Wala kaming pasok ngayon dahil kasisimula lang ng semestral break namin. Matapos mambulabog ni Erika kagabi ay hinayaan ko na muna siyang maki-sleepover sa guest room ng apartment ko. Dahil parehas kaming madaling araw nang natulog, nalipasan na kami ng pagsikat ng araw.
Matapos kong maligo ay sinilip ko si Erika sa guest room at nakitang mahimbing na natutulog pa. Hinayaan ko muna siya para naman mabawi niya sa tulog 'yung stress niya kagabi. Agad naman akong pumuntang kusina para magluto. Dahil may leftover rice ako kagabi, I decided to make garlic fried rice. Kumuha rin ako ng dalawang chicken fillet na binabad ko saglit sa ginawa kong batter bago isinalang sa air fryer. Gumawa na rin ako ng dressing para rito. Habang hinihintay maluto ang mga pagkain ay kumuha muna ako ng tubig at pinagmasdan ang cityscape mula sa floor to ceiling windows sa kusina. I should maximize the features of my apartment para hindi sayang ang pera.
"Ang drama mong tignan diyan," natatawang sabi ni Erika. Mukhang kagigising lang at medyo paos pa ang boses. Napakagulo rin ng buhok at mukhang hindi pa rin nagtotoothbrush. Yuck.
"Ikaw ang pangit mong tignan. Sana naman nagbanyo ka muna bago lumabas, 'di ba?"
Inirapan niya ako. "Hindi ko kailangang magpaganda sa harap mo 'no. Ano ka, sugar daddy?"
"Ah gan'on? Wag kang kakain ng luto ko, ha?"
Agad naman siyang kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto. Madali talagang kausap pagdating sa pagkain.
'Di katagalan ay naluto na rin ang chicken fillet. Hiniwa ko muna ito into strips bago ipinatong sa fried rice. I garnished it with the dressing pero naglagay pa rin ako sa sauce cup just in case kulangin. I served it on the table and prepared some juice and water, too.
Pagkalabas ulit ni Erika ay mukha na siyang tao. Umupo siya sa tapat ko at nagsimula na kaming kumain.
"I know I've asked you multiple times before pero, ayaw mo ba talagang magchef?" she asked while chewing her food.
"Don't talk when you mouth is full. Basic manners, 'di mo alam?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Uminom siya ng tubig at nilunok na ang laman ng bibig niya.
"Change topic ka, mars. Sagutin mo na lang. You always cook good food and you seem to enjoy it din. Plus, noong kinder ang nilagay mo sa yearbook is gusto mo magchef. Anyare?"
I sighed. "I grew up in a family of engineers. Of course they would want me to stay in that track. Besides, I can go to culinary school anytime after we gradate naman, there's no rush."
"Oh well. Pero if you change your mind, I can always refer you to Kuya Elijah, you know? He runs hotels and restaurants, 'di ba? Tapos recently, he's been investing in cruise ships din and they were looking for chefs to employ there."
Ayan na naman siya. Flex na flex na naman niya ang pinsan niya. I wonder what happened at sobrang close nila pero despite knowing Erika since kindergarten, I've never seen the face of this cousin of hers. At least not personally.
BINABASA MO ANG
Operation: Boyfriend, Gone Wrong!
RomanceTheodore's best friend got in trouble with her family. She thinks Theodore can help her sort it out. Theodore agrees to help. How come he's the one in trouble now?