Chapter 9

370 18 0
                                    


INABANGAN ni Jeydon si Ynrahd sa isang sulok ng bahay at hinarangan ito nang dumaan sa kanyang harapan. "Ano ang naisip mo at isinama mo ako sa listahan?"

Muntik ng mapatalon si Ynrahd sa gulat. "Kagulat ka naman!"

"Hindi niya pinansin ang reklamo nito, "hindi ko hilig ang makipagsayaw kaya huwag mo na ituloy ang iyong plano."

"Pumayag na si Daddy kaya wala ka ng magawa." Malapad ang ngiti na turan nito.

"Ynrahd!" May pagbabanta niyang tawag dito.

"Yes, Hubby?" Kumurap-kurap pa ang mga mata at umaktong nagpapa-cute na sagot nito sa binata.

Dumoble ang gitla sa noo ng binata habang nakatingin sa dalaga. "Hubby?" tila nabingi na tanong niya dito.

"Hubby na itawag ko sa iyo kasi ikaw ang soon to be husband ko," anito at mabilis na nilampasan ang binata.

Napailing si Jeydon habang sinusundan ng tingin ang papalayong dalaga. Natuwa siya sa sinabi nito pero kumukontra ang isang bahagi ng kanyang isip. Wala pa sa isip niya ang mag-asawa lalo na sa katayuan ng buhay nila. Gusto niya na may mapatunayan muna bago lumagay sa tahimik na buhay.

Kinabukasan ay maaga sila umalis kasama ang mga magulang nito dahil may susunduin umano na panauhin. Hindi niya alam na isa palang lalaki at mas malala pa ay doon din titigil sa bahay ng mga ito hanggang maidaos ang kaarawan ng dalaga.

Tila nagising ang barumbado niyang katauhan nang ayaw humiwalay ng lalaki kay Ynrahd. Maging sa pagkain ay inunahan siya nito sa pag-upo sa tabi ng dalaga. 

"Maari bang lumayo ka sa amin ng kaunti?" Bakas sa tinig ni Lemuel ang iritasyon.

"Bodyguard niya ako kung kaya kailangang nasa tabi niya ako palagi." Kibit-balikat na sagot ni Jeydon dito.

"We need privacy!" Tiim-bagang nitong pahayag. Kanina pa siya nagpipigil na masuntok ang bodyguard ni Ynrahd dahil halatang nanadya ito na inisin siya. Naroon sila ngayon sa harap ng silid ng dalaga dahil nagpalit ito ng damit at aalis silang dalawa.

"And I need my job!" Hindi nagpatalo na sagot ni Jeydon dito. Nayayabangan siya sa lalaki, lamang lang ito sa kanya sa porma dahil siya ay naka simple lang ng suot na t-shirt at pantalon.

"Let's go?" Nakangiti na tanong ni Ynrahd sa dalawa pagkalabas ng silid. Hindi lingid sa kanya ang iringan ng dalawang binata. Gusto na niya ngayon ang presinsiya ni Lemuel dahil lalong dumikit sa kanya si Jeydon, na siyang gustong-gusto niya.

Pinagbuksan ni Jeydon ang dalaga ng pintuan sa front seat ng kotse.

"Hindi siya diyan uupo!" Maagap na humarang si Lemuel sa harap ng pintuan

"Ano na naman ang problema mo?" Naningkit ang mga mata ni Jeydon na nakatingin sa lalaki.

"Sa backseat siya uupo katabi ko!"

Nagsukatan ng masamang tingin sa isa't isa ang dalawang binata.

"Ahm sa tabi na niya ako uupo." Kiming wika ni Ynrahd, pinagbuksan agad siya ni Lemuel ng pintuan ngunit maagap na isinara iyon ni Jeydon.

"You have to set beside me!" May pinalidad na turan ni Jeydon. Kinuha ang kamay ng dalaga at mabilis na ipinasok sa loob ng kotse.

"You, bastard!" Galit na hinaklit ni Lemuel ang kuwelyo ng polo na suot ni Jeydon.

"Bitiwan mo ang kuwelyo ko bago pa iyan magusot kung ayaw mo manghiram ng mukha sa aso!"

"Jey---"

"Stay inside!" Maawturidad na utos ni Jeydon sa dalaga nang tangkang lalabas upang pumagitna sa kanila.

Para namang tuta na napabalik sa kinaupuan si Ynrahd, hindi na natapos ang iba pang sasabihin dahil maging siya ay natakot sa tono ng pananalita nito.

My Possessive BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon