Destny’s POV
*knock knock*
“princess wake up..breakfast is ready”- si Mom
“10 more minutes mom” matamlay kong sagot. Naramdaman ko yung paglapit nya. nagtilakbong ako ng kumot.
Umaga na pala..tsk.
“Sweetie, come on” tumabi sya sakin.
“mom susunod nalang po ako, mauna na kayo ni dad”
“umalis na ang dady mo”
malat na malat yung boses ko. Pano ba naman kase..magdamag kong iniyakan yung bwisit na Mico na yon!>_< halos di na nga ako nakatulog kakaisip sa pinag-usapan namin kahapon.
Yung ‘inakala’ ko, sana iyon nalang yung ginawa nya...katanggap tanggap pa! mapapatawad ko pa sya doon.
Pero hindi eh! Mas mabigat pa don yung ginawa nya. sinasadya man o hindi, ang sakit pa din non! T_T
Parang gusto nanaman tumulo ng luha ko sa inis! Hmp!
“Sweetie that guy doesn’t deserved your tears..at kahit sino pang lalaki.”Niyakap nya ko. binaba ko yung kumot sa mukha ko para harapin sya.
“mom ang sakit..dahil ba hindi ako pumayag na may mangyari samin non..gagawin na nya yon sa iba!?kahit sabihing wala sya sa ulirat nung time na yon..hindi pa rin reason yon diba mom?” di ko na mapigilan yung luha ko.
“sshh..you did the right thing hija”
“i thought he loves me..” sya na kasi yung pinaka matagal kong boyfriend, kaya umasa ako na tuloy- tuloy na kami.
“if he loves you hindi ka nya pipilitin na gawin yung isang bagay nang hindi pa kayo handa..masyado syang mapusok, kaya yan ang napala nya.”
Nagalit talaga ako sa kanya noon nung pinilit nya kong halikan.
I could kiss anyone i like..Unfortunenately, wala pa akong nagugustuhan na bigyan ng first kiss ko. kahit kay Mico na boyfriend ko. Talagang nirereseve ko ang lahat lahat sakin para sa perfect guy na sya na ding mapapangasawa ko in the near future.
After non isang linggo syang humingi ng sorry at ginawa talaga nya ang lahat para patawarin ko sya.
“pero hindi daw po nya sinasadya” shit destiny pinagtatanggol mo pa yung lalaking yon!? >_<
“sinasadya man o hindi nagkamali pa din sya hija at dapat nyang panagutan yon..lalong hindi ko hahayaan na mapunta ka pa sa kanya kung ganun din lang na may responsibilidad na sya sa iba”
Responsibilidad sa IBA... OUCH...!
“..think the brighter side hija..”
“ano namang brighter side don, ma?”>_o
“Anak hindi sa kampi ako sa kanya, pero kahit papano naging honest sya sayo na aminin ang lahat. You should accept it, forget and move on.”
Wow payong barkada lang ha mommy..
“..isa pa nakaiwas ka sa maling tao.”
Maling tao? Yeah maybe..
Pero...
Pano kung wlang Charleen na biglang sumulpot sa eksena?kami pa din kaya hanggang huli...?
..
..
Hindi ko rin alam >__<
Aahhh..makakalimutan mo din sya Destiny..!!
Bumangon na kame.