Chapter 10: A Mistake

1.1K 51 4
                                    

Xander's Pov

Nandito ako ngayon sa isang restaurant nakatanaw kay Zia este Miss Singson at no'ng lalaking magiging asawa niya na nagfo-food testing para sa kasal nila.

Ewan ko ba kung anong ginagawa ko dito. Pero dinidiktahan ako ng puso kong sundan sila, sundan si Zia! Ewan ko pero parang na miss ko yung kakulitan niya. Iyong mga tawa at ngiti niya, lalong-lalo na ang pagtawag niya sa akin ng Mylabs. Hahay! Ano ba 'tong iniisip ko. Sinulyapan ko ulit sila.
Tsss... Kabanas tingnan! Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko parang gusto kong suntukin 'yong lalaking katabi niya.

Lumipas ang mga araw at buwan parati ko pa ring sinusundan si Zia. Hindi ko na nakikita ang fiance niya baka nag back out na sa kasal.

Sana nga!

Malapit na kasi ang kasal nila sa susunod na araw na.

Nakita kong papasok na sa kotse si Zia. Kahit nahihiyang magpakita ay bigla ko na lang siyang tinawag at mabilis na lumapit sa kanya.

"Zia!"

"Oh! Mr. Thompson. Anong ginagawa mo dito?"

"We need to talk!" sabi ko sabay sakay sa kotse niya.

"Anong ginagawa mo? Umalis ka nga diyan sa kotse ko!"

"Sasakay ka o sasakay ka?" ma-authoridad kong tanong.

"Sasakay pero ako ang magd-drive!"

"Ako na Miss Singson and that's an order!"

Mukhang natakot naman siya at sumakay na lang sa passengers seat.
Goodgirl! Kaya pinaandar ko na ang kotse.

"Ano bang pag-uusapan natin Xander? Diba nagkaliwanagan na tayo? Sinabi ko naman sayo ang team na ang maghahandle ng.."

"Ssshh..hindi dahil sa hotel, Okay!"

"Kung gano'n. E, ano? Anong pag-uusapan natin?"

"Basta! Malalaman mo rin."

Actually, hindi ko rin alam kong anong pag-uusapan namin. Ang alam ko lang masaya akong kasama siya ngayon at ayokong matuloy ang kasal nila. Am I that cruel? Naiinis ako sa saliri ko!

Nagdrive lang ako ng nagdrive.
Gabi na nang makarating sa favorite place ko, Isang Cabin sa loob ng gubat.

"Anong ginagawa natin sa loob ng gubat, Xander? Dito pa talaga, ha!"

"Don't worry it's safe here. It is my secret place."

Pumasok na kami sa Cabin. Nakita kong parang naluluha siya kaya naalarma ako bigla at mabilis na lumapit sa kanya.

"What's wrong? Are you scared? I'm sorry kung dinala kita dito. Wala namang masamang hayop dito and I'm here, I will protect you. Please don't cry my dear."

Loving the Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon