PAKIRAMDAM ngayon ni Jeydon ay natutuyo ang kaniyang lalamunan dahil naging sunod-sunod ang kanyang paglunok ng laway nang maramdaman ang kalambutan ng dibdib ni Ynrahd, na bahagyang nakalapat sa kanyang dibdib na hubad."Tsk, ang kulit! Kapag hindi ka pa umalis ngayon din, makakatikim ka sa akin!" Kulang sa lakas na pananakot nito sa dalaga.
Mula sa mukhang tulala, unti-unti nagbago ang expression ng mukha ni Ynrahd, na hindi nagustohan ni Jeydon. Unti-unti nabubuo ang pilyang ngiti sa manipis at mapupulang labi nito.
"Ynrahd!" Pinandilatan niya ito ng mga mata nang makipagtitigan ito sa kanya habang hindi napalis ang ngiti sa mga labi.
"Parang gusto kong dito matulog!" Ngumiti pa siya ng matamis sa binata. Hindi pinansin ang galit sa mukha nito ngayon, lalong nagmukhang guwapo ito sa kanyang paningin kapag nagagalit nang dahil sa kakulitan niya.
"Tsss, lumabas ka na!"
"Ayaw ko, hindi ba ang sabi mo kay Lemuel kanina ay dapat lagi ka nasa tabi ko upang masiguro ang aking seguridad?" Nakanguso niyang tugon sa binata.
"Hindi ko sinabi na hanggang sa pagtulog ay kailangan na katabi kita!" Tila nauubusan ng pasensya na wika ni Jeydon.
"Ah basta! Gusto ko dito matulog!" Tuluyan na siyang sumampa sa kama ng binata at mabilis na sumukob sa kumot nito.
"Fuck!" Mahinang napamura si Jeydon nang dumantay pa sa kanyang binti ang hita ng dalaga. "Baka pumasok sa silid mo ang mga magulang mo at hanapin ka." Pilit na inaalis ang binti nito na nakadantay sa kanya.
"Naka-lock po ang pinto ko." Hindi na napalis ang ngiti niya sa mga labi at pinakita dito muli ang isang bungkos ng susi na hawak bago inilagay sa beside table. Ninakaw pa niya ang susi na iyon sa silid ng mga magulang kanina.
"Gusto mo talagang mapahamak?" tanong niya sa dalaga sa namamaos na tinig.
"Bakit naman ako mapapahamak, makitulog lang naman ako dito, ah?" walang muwang niyang tanong sa binata.
"Matutuklaw ka talaga ng ahas ko," aniya at tumagilid ng higa upang humarap sa dalaga.
"Ahas?" Hintakutan niyang tanong, takot siya sa ahas kahit sa bulate. Biglang naitaas niya ang kumot at sinilip ang loob sa pag-aakala na naroon ang ahas.
Nanlaki ang mga mata ng makita ang halos hubad na katawan ng binata sa ilalim ng makapal na kumot. Ngayon niya napagtanto kung anong ahas ang tinutukoy nito nang makita ang namumukol sa pagitan ng hita nito. Naalala niya rin ang sinabi ni jennyrose noon na kahit bakla ay may ahas pa rin na alaga iyon. Noong unang may mangyari sa kanila ay hindi niya gaano na feel ang nangyari dahil mabilisan at at parang lasing siya noon. Ni hindi nga niya ininda ang sakit nang mapunit ang harang sa kweba niya noon.
"You can go now?" Nakangisi na tanong ni Jeydon sa dalaga ng mapansin ang panlalaki ng mga mata nito na nakatingin sa kisami
Para namang natauhan si Ynrahd, umayos siya ng higa at tumagilid upang humarap sa binata. "Hindi ko nakalimutan ang pangako mo sa akin noon." Namumungay ang mga mata na tumitig sa binata. Langhap na niya ngayon ang mabango nitong hininga dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"Anong pangako?" Kunot-noong tanong ni Jeydon.
"Iyong more round!" pilya niyang sagot sa binata. Kinapalan na niya ang mukha dahil gustong-gusto niya na makasal sa lalaki sa halip na kay Lemuel. Gusto niya rin malaman kung ano talaga ang pakiramdam ngayon na wala ng droga sa kanyang sistema.
"Hindi laro ang iyang nais mo, at lalong hindi ito pagkain na maari mong tikman kahit anong oras mo gusto."
Napasimangot si Ynrahd, lahat na lang ng sasabihin niya ay may katapat sa binata. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay hindi siya kaakit-akit sa mata nito. Sasagot pa sana siya ngunit biglang tumunog ang cellphone ng binata.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard
ActionJeydon Laserna, tinaguriang maginoo pero medyo bastos. Maliban sa galing nito sa pag-akit ng babae ay mayroon din itong natatanging galing sa pakipaglaban, hindi lang sa kama kundi maging sa suntukan. Ynrahd Ehd, a spoiled brat. Anak mayaman ngunit...