"GOOD MORNING!" Masiglang bati ni Ynrahd sa lahat na naroon na nakadulog sa hapag-kainan. Bumati rin sa kanya ang naroon maliban kay Jeydon na seryosong nakatingin sa kanya.Pinukol niya ito ng nagtatanong na tingin ngunit lalo lamang ito nagseryoso at pinahihiwatig ng tingin nito na hindi nagugustohan ang kanyang hitsura ngayon. Hindi niya ito matanong dahil nakatingin sa kanya ang lahat. Nakasimangot na umupo siya sa tabi ng ina dahil bawal na siya umupo sa tabi ng lalaki ayon sa kanyang ama.
"Anong mukha na naman iyan?" Pabulong na sita ni Julia sa dalaga.
"Wala po!" Nakayuko niyang sagot.
Hanggang matapos ang pagkain ay tahimik lang si Jeydon. Hindi katulad ni Lemuel na bidang-bida sa mag-asawa at dalaga. Lahat ng nangyari sa buhay nito sa ibang bansa ay kinukwento maging ang mga bagay na naabot at napatunayan sa sarili. Mukha na ito nagbubuhat ng sariling bangko at nayayabangan si Jeydon, ipinagmamalaki pa na nakatapos sa kursong business management.
"Sisiw!" Palatak na bulong ni Jeydon, hindi na napigilang isatinig ang nasa isip.
"What did you say?" tanong ni Lemuel sa katabing lalaki.
"Nothing, excuse me!" Kahit hindi pa tapos kumain ay tumayo na siya at nagpaalam sa mag-asawa.
"You are not yet done." May pagtataka na turan ng ama ni Ynrahd kay Jeydon.
"My stomach is full, Sir, thank you!" Bahagya pa siyang yumukod bago tumalilis ng alis at dumiritso sa harden.
Napasimangot na lang si Ynrahd nang makaalis na ang binta. Ni hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng ina ang inaasta ng dalaga kung kaya lalong lumakas ang kanyang hinala.
Pasimple na nilapitan ng dalaga amg binata na naninigarilyo sa isang tabi. Lalaking-lalaki ang dating nito sa suot na simpleng t-shirt at maong short na hanggang tuhod. Dumagdag pa ang tindig nito ngayon na tuwid at nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay may yosi na hawak.
"Stop staring, go back to your room and change your cloth!" iritabling sikmat niya sa dalaga nang hindi nililingon.
"Cigarette smoking is not good to your health."
"Pampakalma ko ito, magpalit ka na ng damit mo bago pa dumating ang mga bisita."
"Bakit ba kasi ang aga eh ang init ng ulo mo?" Kagabi lang ang sweet mo tapos--"
"Simula sa araw na ito ay ayaw kong binabalandra mo iyang katawan mo lalo na kung may ibang lalaki sa paligid." Sansala niya sa iba pang sasabihin sana ng dalaga.
Nakasimangot na tinignan ni Ynrahd ang sarili. Ang akala pa naman niya ay matuwa ito at puriin siya kapag nakitang sexy sa suot niyang damit. Pero dagli lang din ang nadaramang tampo sa binata nang mapagtanto kung bakit ito nagagalit.
"Oi nagseselos siya kay Lemuel." Malapad ang ngiti na tukso niya sa binata.
"Tsk, wala sa bukabolaryo ko iyan. Magpalit ka na nga ng damit mo at baka matusok ko ang mata ng lalaking iyon dahil halos maglaway na sa katawan mo!" Pabarumbado niyang wika, hinarap niya ang dalaga at pinaningkitan ng mga mata nang hindi pa rin ito tumitinag sa kinatatayuan.
"Kiss muna!" Pinatulis niya ang kanyang nguso.
"Ynrahd!" Galit ang tono na tawag niya sa pangalan nito
"Ang damot!" Nagdadabog na tinalikuran ang binata upang sundin ang utos nito. Kahit ang mga magulang ay ayaw siyang magsuot ng ganoon damit na halos lumuwa na ang kanyang dibdib at sobrang hapit sa katawan. Ngunit ni hindi niya pinakikinggan ang mga ito, ngayon lang siya sumunod at kay Jeydon pa.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard
AzioneJeydon Laserna, tinaguriang maginoo pero medyo bastos. Maliban sa galing nito sa pag-akit ng babae ay mayroon din itong natatanging galing sa pakipaglaban, hindi lang sa kama kundi maging sa suntukan. Ynrahd Ehd, a spoiled brat. Anak mayaman ngunit...