Leslyn P.O.V
Candid shot ang blow-up photo ni Taehyung. Nakabungisngis ito at litaw ang magandang set ng mapuputing ngipin.
Actually, very rare ang ganuong kuha ng Mahal ko, dahil sa tunay na buhay ay hindi mo ito makukunan ng ang pose ay nakangiti.
Lagi itong conscious sa litrato. At laging seryoso ang mukha, parang laging may problema, may lungkot ang mga mata at parang may kulang.
Hindi bagay ang pagiging seryoso nito sa malaking tikas ng kanyang katawan, taas na parang sa isang basketball player, lean and muscular na katawan na parang swimmer.
Ang mga katangiang iyon ni Taehyung ang naka-capture sa larawan.
Ang lakas tuloy ng sex appeal.
Napatingin ako sa table clock sa head-board ng aking kama. Pasado alas-onse na pala ng gabi.
Ang gabing ito ngayon ang stag party ni Taehyung na bigay ng mga kaibigang niya.
Huling gabi ng pagiging binata ni Taehyung.
Sa isang araw ay ikakasal na kami, September 15.
Hmmp, ano kayang mga kalokohan ang ginagawa nila ngayon?
Kung bakit nauso pa ang stag party sa malapit nang ikasal. Sabagay, ang sa akin ay tapos na kahapon.
Okey naman ang shower sa akin. And I trust him.
I know he’ll be a good boy in his last days of bachelorhood.
Kilala ko naman ang majority ng naruon. Kasama nila si Javemar.
Hindi niya pababayaan ang aking si Taehyung.
Matagal pa ko ring hinaplus-haplos at tinitigan ang larawan ni Taehyung.
Ang guwapo ng aking si Taehyung.
Am I lucky to have you as my life-time partner? Tall,handsome and a big hunk of a man.
So big yet so tender... so sweet... so... at buong pagmamahal na dinama kuna parang totoo ang labi ni Taehyung sa larawan.
Ang full lips nito na una kong nalasahan, first kiss ko noong freshmen pa lamang kami.
Hindi ko malilimutan ang first kiss sakin ni Taehyung.
Tanda ng pagmamahal.
Tanda ng pasasalamat nang sagutin ko siya sa panliligaw.
Hindi kuna Siya pinahirapan.
Hindi kudin malaman kung bakit.
Dahil siguro sa kapwa kaming lonely, walang pamilya. At dahil din siguro matagal na rin akung may crush sakanya.
HAHAHA!
Payat pa nga ito noon. Parang poste ng Meralco.
Damang-dama ko pa noon ang pagnginig ng kanyang labi.
Parang takot.
Halatang hindi siya sanay humalik.
Bakit ko alam, hindi rin ako sanay na mahalikan.
Dahil pareho kaming nangangatog at kinakabahan.
Ang higpit ng kanilang holding hands habang buong tamis, at katamtaman na medyo mapusok niyang hinahagkan ang aking labi.
Laging ganun.
Ni hindi ko nga nadama ang kabastusan sa kamay ni Taehyung tulad ng kuwentuhan ng iba pang wild na coed na ginagawa ng mga ito kasama ng mga boyfriends.
Parang mga octopus. Necking, petting, kahit sa damuhan sa campus kapag madilim na.
At karamihan sa aking mga kaibigan at kakilala ay hindi na virgin.
Duon mismo sa grassy park ng campus ibinigay ang virginity.
Not with Taehyung.
Nirerespeto niya ako.
Hindi dahil sa sinabi kuna gusto kong malinis ako at ito ang tanging regalo ko sa aming kasal, ang aking walang lamat na pagkababae.
Talagang iginagalang ako ni Taehyung.
Hanggang matinding halikan lamang kami ng labi, leeg at tenga.
Hanggang matinding yakapang ubod ng higpit.
Gustung-gusto ko ang amoy ng katawan ni Taehyung, amoy lalake talaga.
Pero hindi amoy sigarilyo at beer pagka’t wala itong bisyo.
Kahit kapag nanunuod kami sa balcony ng sinehan sa SM North o Centerpoint, nakasandal lang ako sakanyang dibdib dahil kasintahan ko naman siya.
Ako pa nga ang humahaplos sa makapal na dibdib nito lately habang nalalapit na ang aming kasal.
At minsan lang ko lang itong dinama at hinagkan ang kanyang dibdib.
Likas na talagang iginagalang niya ako at iniiwasang na madarang ng husto ng aming damdamin, nang hindi pa kami kasal.
Half-scholar si Taehyung At empleyado sa Quezon City Hall bilang Casual na employee.
Ipinasok daw siya ng isang kaibigan niyang UP professor.
BINABASA MO ANG
That day WE should REMEMBER
RomancePAG-IBIG minsan dala'y nito ay Kasayahan at Hindi din mawawala ang kalungkutan. Magmamahal kapa ba kapag naranasan munang malungkot at trahedya na nangyari sa iyong buhay dahil sa Pagmamahal? Handa kabang magmahal ulit at tumanggap ng bagong pag-ibi...