Simula

15 2 0
                                    

MALIGAYANG PAGDATING SA LALAWIGAN NG MONTE ALEGRE

I am driving fast na halos hindi ko na mabasa ang naka-ukit sa malaking arka na nadaanan ko but I'm pretty sure na iyon parin ang nakalagay kahit na ilang taon na ang nagdaan simula na umalis kami sa probinsyang ito.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinonek sa bluetooth earphones.

"Yes."

"Ate!!"

Hininaan ko muna ang music na 'A thousand miles' sa sasakyan.

"Bakit, Zareena? Anu na naman ba?" Kaninang umaga ay siya at si Juan ang naghatid sa akin sa airport.

"How's your flight? Nakapag rent-a-car ka ba? Kamusta ang byahe mo? Anung oras ba ang dating mo sa San Jose?"

"Yes, Reena, I'm tired! Mamaya ka nalang tumawag, I'm driving!"

"Ikaw naman kasi, ang tigas ng ulo mo Ate! Kung sana hinintay mo munang matapos ang conference ng boyfriend mo sana may kasama ka ngayon!"

"Hindi ko boyfriend yon! Mga 5pm siguro nasa San Jose na ako. Bye." I intentionally ignored her rant.

I hate distractions while driving. Lalo na ngayon na nagmamadali ako dahil ayokong gabihin. Badtrip pa kanina dahil delayed ang flight!

Isang oras pa nagdaan ay nakita ko na ang napaka pamilyar na lugar. Ibig sabihin, sa wakas! After 8 long years shit I'm back!!

Ang bayan ng San Jose ay ang pinaka sikat at magandang lugar sa lalawigan ng Monte Alegre. It's like the center place of this province. Well dahil ang bayan na ito ang pinakamalaki kaya nandito rin ang lahat ng establishments ng lalawigan at dito na halos lahat nakatira ang mga mayayamang angkan ng probinsyang ito.

Speaking of mayayaman. Tumaas ang kilay ko ng mag slow down dahil medyo may traffic, sa isang building may nakita akong tarpaulin.

MERRY CHRISTMAS AND A PROSPEROUS NEW YEAR!!!

Greetings from Mayor Edgardo Dalmata and family.

Papa ni Natalia! Correction. Step dad niya pala.

So... Mga Dalmata na pala ang namumuno dito sa San Jose?

Right, cos I heard na si Mayor Salvador noon ay Gobernador na ngayon.

Hmmm, eh di magsama sila!

Hindi ko na inisip iyon dahil mas importanteng makahanap ako ng matutuluyan.

"Hi, may available pa bang room?" tanong ko sa babaeng receptionist.

Nasa Monte Alegre Hotel and Resort ako. Wala akong choice dahil biglaan ang pagbalik ko dito sa San Jose kaya hindi ako nakapag-search ng iba pang  mga hotels, (kung meron pang iba na mas maganda dito) that is why dito sa resort ako dumiretso.

Sumulyap sandali ang receptionist sa akin, tinapos agad ang kausap sa cellphone at magiliw na ngumiti.

"Yes Ma'am! Pero suite room nalang po ang natira. I. D. Nyo nalang po ma'am . At ilang days po ba ang check in niyo?"

Medyo nag-isip ako sandali because I'm not really sure kung kailan ako babalik ng Manila. Dependi? Siguro matagal na ang 5 days?

"Okey sige at 5 days ako." sagot ko.

"Ah artista o model po ba kayo Ma'am?" Kuryosong usisa niya.

"Hindi, Miss. Where's my key? I'm tired." Pa-suplada kong sagot.

"Ay...sorry po. Akala ko lang-- Ah heto na po ang susi ng room ninyo. Enjoy your stay here in Monte Alegre Miss Villareal." Nahihiyang saad niya.

I sighed.

Kung Hindi Rin Lang Ikaw... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon