Chapter 58

568 26 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at kumalat na sa buong isla na matatagalan pa bago magkakaron nang susunod na ritwal. Walang nakakatiyak kung sino ang nagpakalat sa balita pero suspetsa ni Sita si Donna. Dahil nagsimula ang apoy ng balita noong natapos niya silang kausaping tatlo.

Alam ni Sita na magproprotesta sila sa desisyon niya dahil hindi sila kikita hanggang walang ritwal. But she promised herself--- as long as siya si Awan Ignacio ay wala nang mamamatay at bubuhayin na patay.

Ngunit ang hindi na inaasahan ni Sita ang nakarating sa kanya na may mga Igmayat na nagagalit sa pasya niya. Galit sila dahil takot sila sa puwas o malas na maaring darating sa isla.

Hindi naniniwala si Sita rito pero hindi niya mababago ang isipan ng mga taga nayon. Kaya kailangan na niyang makaalis rito kasama ang mga kaibigan niya.

Tapos balak niyang sunugin ang libro ng mahika upang wala nang makakatuklas kung paano umalis sa isla at hindi na masundan ang yapak ni Awan Ignacio.

Hinihintay na lang niya na makumpleto niya ang mga sangkap para sa ritwal nang pag-alis nila. She only needed three things: Sariling dugo nang sino mang nais umalis sa isla, balahibo ng ibong Hara (ang ibong minsan na niyang nakita) at tubig sa balon.

Sa pangatlo lang siya nanginig dahil ayon sa libro ng mahika. Ang balon sa Dima di lubay ay may taglay na kapangyarian na makakatulong sa pag-alis niya sa isla. Nandidiri siya tuwing naiisip niya na kinakailangan niyang inumin ang tubig na pinaghulugan ni Pancho.

"Bwisit," bulong ni Sita habang hinihintay niya ay ang pagdating nina Anang Layda at Dorya. "Relax ka lang." She tried to smile while she remembered na swerte siya na maging kakampi ang mag-ina. Dahil sila ang tumutulong sa kanya ngayon. Dahil kung gagalaw siya sa sarili niya ay baka pagdudahan siya lalo na ni Urda na napansin niyang palaging nagmamasid sa kanya.

Kaya pagkatapos niyang kausapin sina Donna ay sabay rin niyang inamin sa mag-ina na siya si Sita. Hindi na nagulat ang dalawa lalo na si Anang Layda. Sa halip, naging masaya ang dalawa noong nalaman nila na buhay siya.

Narinig niyang bumukas ang pinto patungo sa underground. Hindi na siya nakapaghintay at dali-daling napatayo.

Sinalubong niya ang pagdating nina Anang Layda at Dorya.

"Ano na?" tanong ni Sita.

Nangiti si Anang Layda. "Masyado kang excited, Sita."

"Pasensiya na..." Her cheeks turned red before she lead them into her sofa. "Maupo muna kayo at kukuha lang ako ng mainom." Hindi na siya naghintay ng sagot at nagtungo na sa kusina.

Bumalik siya na may dalang kalamansi juice at sandwich na may palamang repolyo at margarine. Nilapag niya 'to sa harap nila. "Kumain muna kayo."

Tumalima ang dalawa while nangangati na ang labi ni Sita na matanong sila.

Lumipas ang limang minuto.

"Sita, tungkol doon sa pinapakuha mo..."

"Nasaan na?" mabilis na bato ni Sita bago pa makatapos si Anang Layda.

Inabot ni Dorya ang maliit na kulay brown na bag. Sa loob nito ang bote na may tubig mula sa balon at balahibo ng ibong Hara.

Bumilog ang mga mata ni Sita.

Hindi siya makapaniwala na nasa kamay na niya ang kailangan niya. Ang dugo na lang niya, nina Kolas at Nono ang kulang. Na sa tingin niya ay madali lang makuha.

She smiled. "Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan... pero maraming salamat Anang Layda at Dorya." Habang tinititigan niya ang laman ng bag.

"Wala iyon, Sita," si Anang Layda. "Isa pa nais lang namin ni Dorya na makatulong sa'yo. Bakit mo pala iyan kailangan?"

Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon