Chapter 14

740 33 1
                                    

Nagising si Sita na may pritong talong, sinabawan na sitaw at malunggay, kanin at gatas sa mesa. But she's not hungry, feeling niya kaya niyang mahiga sa banig ng buong araw. Wala na siyang nakikitang pag-asa, ang dami na niyang naisip na paraan pero hindi pa rin umuobra.

Dahil nandito pa rin siya sa isla.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung bakit siya hindi makaalis, bakit siya narito at anong kailangan ng mga Igmayat sa kanya.

Tumingala si Sita sa bubong na gawa sa nipa. "They have forgotten about me. Mama, Papa at Lia. Bakit hindi pa kayo dumarating?" She bit her lips when she felt her eyes became wet.

Pumikit si Sita. Ilang minuto pa ay inanod na siya sa mundo ng panaghinip. Dito ay nakita niya ang mga magulang niya at si Lia. Masaya silang kumakain sa mesa ng bahay nila. Nagtatawanan sila at nagkukwentuhan hanggang her parents mentioned about their future vacation. Nagprotesta si Sita, sabi niya hindi siya sasama, hindi niya alam kung bakit basta ayaw lang niya. Dito na nagalit ang Papa niya at sinabi na pasaway siya. Hindi pa'to nakuntento at pinaalala pa na ayaw niyang  magshift ng course sa school.

"Tigas ng ulo mo! Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo!"

Biglang nagising si Sita.

"Hindi ako si Lia!" malakas na bitaw niya na parang kausap niya ang Papa niya.

Huminga siya ng malalim. Alam niyang hindi siya ang favorite daughter ng Papa niya pero sa Mama niya ay siya ang favorite.

She smiled while she remembered her mother's gentle face. Wala na siyang nais gawin kundi makita 'to uli.

"Mama, uuwi ako. Sorry, muntik na akong mag give-up."

Kaya bumangon si Sita at inubos ang lahat ng pagkain like she always did. Alam niya na dapat nagtitira siya para lunch pero wala din naman siyang plano na bumalik rito.

Bago umalis ay naghugas muna siya ng kinainan niya.

Tapos tumulak na siya muli patungo sa baybayin.

Tulad ng inaasahan niya ay malalim ang dagat at maalon.

"Hindi pa ba kayo napapagod?" bato niya sa karagatan. "Ako hindi. Hindi pwede."

Nagpahinga muna siya ng isang oras bago tumalon sa dagat.

Walang nagbago, hirap pa rin siyang makakita sa ilalim at hirap pa rin siyang lumangoy dahil sa malapot ang tubig. Umangat ang ulo niya na agad sinalubong ng malakas na alon. Natangay siya sa baybayin na parang laruan lamang siya.

She felt so helpless but still lucky that she still made it back to the rocky shore---alive.

Kahit pa masakit ang katawan at hinahabol ang hininga niya.

Hindi siya titigil, kaya nagpahinga lang siya ng isang oras at sumubok muli. Pero ganun pa rin ang resulta---bigo pa rin siyang makaalis.

Nakailang subok siya sa araw na'to hanggang naramdaman ni Sita na parang hihimatayin na siya. Nanunuyo na rin ang lalamunan niya at nanlalamig siya.

Mabigat man sa loob ay alam ni Sita na hindi na siyang pwedeng tumuloy.Kaya naisipan na niyang bumalik sa kubo.

Naglakad na siya pero hindi pa siya nakakalayo ay nanlalambot na ang mga tuhod niya, feeling niya any minute ay pwede na siyang magcollapse. Kaya noong natanaw niya ang cottage, kung saan kumain siya ng ensaymada, ay napaupo siya at hindi na niya napigilan ang sarili.

Nakatulog si Sita.

This time, wala siyang panaghinip, para lang siyang muling lumangoy at ang tanging nakikita niya ay ang madilim na tubig.

Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon