Kabanata 4

23 3 14
                                    

Pumila na kami sa elevator paakyat ng tower. Hindi naman ito kahabaan kaya nakaakyat din agad kami. Sa first deck muna kami tumambay at nagpicture, pagkatapos ay naghagdan na lang kami paakyat sa second deck. Medyo mataas na rito at natatakot na si Mama na umakyat sa tuktok ng tower.

"Dali na, Ma. Sayang punta rito, sagarin na natin!" sabi ko.

"Oo nga, Mama!" pagsang-ayon sa'kin ni Thea.

"Kayo na lang, anak. Dito na lang kami ng Papa niyo," natatakot na sabi ni Mama. "Nalulula talaga ako," dagdag niya pa.

Tumingin kami kay Papa, silently asking for help with our eyes. "Pagbigyan mo na sila, Ma. Kumapit ka na lang sa'kin at 'wag kang bibitiw," sabi ni Papa. Sinamaan siya ng tingin ni Mama pero tinawanan niya lang ito. Napapayag din namin si Mama kaya pumila na ulit kami sa elevator para umakyat sa pinakataas.

Nang makaakyat kami ay nag-unahan kami ni Thea palapit sa available na telescope. Bumelat ako sa kanya nang mauna ako. Naghulog na ako ng coins sa telescope at sumilip. Enjoy na enjoy ko ang pagtingin sa iba't ibang lugar, nakita ko pa nga ang Louvre na ginawan ko ng miniature model para sa isang plate namin noon. Nang magsara na ang eyepiece ng telescope ay hinayaan ko na si Thea na pumalit sa'kin doon.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Mama na mahigpit na nakakapit kay Papa. Palihim akong natawa sa sobrang pagkacute ng mga magulang ko. Pinicturan ko sila pagtapos ay sinend ko 'yon kay Papa. Nakita kong kinuha ni Papa ang phone niya mula sa bulsa at tinignan ang sinend ko. Lumingon siya sa'kin at palihim na nagthumbs up, kaya nagthumbs up din ako sa kanya. Maya-maya lang ay may nareceive akong notification: $100 (USD) has been transferred to your account. Galing 'to kay Papa kaya natawa ako, sobrang spoiled talaga namin sa kanya.

Nagtagal kami sa taas ng tore kaya pagbaba namin ay madilim na. Magdidinner muna kami bago pumunta sa Louvre dahil maganda raw tumambay roon 'pag gabi.

"Maganda rin naman dito sa tower, ah," nakasimangot na sabi ni Thea. Gusto niya pa kasing magtagal dito sa tower para may night photo raw siya.

"Alam mo Thea, kahit gusto mo ng night photo rito, bawal 'yun. It's freaking illegal at makukulong ka 'pag nagpost ka ng night pic with the Eiffel Tower," pananakot ko.

"Bakit ako maniniwala sa'yo?" supladang tanong niya.

"Hindi ka naniniwala sa'kin? Buildings are classified as artistic works kaya copyrighted pa rin ang mga 'yan, including the Eiffel Tower. Sabi sa copyright law nila, 70 years prior to the death of the creator mo pa pwede magamit ang pictures nang hindi nanghihingi ng consent sa tamang authorities. Kung g na g ka makulong, edi sige, ipilit mo. Don't expect me to bail you, though," mahabang paliwanag ko kay Thea. Tumingin siya kina Mama at Papa para humingi ng tulong pero nag-iwas lang sila ng tingin.

Hahaha, kawawang bata.

"Minor ako! They can't jail me!" she insisted.

"You could be judged as a juvenile delinquent," sagot ko.

"But isn't the tower built in like, the Renaissance period?! Bakit hindi pa rin pwede?!" naiinis na niyang tanong. Namumula na rin ang pisngi niya kaya sinusubukan ko nang pigilan ang mga tawa ko.

"'Yung tower, oo. 'Yung lights? Hindi. Give up, sis." Hindi ko na napigilan ang tawa ko at natawa na rin ang mga kasama namin na palihim na nakikinig.

"Why do you even know those stuff," inis na bulong ni Thea. Ginulo ko na lang ang buhok niya at inakbayan siya papuntang sasakyan. Erika was the one who actually told me about it. Bilang lagi siya rito sa France ay natutunan niya na 'yon. She even said that if the picture was taken up the tower, it's not considered illegal. Hindi rin naman laging pinarurusahan ng korte ang mga nangunguha ng pictures sa gabi, pinagsasabihan lang, dahil karamihan dito ay mga turista. Of course, hindi ko na 'yun sasabihin kay Thea. Baka mag-amok na naman eh.

Pumunta kami sa restaurant na walking distance lang sa Louvre at doon na nagdinner, pagkatapos ay umikot na kami sa Louvre Square. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong ice cream parlor kaya hinatak ko si Thea papunta roon.

"Oras na upang singilin ka sa iyong utang," sabi ko sa kanya, reminding her of our deal na dapat ilibre niya ako ng ice cream. Inirapan niya lang ako at tinanong kung anong flavor ang gusto ko nang makaalis na siya. Pistachio at vanilla ang pinili ako. Nakashape ito nang pabulaklak sa apa at may strawberry-flavored macaron pang nakalagay sa gitna. Hindi na nanguha si Thea ng ice cream niya dahil papasok pa sila sa museum. Nagpaalam ako kina Mama na hindi muna ako sasama sa loob at maglalakad-lakad muna ako sa labas dahil gusto kong magpahangin. Pumayag naman sila at iniwan na ako sa labas.

Nanguha ako ng ilang pictures at pinost ito sa IG story ko. Nagselfie rin ako nang nakadila sa ice cream at sinend 'yon kay Erika.

eriklara: Pati ba naman ice cream jusq lordt

theooo.lee: Tulad mo naman ako sayo na r18 talaga

eriklara: Tangina sis walang laglagan

Magrereply sana ako kay Erika nang mabangga ako ng isang lalaki. Natapon ang ice cream ko sa damit ko at nahulog ang cellphone ko sa semento.

"Shit, I'm sorry," the man who bumped me said in a deep voice. Pinulot niya ang phone ko at binigay ito sa'kin.

Instantly, there were three things I noticed. One, may basag ang phone ko. Two, the man was towering over me. Three, his scent was so alluring.

"I'll compensate for everything, I'm really sorry, I'm in a rush." Kinuha niya ang wallet niya at bumunot ng pera. He gave me a few paper bills and left immediately. I was left speechless.

Tinanaw ko siya habang naglalakad. He has broad shoulder, long legs, and toned muscles na bakat mula sa itim na dress shirt niya. Beside the fact that he has my ideal body type for men, he looked familiar. I wasn't able to take a good look on his face dahil matangkad siya at madilim na rin, so it was hard for me to tell. But still, I feel like I've seen him somewhere before.

"Theo!" Natasha cut me out of my reverie. "Hindi na ako sumama sa loob kasi kawawa ka naman—Oh... anong nangyari sa'yo?" nag-aalala niyang tanong habang nakatingin sa damit ko. Agad siyang tumawag ng street sweeper para malinis ang kalat.

"It was nothing, may nakabunggo lang sa'kin," paliwanag ko. "He compensated for it though." Itinaas ko pa ang paper bills na binigay ng lalaki para ipakita kay Natasha.

"Oh my god, that much?!" gulat na tanong niya. Napatingin ako sa hawak kong pera at nanlaki rin ang mga mata ko sa nakita ko. "This much?!" I exclaimed.

I had two 500-euro bills and three 100-euro bills crumpled on my hand. That would be 1,300 Euros at kung icoconvert ay mahigit 70k na 'to in Philippine peso. What the fuck?!

"Dude, you got lucky! Must've bumped into some billionaire, huh?" Natasha asked in awe.

I hid my shock in a shrug and said, "Guess we can drink 'til we're wasted tonight."

Operation: Boyfriend, Gone Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon