Chapter 1

3.6K 70 12
                                    

Cold Point Of View

Ngayon ang dating ng bagong room mate ko. Gumising ako ng maaga para maglinis ng kuwarto namin. Kahit na malinis talaga sya ay nilinis ko pa rin para walang masabi sa akin

"Busing-busy ah!" Puna ni Dean

Naabutan ako ni Dean na nagpapagpag ng sapin

"Oo. Ngayon kasi darating ang room mate ko"

"Parang kakalinis mo lang nung isang araw ng kuwarto mo" tanda na sabi ni Dean

Sya si Dean isa sa ka dorm mate ko. Mabait sya tsaka maasahan

"Ah??? Eh??? Ayokong may masabi kasi sa akin ang ka room mate ko. Baka sabihan pa akong dugyot at burara hehehe"

"Ah!! Ganun ba? Gusto mo tulungan kita" pag aalok nya sa sarili

Dahil kaya ko naman mag-isa tsaka hindi naman masyadong kalakihan ang kuwarto. Tinanggihan ko na ito

"No, but no thanks. Kaya ko na ito" sabay flex ng muscle

Aprove lang ang ginawa nito. Ibig sabihn ay okay lang sa kanya.

"Dito muna ako. May bibilhin lang ako sa tindahan tsaka kung kailangan mo ng tulong puntahan mo lang ako sa kuwarto" sabi nito sa akin

"Okay" naka aprove na sabi ko na naka smile

Umalis na ito para bumili. Ako naman ay naiwan mag-isa para maglinis
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mga 6 na ng gabi ng matapos ako sa paglilinis

"Haaayyy!!! Napagod ako" sabay higa sa kama

Nagpatumba ako sa kama na parang may sasalo sa akin tsaka humiga

"Ang sarap humiga" sabay hagod taas at baba ng dalawang braso na akala mo naka higa sa snow

Ginagawa ko iyon habang naka pikit. Dahil naka pikit ako hindi ko namalayan na dumating na ang ka room mate ko tsaka si fire

"Hoy fire Ano ginagawa nya? He is crazy? Feeling nya naka higa sya sa snow" rinig kong sabi ng voice ng guy

"Aba malay ko. Siguro. Nakikita mo naman ginagawa nya di ba" rinig kong sabi ng pamilyar na voice ng guy

Hindi ko sila pinansin. Akala ko ay nanaginip lang ako ng gising. Kung ano-ano ang naririnig

"Bakit ganyan sya kadumi? Para syang taong grasa" rinig kong na sabi ng voice ng guy

Napa dilat ako. Natunugan ko na ako ang sinasabihan ng guy na parang taong grasa dahil ang dumi ko. Pagbangon ko tsaka pagdilat ko ay napatingin ako sa itsura ko at sa kanila

"Nandito na pala kayo" nahihiyang sabi ko

"Oo kanina pa" straight na sabi ng guy

"Mukhang ang dumi mo yata saan ka ba nagsusuksok?" Sabi ni fire

Napa kamot ako ng ulo na parang nahihiya

"Ah!!! Ganun ba? Ano kasi naglinis ako ng kuwarto" sabi ko

"Oh!! Kakakita ko lang kahapon na naglilinis ka nitong kuwarto mo. pagkatapos naglinis ka ngayon araw" pagtatakang sabi ni fire

"Ang sabihin mo burara. Madaming nakakalat kaya naglinis" parang pagpaparinig ni Hot

Siniko ni fire ang guy na kasama nya. para tumigil sa sinasabi at huminto naman ito

Cold and HotWhere stories live. Discover now