Chapter 46

565 27 0
                                    

Nakaluhod si Sita sa malamig na sahig habang nakagapos ang mga kamay at paa niya. Naghihintay siya na bumalik si Awan Ignacio sa underground kung saan siya dinala nito. She thought of escaping pero alam niyang mahihirapan siyan dahil may mga nagbabantay sa taas. Kaya nakasalalay ang buhay niya sa awa o bagsik ni Awan Ignacio.

Naisip niya kung katapusan na niya ngayon ay sana magiging ligtas si Nono. Bago pa siya nakababa ay nagmakaawa siyang tulungan 'to sa kagubatan.  Ngunit walang naging tugon si Awan Ignacio kaya ang tanging magagawa na lang niya ay ang umasa.

Dumaan pa ang ilang minuto when she heard some footsteps going down the stairs, dito na siya napalingon.

Si Awan Ignacio.

Hindi nagbago ang ekspresyon nito mula pa sa patag. Lumapit 'to sa kanya bago naupo sa sofa na kaharap niya.

"Ligtas na si Nono," sabi nito.

"Salamat Igna... Awan Ignacio." Hindi niya 'to inasahan pero natutuwa siya. Pero mas nangingibabaw pa rin ang kaba sa dibdib niya.

She smiled. "Magaling kang umarte, Sita. Pero hindi natin iyan pagtatalunan dahil pag-uusapan pa natin ang kapalaran mo."

Napalunok si Sita.

"Ang dami mong kasalanan sa akin, sa amin, sa isla at kay Harilama. Isa kang puwas na dapat naglaho na sa Dima di Lubay. Hindi ko alam kung paano ka nabuhay sa Daning, maliban na lang kung may nagsabi sa'yo sa lihim kung paano ka makakaligtas doon. Alam mo ba na tatlo lang ang nakakaalam sa lihim na 'yon."

Bumilis ang pagkurap ng mga mata ni Sita.

"Ikaw, si Manet at si..." She paused to get a reaction from her. Pero hindi nagbago ang ekpresyon ni Sita. Kaya nagpatuloy siya, " si Anang Layda."

Biglang tumahimik nang hindi sumagot si Sita.

"Sita," may gigil sa boses nito. "Sabihin mo kung sino ang nagsabi sa'yo?"

"Si Manet." She tried not to blink or move her head, instead she stared directly at her eyes.

"At bakit naman 'yon gagawin ni Manet? Wala na siyang nanaisin kundi ang makita ang katapusan mo. Hindi ba kabaliktaran iyon kung ibubunyag niya ang lihim."

"Hindi ko masasagot 'yan dahil hindi ko alam ang iniisip ni Manet. Ngunit kung huhulaan ko ang dahilan niya ay marahil nais niya akong maging kasangkapan sa mga plano niya."

She saw her eyebrows raised questioningly. First time na umiba ang ekspresyon nito. Kaya nagpatuloy siya, "mukhang may balak si Manet na palitan ka at ako ang nais niyang..."

"Pumatay sa akin?" Dito na humalakhak si Awan Ignacio na parang nababaliw 'to.

Hindi alam ni Sita kung tama ang mga sinambit niya pero wala na siyang naiisip na dahilan.

Biglang tumikom si Awan Ignacio pero nakangiti pa rin ang mga mata nito. "Hindi ako namamatay. Hindi rin ako kinakain ng mga bangkay at sa tingin mo magagalaw mo ako nang hindi ko nalalaman. Nahihibang na talaga si Manet."

Nakahinga ng malalim si Sita.

"Huwag na nating pag-usapan ang isang amak na tulad ni Manet. Pag-usapan natin---ikaw."

"Ano ang magiging baslo ko?" tanong niya.

She smiled. "Iyan ang gusto ko sa'yo, Sita. Matapang ka. At higit sa lahat mahalaga sa'yo ang mga kaibigan mo. Kaya nga hindi mo sasabihin kung sino ang nagsabi ng lihim."

Bumuka ang labi ni Sita pero walang lumabas na mga salita.

"Sita, alam ko na hindi si Manet." She smiled again. "Matapang si Manet pero hindi siya ang tipong mataas ang pangarap at tapat si Manet sa akin. Kaya nga pinapatay niya ang mga nalalapit sa akin dahil nagseselos siya sa atensyon na binibigay ko sa kanila."

Pinagpawisan si Sita.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko parurusahan si Anang Layda sa busa niya. Pero may kapalit 'to at tanging ikaw lang ang makakasalba sa kanya."

Hindi na umimik si Sita.

"Pinapangako ko kay Harilama na kakalimutan ko lahat ng mga busa mo at hindi kita bibigyan ng baslo kung papayag ka sa kagustuhan ko."

Tahimik pa rin si Sita.

"Sita, nais ko na ikaw ang pumalit kay Manet. Ikaw ang magiging kanang kamay ko."

Na estatwa na si Sita.

"Sana tama ang sasagutin mo dahil alam mo na ang mangyayari kung mali."

Napakumo si Sita. Wala siyang plano na maging kanang kamay ni Awan Ignacio. Wala siyang plano na pumatay ng mga inosente upang bumuhay ng patay. At wala siyang plano na lokohin ang mga Igmayat para sa pansarili niyang interest.

"Ano na ang pasya mo?" si Awan Ignacio.

Wala siyang naisagot.

"Sita, naghihintay ako."

"Maraming akong nagawa na alam kong hindi mo inaasahan sa tulad ko. Kaya hindi ka ba natatakot sa akin?"

She smiled. "Lahat tayo may kinatatakutan, Sita. Pero hindi ang tulad mo ang kakatakutan ko dahil alam ko ang kahinaan mo."

Nagusot ang noo ni Sita habang naghahanap ng sagot.

"Ano na, Sita?"

Dumaan ang ilang minuto at hindi pa rin nakakapagpasya si Sita. Hanggang gumulaw si Awan Ignacio sa kinauupuan nito, na inakala niyang tatayo at aalis na'to. Kaya biglang kinabahan si Sita.

Patawarin ninyo ako, Kolas at Nono. She took a deep breath. "Pumapayag na akong maging kanang kamay mo."

"Mabuti." Bahagya itong ngumiti. "Simula ngayon ay ikaw na ang titira sa bahay ni Manet. At si Urda ay maglilingkod na sa'yo. Pag-aralan mo na din ang mga ritwal sa alay dahil ikaw na ang magiging pinuno ng mga kunla. At isang linggo mula ngayon ay may kakausapin tayong mga tao na mahalaga sa isla natin."

Tumango si Sita. Alam niyang mali ang desisyon niya but she left her with no choice. Dahil hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may mangyayaring masama kay Anang Layda na naging mabuti sa kanya.





Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon