Destiny’s POV
Busy bisihan sa school. Ayos na din dahil nakatulong yon para madali kong makalimutan si Mico. Iniiwasan ko ding magkrus ang landas naming dalawa kahit kinukulit pa nya ako nung una.
I can forgive him. If he asks for friendship, i’ll think about it.
Nachismis sila ni Charleen sa buong department namin. Syempre kasama ako don, pero halos lahat nasakin ang simpatya. Tama lang daw yung ginawa kong pagiwas kay Mico. Well, iyon naman ang tama.
Dagsaan rin ang mga manliligaw ko, yung iba mga dati ko ng binusted..meron ding makukulit at pilit akong binibigyan ng kung anu-ano na syang tinatangihan ko naman.
Ayoko muna kase...aral aral din..at ayoko na ding bigyan ng disappointments ang parents ko. sa susunod na magpapakilala ako ng boyfriend sa kanila i will sure na iyon na talaga! >__^ pak!
....
...
“hey baka hindi ako makasama tomorrow..may klase ako ng 8 am mejo terror pa yung prof namin sa period na yon”
“it’s ok kami nalang ni Josh”- Lauren
Makausap kame sa phone. Magsisimba sila bukas kasi kamamatayan ng papa nya. lahat kaming magbabarkada karamay nya tuwing dadating ang araw na yon. But unfortunately, hindi kame pwede ni Amber.
“so, did you received again a letter?”- me. At bago dumating ang araw ng kamamatayan ng papa nya lagi syang nakakatanggap ng sulat mula sa kung sino.
“yeah..nakita ko kanina sa loob ng locker ko. kahit gano katagal ng patay si papa, that person still sent his/her condolences.”
If im not mistaken fourth year high school kame nung namatay sa car accident si tito Lauro.
“sa tingin mo sya din yung nagiisponsor sayo?”
“hmm...yeah and for how many years hindi ko pa din sya kilala mababaliw na ko sa kakaisip kung sino sya!” she said in desperate tone.
“isipin mo nalang na good Samaritan sya.”
“yeah maybe..but i have a feeling na kilala sya ni papa or may connection sya kay papa”
“time will come that you will meet each other”
“yeah i know...so, it’s late...goodnight”
“yeah goodnight girl” i ended the call.
Mas nagkakaintindihan kame ni Lauren compared dun sa dalawa..pero lahat kame close. Siguro mas mabait kame dun sa kanila kaya mas malapit kame sa isa’t isa ^__^
..
..
Next day..
@Lauren’s unit..
*door opens*
“hey!”- me
“oh akala ko ba—“ she looked surprise.
“hindi daw nakakapasok yung terror naming prof..and its a miracle you know..kilala yun na hindi umaabsent sa klase, ngayon lang talaga” i said while walking inside her unit. “Where’s Josh?”
“as usual late..you want coffee?”
“i love coffee” ^_^ oo adik ako sa kape. Kung ang iba natetense pag umiinom..ako naman narerelax sa kape.
Sinerve nya yung kape then after ng ilang minutong kwentuhan...
*buzz buzz*
“Oh speaking of the devil..” Laurence glanced at me after seeing Josh outside.