Chapter 1

1K 32 2
                                    


"CONGRATULATIONS, anak!" bati ni Mang Raul sa anak na si Jeydon. Walang mapagsidlan ng tuwa ang ginoo dahil napagtapos niya ang kaisa-isang anak at natatanging kayamanan na iniwan sa kanya ng babaeng pinakamamahal. Nasa top ten pa ito bilang pinakamatalino at magaling na lawyer student.

"Thank you po, Pa! Para sa iyo ang lahat na ito!" Nakangiti na niyakap ang ama na may butil ng luha sa mga mata.

Simpleng mamayan lamang ang ama na nagmahal ng isang heredera. Hadlang ang mga kamag-anak ng kanyang ina sa
ipaglaban ang pag-ibig ngunit natunton din sila at pilit pinaghiwalay. Pinagbantaan pa na ipakukulong ang ama, isang taon lamang umano siya noong iniwan siya ng ina upang hindi madamay sa galit ng mga magulang nito. Lumipat sila ng lugar ng ama noon sa takot nito na pati siya ay mawala din dito.

"Bro, congrats!" Nakipag fist palm si Ashton sa matalik na kaibigan.

Nakangisi na humarap si Jeydon sa kaibigan. "Same to you, Bro, isa ka ng ganap na doctor!" Niyakap niya ito bago sinuntok ng mahina sa balikat.

Pareho sila mahilig sa thriller at nag-aaral ng palihim nang self-defense. Si Jeydon ay magaling mag-control sa pag bali sa leeg ng kaaway nang hindi tinutuloyan. Si Ashton naman ay magaling kumapa ng ugat kung saan ididiin ang daliri upang maparalisa ang kaaway sa loob bg ilang minuto na tumatagal hanggang tatlumpong minuto. Katulad niya, hindi din buo ang mga magulang.

"Hello, Babe! Congratulations!" bati ni Rhea, isa sa babae na may gusto kay Jeydon.

"Ako ba hindi mo babatiin Babe?" maloko na tanong ni Ashton sa babae. Babe din ang tawag dito dahil naging ex niya rin ito.

"Thank you Rhea, good luck sa iyo sana next year maka graduate ka na." Sagot nito sa babae, puro lalaki ang inaatupag kung kaya bagsak sa board exam.

"Mauna na ako sa inyo mga Anak," ani Mang raul sa dalawang binata. Hindi na siya nagtagal dahil pupunta ng bar house ang barkada ng mga ito bilang pag-celebrate sa pagtatapos. Alam niya na babae ang makakasama ng mga ito pero hinayaan lang ang anak dahil matalino ito at binata na.

"Ingat ka Pa, sa pag-uwi!" Inakbayan niya ang ama at tinapik sa balikat.

"Ingat po Tito Raul, baka mapikot ka sa daan." Biro ni Ashton sa ama ng kaibigan. Madalas niya ito biruin na mag-asawa muli habang malakas pa ang tuhod ngunit pumapalatak lamang ito at umiiling. Alam niya ang kwento pag-ibig nito at hindi niya alam kung saan nagmana ang kaibigan sa pagiging manyak at babaero.

"Oh, anong klaseng tingin iyan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jeydon sa kaibigan nang tumingin ito sa kanya na naka kunot ang noo at malalim ang iniisip.

"Iniisip ko kung saan ka ba talaga nagmana?" seryoso ang mukha nito at hindi nawala ang pangungunot ng noo.

"Gago! Wala sa dugo iyan, nasa mukha ko na kasing guwapo ng exo." Mayabang na turan nito at ngumiti ng nakakaloko.

"Pucha, tara na at baka biglang bumagyo!" palatak na ani nito.

Tumatawa na sumunod siya kay Ashton kasama ang iba pang kaibigan. Pagdating ng bar ay kanya-kanya kuha ng babae ang mga kasama maliban sa kanila ni Ashton dahil may partner na sila at paparating na ang mga ito.

Mula sa private room, pinapanuod ni Cloud ang magbabarkadang kalalakihan. Madalas doon tumambay ang dalawang lalaki kung kaya pamilyar na sa kanya ang mga mukha nito.

Naalis ang tingin sa screen monitor nang tumunog ang kanyang mobile.   Ano ang kailangan mo?" Tanong "niya agad dito pagkasagot sa tawag ng pinsan na si Micko.

"Kahit sa tawag ang sungit mo, wala manlang ba hello muna?" palatak na sagot ni Micko sa kabilang linya.

"Tsk!"

My Possessive BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon