Leslyn P.O.V
"Kay-aga mong sumagot sa unang boyfriend mo, iha. Sana ay binigyan mo ng chance ang sarili mo na makapili sa ibang gustong lumigaw sa iyo. Iyong may kabuhayan. Hindi sa minemenos ko ang pagkatao ni Taehyung dahil kamo ay ulila na siyang lubos at nag-iisa na lang dito sa Maynila. Working student. Di ba maganda iyong makapili ka rin ng ka-level mo sa kabuhayan? Alalahanin mo, kahit na pensyonada ka ng Mommy mo’t nasa Italy na siya’t meron ng second family, anak-mayaman ka pa rin. Kahit na dito mo lang gustong tumira sa Roma Townhouse kahit na puwede tayo sa condominium ay burgis ka pa rin."
Iyon ang payo sakin ni Yaya Mimay.
Mapagmahal na mga payo ng aking kaisa-isang kasama sa buhay, ang aking Yaya Mimay na tumatayong ina-inahan ko mula nang ipinanganak ako at lalo na nang mabiyuda ang si Mommy at mag-asawa ito ng ibang lahi.
"Yaya, kaya nga low profile tayo, eh. Ayaw kong ligawan lang ako ng aking mga kaklase dahil anak ako ng milyonaryo. Saka comfortable ako rito sa Roma Townhouse dahil meron ding security guard sa gate. Malapit pa sa UP. Saka, Yaya, damdamin ko ang tinatanong mo. I don’t need a brute boyfriend na wild, kaskasero sa kanyang wheels at gusto lagi akong i-bed, ano. Over my dead body. Si Taehyung? He’s really what his name connotes... angel and Handsome. My one and only boyfriend. My beloved. My future husband. At ang tanging lalake na paghahandugan ko ng aking virginity after our wedding. Ayaw mo, rare ngayon sa kabataan ang hindi nakakatikim. But with Taehyung mortal sin yun. And he truly respects me. That s all that matters, Yaya Mimay."
Laging iyon ang itinutugon ko sa aking mabutihing na Yaya at sa kahit kaninomang nangungulit sakin kung bakit ayaw kong tumanggap ng ibang suitors at makapili ng—
‘The Best Man’
Para sakin si Taehyung na iyon.
Lagi kong na aalala ang matamis na halik niya at ang mahigpit na yakap nito.
At dalawang tulog na lamang ay magiging Mrs. Leslyn Wuo na ako.
Halik at yakap ni Taehyung ang aking lamang kaligayahan.
Oo, halik at yakap pa lamang sakin ni Taehyung ay paraiso na.
At sa araw ng aming kasal, buo kong pagkatao ang ipagkakaloob ko sa kaisa-isang lalake sa aking buhay.
At alam kong langit naman ang pagdadalhan sa kanya ni Taehyung.
Tuluyang na akung napangiti sa aking pantasyang pag-ibig na hindi maglalaon at magiging reality na rin.
Sa aming honeymoon ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
That day WE should REMEMBER
RomancePAG-IBIG minsan dala'y nito ay Kasayahan at Hindi din mawawala ang kalungkutan. Magmamahal kapa ba kapag naranasan munang malungkot at trahedya na nangyari sa iyong buhay dahil sa Pagmamahal? Handa kabang magmahal ulit at tumanggap ng bagong pag-ibi...