi niya hindi muna magsasagawa nang pag-aalay dahil hindi pa raw niya nararamdaman ang sarili niya sa katawan ni Sita. At hindi raw 'to makakabuti sa ritwal."

Umasim ang mukha ni Urda.

"Kaya uuwi na lang muna kami," pabagsak na wika ni Donna," babalik na lang kami sa isang linggo. Upang makapag-usap na sa susunod na alay."

"ISANG LINGGO PA!" Bumilog ang mga mata ni Urda. "Bakit naman ang tagal?"

"Ewan ko," naiiritang balik ni Max. "Diba, ikaw iyang palaging narito sa punya. Ikaw ang magsabi sa amin kung ano ang nangyayari kay Awan Ignacio."

"Hindi ko alam dahil ngayon lang din ako nakapasok sa punya simula noong nagbalik siya," si Urda.

"Diba ikaw ang kanang kamay?" tanong ni Max.

"Ako nga," sagot niya pero hindi sure ang boses nito.

"Baka naman napalitan ka na," biglang biro ni Donna.

Bumuka ang labi ni Urda pero walang lumabas na salita rito. Kaya nagtawanan ang tatlo habang iniwan nila si Urda na mas lalo lamang nalito. Agad nitong nilingon ang mga kababaihan na tahimik siyang pinagmamasdan. "Anong tinitingin ninyo diyan?"

Nagkibit balikat lang sila.

Nagdikit ang mga kilay ni Urda. "Iyong pagiging kanang kamay ko ba ang gusto ninyong malaman?"

Walang sumagot.

"Ako naman talaga ang kanang kamay ni Awan Ignacio! Ako ang pumalit kay Sita!" she said it loud and clear like she needed to hear it to assure herself. Pero hindi niya maikubli sa sarili niya na kinabahan siya. Paano kundi na siya ang kanang kamay? Paano kung nakatakda na siyang palitan? Namutla si Urda habang tinititigan ang bukas na pinto patungo sa underground.

Tapos diretso na itong tumakbo pababa sa underground. Tinawag pa siya ng mga kababaihan ngunit nagpatuloy 'to habang nakapinta ang pagkainis sa mukha nito.

Noong narating niya ang underground ay tahimik rito. And she noticed that the whole place had a different smell. Iyong amoy na kundi ka nakapagperfume.

Madilim rin rito na parang kung wala si Awan Ignacio.

Pero alam niyang narito 'to dahil galing rito sina Donna at kasamahan nito.

Maingat siyang humakbang patungo sa hallway. Kahit dito madilim, maliban sa pangalawang kwarto sa kanan. Na sa pagkaalala ni Urda ay madalang puntahan ni Awan Ignacio.

She stopped in front of the door. Feeling niya may kakaiba sa punya ngayon. Sa tagal na niyang labas pasok rito ay ngayon lang niya 'to nararamdaman.

"May mali," she whispered in the dark.

Huminga muna siya ng malalim, tapos dinikit ang tenga niya sa may pintuan. Sa loob wala siyang naririnig na gumagalaw, pero malakas ang kutob niya nasa loob si Awan Ignacio dahil bukas ang ilaw dito.

Naisip niyang kumatok o tawagin 'to.

Finally she decided to call her. "Awan Ignacio. Awan Ignacio. Ako 'to si Urda."

Walang sumagot.

Kaya inulit niya. Mahina pero paulit-ulit.

Narinig niya na may gumalaw na silya sa loob na parang inurong. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto.

"Urda, may kailangan ka?" si Sita noong nabungaran niyang nakatayo 'to sa labas.

"Meron sana," sagot nito.

Huminga ng malalim si Sita. Nais lang niyang mapag-isa. Dahil iniisa-isa pa niyang basahin ang mga libro na sa tingin niya maaaring naglalaman ng mahika ni Awan Ignacio. Pero paano niya 'to matatapos kung parating may tao sa punya.

"Sabihin mo na ang kailangan mo," kalmadong sabi niya.

Nangiti si Urda, dahil naalala niya ang ugali ni Awan Igancio dito. She shook her head because she had to remind herself--- na ang kaharap niya ay si Awan Ignacio.

"Gusto ko lang sana itanong kung ako pa rin ang kanang kamay mo?" tanong niya.

Sa pagkakaibang pagkakataon ay sinalubong ni Sita 'to ng halakhak dahil nakakatawa ang hitsura nito na parang nakasalalay ang buhay nito sa sagot niya. Pero seryoso ang mukha niya. "Oo Urda, ikaw pa rin ang kanang kamay ko."

Ngumiti 'to sabay labas ng gilagid nito.

Napaubo si Sita habang pinipigilan na hindi siya matawa rito. Nang may naisip siya. Napatingala siya na parang may hinahanap sa taas bago bumababa ang mga mata niya sa mukha ni Urda. "Pagbutihin mo ang trabaho mo dahil pinag-iisipan ko kung kukuha ako ng bagong kanang kamay."

Nakita niyang halos lumuwa ang mga mata nito.

"Pero sumusunod naman ako sa utos ninyo," nanginginig ang boses ni Urda. "Hindi rin ako papalpak tulad ni Manet."

"Tingnan natin..." Sita paused.

Biglang kinabahan si Urda noong hindi na'to kumibo habang lumulutang ang ekspresyon nito. Kaya nagdalawang-isip si Urda kung magtatanong siya o hindi.

Dumaan pa ang ilang minuto na walang nagsasalita, hanggang nangalay na ang mga hita ni Urda kaya napaubo na siya upang kunin ang atensyon ni Sita pero kumurap lang 'to.

"Awan Ignacio..." Nahinto si Urda noong nagkasalubong ang mga mata nila. Pinakiramdaman niya kung magsasalita 'to pero nakatikom pa rin 'to. "May itatanong pa ako... Nagkita kami nila Donna at ang sabi niya isang linggo mo pa sila pinapabalik upang pag-usapan ang susunod na alay."

Tamad na tumango si Sita.

"Hindi ba medyo matagal na 'yan?"

"Sa akin hindi." Umarko ang mga kilay ni Sita. "Pero kung may problema ka dito maari kang magbitiw bilang kanang kamay ko."

Gumuho ang ekspresyon ni Urda.

"Umalis ka na sa punya at nang makapagpahinga ako." Napapikit siya tapos napakagat sa labi.

"Awan Igancio..." Agad humakbang si Urda. "BAKIT?"

She opened her eyes. "Wala 'to... kailangan ko lang magpahinga."

Mabilis na tumango si Urda.

"Iwan mo na ako at sa susunod ayaw kong nakikinig ka sa taas." Tumalim ang titig ni Sita. Tapos nasaksihan niyang natatarantang nilisan ni Urda ang underground.

Hinintay niya muna na tuluyan na'tong makalayo bago humagapak siya sa pagtawa. She shook her head in delight. "Paniwalang-paniwala siya na ako si Awan Ignacio. Mabuti na rin 'yon upang makapagconcentrate ako rito."

Natahimik si Sita noong sinira na niya ang pinto. Dito niya muling nahagip ang libro sa ibabaw ng mesa na sa tingin niya ang libro ng mahika ni Awan Ignacio. Marami na siyang nabasa pero hindi pa rin niya nakikita ang mga ritwal na kailangan niya.

Napaismid siya noong muling umupo at binuklat ang libro. Bago huminga ng malalim. "Maging matiyaga ka lang Sita, mahahanap mo din 'to." She smiled. "Biruin mo may mabuti rin palang nagawa si Awan Ignacio sa'yo. Kundi ka niya pinili na kanang kamay ay hindi mo sana maintindihan ang mga nakasulat sa libro."

Bago sumeryoso ang ekspresyon niya. May isang linggo ka na lang...

Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon