"PSST, KUYA!" Tawag ni Ynrahd sa kanyang bodyguard, kinalabit niya ito sa braso nang ayaw siyanh pansinin. Nang makita niya kanina ito ay nagbago ang kanyang isip na dispatsahin ito bilang bodyguard niya."Ang suplado porkit pogi!" Kikibot-kibot ang nguso na bulong niya sa kanyang sarili nang hindi pa rin siya nilingon ng lalaki. Kahit hindi nakikita ang mata, alam niya na pogi ito. "Ang laki ng braso!" Tili niya sa kanyang isipan habang tinititigan ang malinis na daliri nito na nakahawak sa manibela. Ito na rin ang nagmaneho ng kotse nila upang ihatid siya sa eskwelahan.
"Stop staring, it's a bad habit," ani Jeydon. Pinalagum niya ang kanyang boses upang hindi agad makilala ng dalaga. Alam niya na hindi siya nakilala nito sa mukha dahil walang bahid na pintura iyon.
"Ang sungit mo naman, Kuya, alisin mo nga ang sunglass mo at baka hindi mo na makita ang daan."
"One more thing, ayaw ko ng makulit at matanong." Pasupladong saad niya sa dalaga. Lihim siyang napangiti nang makita sa front mirror ang pagsimangot nito.
"Ano ba kasi ang pangalan mo?" Pangungulit muli niya sa lalaki, hindi initindi ang mga sinabi nito.
Sinulyapan niya ito nang hindi siya sinagot. Lalo siyang napasimangot at naghalukipkip sa kinaupuan.
"Pwede mo akong samahan?" Tanong niya muli sa lalaki.
Walang salita na nilingon ang dalaga, nakatingin ito sa kanya at malungkot ang mukha. Sininyasan niya lang ito na ituloy kung ano ang nais at saan pupunta.
"Gusto ko hanapin ang bakla na nakakuha ng lahat na first sa akin."
Napahigpit ang hawak ng lalaki sa manibela nang marinig ang kanyang sinabi kung kaya lalo siyang naging madaldal.
"For sure, pogi iyon kahit bakla! Nangako siya na dadamihan niya ang round kapag nagkita kami ulit. Puno ng kapilyahan niyang saad.
"Ang bibig mo, kababae mong tao!" Hindi na nakatiis na saway niya sa dalaga. Gusto niya hampasin ang manibela dahil sobrang bagal ng usad ng sasakyan dahil sa traffic.
Nagdiwang ang damdamin ni Ynrahd nang marinig ang banayad na tinig ng lalaki. Lalong inulan ng kapilyahan ang isip habang tinititigan ang mukha nito. "Makikita ko rin ang mga mata mo!" nanliit ang mapupungay na mata na bulong niya sa kanyang sarili.
Nakahinga ng maluwag si Jeydon nang marating na rin sa wakas ang paaralan na pinapasukan ng dalaga. Second year college na ito ngunit parang bata pa rin kung umasta.
Papasok na sana sa gate ang dalaga nang may maalala, patakbo siyang bumalik sa sasakyan at kinatok ang nakasara na bintana ng kotse. "Hindi ka ba aalis dito hanggang matapos ang klase ko?"
Napalunok muna ng laway si Jeydon bago umiling. Ang lapit ng mukha ng dalaga ngayon sa kanya dahil ipinasok pa nito ang kalahati ng ulo sa nakabukas na bintana.
Ngumiti ng pagkatamis si Ynrahd sa binata bago tumalikod. Kitang-kita niya ang bawat galaw ng adams apple nito kanina.
"Bakla!" Masaya na sinalubong ni Geng si Ynrahd. "Welcome back, I miss you!" Nagbis-biso sila sa isa't isa.
"I miss you too, Besty!" Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan. Kung titignan sila mula sa malayo ay mukhang magkasintahan dahil nakapanlalaking suot ang bakla. Tanging sa kanya lang nito pinapakita ang tunay na katauhan.
"Mabuti at nakabalik ka pa dito, Bakla. Sobrang lungkot ko nang malaman na magta-transfer ka sa ibang bansa."
"Mamatay ako kapag tumagal pa doon, Besty kaya napilitan sila na ibalik ako dito." Ngumiti siya ng nakakaloko sa kaibigan. Kinuwento niya ang nangyari at ang ginawa ng nasa Qatar siya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard
AcciónJeydon Laserna, tinaguriang maginoo pero medyo bastos. Maliban sa galing nito sa pag-akit ng babae ay mayroon din itong natatanging galing sa pakipaglaban, hindi lang sa kama kundi maging sa suntukan. Ynrahd Ehd, a spoiled brat. Anak mayaman ngunit...