Hindi ko maintindihan ang totoong pakay ni Clifford pero lumipas ang dalawang linggo na hindi niya ako masyadong kinakausap sa drawing room. Hindi ko naman ugaling mag assume at hindi rin naman ako nagmamagaling pero nagtataka lang ako kung anung pumasok sa utak niya? Trip niya lang ba sa buhay?
Hello, hindi siya marunong mag drawing!!
Kung sabagay, sa loob ng dalawang linggo tatlong beses lang naman siya pumunta kapag vacant niya siguro. At hindi naman talaga siya nang iistorbo, ang totoo ay masayang masaya pa nga mga kasama ko lalo na si Apple! Kapag nasa drawing room ay wala siyang ibang ginagawa kundi magpa cute dahil ginagawa siyang model nina Apple for portray sketching!
"Tanungin ko kaya anu pinag awayan nila ni Aze?" Bulong sa akin ni Apple. Biernes ng hapon, vacant kami ng dalawang oras dahil may meeting ang mga teachers.
Pinandilatan ko agad si Apple at hinila pabalik dahil akma na niyang lalapitan si Clifford na kausap si Ted at Janine.
" Tumigil ka nga Apple!""Mamamatay ako sa curiosity ko, Ella. At isa pa, mabait naman si Clifford."
"Apple, Ella... Pupuntahan ko muna si Dan," ang bf niya tinutukoy niya. "Kayo na muna ang bahala ky Clifford."
"Anu?"
"Sure!"Halos sabay kami ni Apple, inirapan ako ng bruha at pa ngiti ngiti pa.
Umalis na si Janine, kaya lumapit sa table namin si Cliff na may bitbit na drawing pad at pencil. As if! Wala akong tiwala talaga.. Ewan ko nalang.
"Dito ka sa tabi ko Cliff! Tingnan natin ang gawa mo..." Para namang korek si Apple na tiningnan kunyari ang gawa niya, "Hmm... So far medyo natututo kana!"
Simple akong napasulyap sa drawing pad ni Cliff. Halos matawa ako. Naglolokohan ba kami dito? Mas maganda pa drawing ni Reena kaysa diyan eh. Anu kaya yun? Tao ba yun? Parang halimaw!
"Ella, look! Anu sa tingin mo?"
Sinali pa ako ng gaga!
"Halimaw ba yan?"
"Hahaha!" humalakhak bigla si Clifford. "Oo si Aze yan!"
"Hahaha!" nakisabay din sa pagtawa ang timang kong kaibigan. "Joker ka pala, Clifford! Pero speaking about Aze... Okey na ba kayo?"
Tumaas ang kilay ko at halos mabali ko na ang hawak kong lapis. Ikaw talaga Apple! Nakakahiya kang babae ka!
"Oo naman! Bakit kami hindi magiging okey?"
"Syempre, alam ng lahat na nag-away kayong dalawa! Si Ella ba pinag-awayan nyo?"
Napapikit ako dahil sa kahihiyan, alam kong namumula na ang mukha ko. Bahala na! Dali-dali akong lumabas ng room. Tinawag ako ni Ella pero binalewala ko iyon.
Mabuti pa babalik nalang ako sa classroom at doon maghintay hanggang mag-uwian!
Habang nasa hallway ay nadaan ako sa cafeteria. Paglingon ko sa entrance ay nakita ko ang lumabas na student na umiinom ng fruit shake. Nauhaw ako bigla kaya lumiko ako para pumasok na sa caf at bumili din. Hindi naman masyadong crowded ang cafeteria ngayon, kompara kung lunchtime na punong-puno. Kaya mabilis akong nakapag-order ng buko shake.
"35 pesos Miss..." Saad ng nagtitinda.
Pagkapa ko sa bulsa ng uniform ay wala ang wallet ko! Pagkapa ko sa aking likod- hindi ko pala dala ang bag naiwan ko sa drawing room!
"Heto na miss... 35 pesos." Inilahad sa akin ng tindera ang plastic cup at straw. Halatang naghihintay ng bayad.
"Hm." Unti-unti kong kinuha ang shake at nilapag sa counter, "Ale pwede po... Babalikan ko nalang. Naiwan ko kasi ang bag ko-"