DUMATING ang araw ng engranding kaarawan ni Ynrahd. Lahat ay abala, inimbitahan rin ng ama nito sina Dexter nang hindi niya alam."Ashton?" Gulat na bati ni Ynrahd sa binata nang lumapit ito sa kanya upang siya ay batiin.
"Mabuti naman at naalala mo ako at nakilala agad." Tumatawa na tugon ni Ashton sa dalaga.
"Hula ko lang, alam ko kasi na kaibigan ka ng Hubby ko."
Napakunot ang noo ni Ashton, "Hubby?"
Ininguso ni Ynrahd ang binata na nakatalikod sa kanila.
"Mabuti at nagpaangkin sa iyo ang babaero kong kaibigan?" hindi makapaniwala na tanong ni Ashton.
"Nahirapan nga ako," napabungisngis siya ng tawa. "Kilala mo ba ang mga babae niya?" Pabulong niyang tanong dito nang lumingon sa gawi nila si Jeydon.
"Oo, pero huwag ka mag-alala fling lang niya ang mga iyon." Pabulong din na sagot ni Ashton.
"Ano ang pinag-uusapan ninyo?" Naka cross-arms sa dibdib na sikmat ni Jeydon sa dalawa na nagbubulongan.
"Bro, congratulations!" Nakangisi na wika ni Ashton bago niyakap ang kaibigan. "Ikaw talaga kahit oras ng trabaho, may nadadagit na dilag."
"Sira ulo!" Binatukan niya ang kaibigan at tinulak upang matigil sa pagyakap sa kanya.
Tumawa lang si Ashton, "ingatan mo ang hubby mo, Ed ng hindi na makadagit ng ibang dilag." Pabiro na bilin ni Ashton bago iniwan ang dalawa.
"Huwag ka ngang sumimangot riyan, baka hindi ka na isayaw mamaya kapag ganyan ang mukha mo."
"Ayaw ko ng may kaagaw sa iyo." Nakalabi na saad ni Ynrahd.
"Kung ano man ang sinabi sa iyo ng kaibigan ko, huwag mong seryosohin dahil mapagbiro iyon."
Gusto pa sana makasiguro sa binata ngunit dumating si Lemuel upang alalayan siya sa paglabas ng pintuan bilang kanyang escort. Nasa malawak na harden nila ang venue at may munting stage doon kung saan siya uupo. Taas noo na lumakad na sinabayan ang malamyos na musika. Feeling prinsesa siya ngayon na may dalawang matikas na lalaki sa magkabilang panig niya at sumasabay sa kanyang paglalakad.
Ang mukha ni Lemuel ay masaya at nakangiti, siya namang kabaliktaran ng kay Jeydon dahil sa nakikitang
hinapit ng lalaki sa beywang ang dalaga. Gusto niyang pilipitin ang braso nito disin nga lang at nagpipigil siya dahil ayaw niyang masira ang party.Maganda ang pagkaayos ng paligid, puno ng mga sariwang bulaklak ang palibot ng harden lalo na ang mini stage kung saan nakaupo na ngayon ang dalaga. Napakaganda nito lalo na at nangingislap ang mga mata sa galak dahil nasa tabi lang niya ang lalaking una at huli niyang iibigin.
Tahimik lang na pinanuod ni Jeydon ang pakipagsayaw ng dalaga sa kalalakihan na bisita. Siya ang pang labing pito na sasayaw sa dalaga ayon sa listahan nito.
"Hubby, pagod na ang binti ko sa pakikipag sayaw." Parang bata na reklamo nito sa binata nang ito na ang may hawak sa kanya ngayon.
"May pa eighteen roses ka pa kasing nalalaman."
Napasimangot ang dalaga sa naging tugon ng binata sa kanyang reklamo. "Wala ka talagang ka sweet-an na tinatago diyan sa katawan mo!"
"Dalaga ka na kung kaya ayusin mo iyang asal bata." Diritsong sagot niya sa dalaga.
"Kapag nabuntis ako, susundin ko lahat ng gusto mo."
Napaubo si Jeydon sa tinuran ng dalaga. Halos nakapanguyapit na ito sa kanya at ang pasaway, lumambitin na sa kanyang batok. Hindi halata ang ginawa nito dahil natatakpan ng mahabang gown ang paa.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard
ActionJeydon Laserna, tinaguriang maginoo pero medyo bastos. Maliban sa galing nito sa pag-akit ng babae ay mayroon din itong natatanging galing sa pakipaglaban, hindi lang sa kama kundi maging sa suntukan. Ynrahd Ehd, a spoiled brat. Anak mayaman ngunit...