Kabanata 2

13 0 0
                                    

"Class listen up! Wala tayong classes this whole afternoon dahil may New Student's Orientation mamayang 2pm sa gym. Attendance is a must. Walang mag cu-cut kundi ay may minus points sa grades! Understand?" first period namin after lunch pero naghiyawan ang mga classmates ko sa narinig galing sa teacher namin sa Science. "But don't be too excited students dahil magbibigay ako nang pointers ngayon, read the whole chapter 1 of your book and tomorrow we will have a long test! "

"Ma'am Velasco! Grabe naman 1 chapter and long test agad? 2nd day pa lang ng school year ah!" reklamo ng isang classmate ko.

Karamihan ay nagrereklamo din. Kaya pinandilatan kami ng terror namin na Science teacher.

" Abah! Bawal mag reklamo, baka gusto nyo two chapters? Anu pa't naging diamond kayo?! Ang mga gold nga hindi nagreklamo! "

Tahimik lang akong nakikinig. Nang lumabas na ang teacher namin ay kinuha ko nalang muna ang Science book namin at tiningnan ang buong chapter one. Past 1 pm pa naman siguro magbabasa muna ako?

"Ella, anu pang hinihintay mo? Tara na sa gym baka maunahan pa tayo ng ibang sections!" Yaya agad ni Jacq.

"Mauna na kayo." Simpleng sagot ko. Ang laki kaya ng gym hindi kami mauubusan ng upuan.

"Pero kailangan natin pumunta agad baka maabutan o madaanan pa natin ang mga grade 10 doon, P. E kaya nila ngayon sa Gym!" Excited naman na lumapit si Natalia.

Halos umirap ako. Kung gusto nila, eh di mauna sila. Ang ibang classmates namin ay nagsilabasan na. Ako nalang ang hinihintay nina Jacqueline.

" Mauna na kayo. Hindi ako intresado sa mga grade 10. Sige na." Seryoso kong sagot dahil talagang ayokong sumabay sa kanila. Siguro dapat lang na ngayon pa lang ay mag bibigay na ako ng gap sa kanila.

"Tara na nga Jacque! Ang arte naman ni Ella! Bukas sa lunch wag kana din sumabay sa amin ha!" Mataray na bwelta ni Natalia, pero imbes na mainis ako ay lihim akong nagpasalamat. Ibig sabihin hindi na ako mahihirapang tanggihan sila bukas.

Mag 5 minutes before 2pm ay lumabas na ako ng classroom. Dumiretso na ako papuntang gymnasium, pero anu bang meron sa araw na to? Umiiwas na nga ako pero pareho sa cafeteria kanina ay makakasalubong ko na naman sa hallway ang pito. Ayun sa kwentuhan kanina, Lucky 7 daw ang tawag sa kanila. Psh! Anu sila F4? Parang masusuka ako sa ka-OA-han! Unlucky 7 siguro pwede pa. Natawa ako sa iniisip.

Nakapang basketball uniform ang pito, combination ng royal blue , white and black ang color ng jersey uniform nila. Hindi nila ako napapansin dahil nagtatawanan sila, may nakasunod din sa kanilang mga babae na naka black fitted sleeveless and royal blue and white na short skirts. Siguro cheering squad?

Nang tumingin sa direksyon ko si Antoniuz ay nakita niya ako ilang metro nalang ang layu ko sa kanila. Ang matamis niyang ngiti sa kausap na babae ay biglang napawi sa sandaling magtama ang mga mata namin. Tumingin din ang halos lahat sa akin. May ngumisi ng nakakaloko, sumipol at tinawag agad si Clifford na may kausap na babae sa bandang likuran nila.

Mabilis akong yumuko, hindi dahil nahihiya kundi dahil biglang may tinuro sa paanan ko ang isang kasama niya. Akala ko may bigla akong nahulog, wala naman.

"Hahaha! Sira ka talaga Miguel!" Malakas na tumawa ang mga kasama niyang babae.

Tiningnan ko ng masama ang lalaking si Miguel. Sira ulo!

"Hi Ella. Pupunta ka bang gym?" Lumapit agad si Clifford sa akin. Ngiting-ngiti siya na parang matagal na kaming friends. Huminto siya sa harap ko kaya ang lahat na mga kasama niya ay huminto din!

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Gusto ko agad na umalis pero inilahad niya ang cellphone niya sa harap ng mukha ko, "Anu yan?"

"Can I have your number?"

Kung Hindi Rin Lang Ikaw... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon