Leslyn P.O.VHindi ko maihakbang ang aking mga paa palabas ng lumang modelong Toyota Corona ni Javemar.
Nasilayan ko na sa harapan ang Funeraria Nacional sa Araneta Avenue.
Dapat ay sa harapan ng simbahan iyon, hindi punerarya.
Dapat, bukas ay kasal namin ni Taehyung.
Ang haplos at init ng mga palad nina Yaya Mimay at Javemar na magkatulong na umaalalay sa aking mga braso ay parang saklay upang matuwid ang aking paglakad papasok sa punerarya.
Nang pumasok na kami sa Chapel 3 ay parang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.
Hindi ko muling maikilos ang aking mga paa.
Naroon ang lahat na mga kaibiga’t kakilala, mga taong dapat ay bisita namin bukas... sa araw ng aking kasal.
“Pilitin mo, anak. Kayanin mo para maitaguyod mo ang buhay mo mula ngayon ng nag-iisa kanalang. Tanggapin mo, anak... tingnan mo ang kabaong. Gumising kasa katotohanan. Wala na si Taehyung.”
Ang mga katagang iyon ang nagbukas sa puso ko upang Masaktan, wala sa oras ay napahagulgol ako.
Ingay ng paghagulgol ko at pagnanaghoy sa pangalan niya ang pumuno sa kapilyang pinagbuburulan kay Taehyung.
At lalong bumuhos ang lahat ng luha at pagtatangis ko na ikinatayo ng balahibo ng mga nakikiramay nang tuluyan nang makarating sa gilid ng kabaong ni Taehyung.
“T-taehyung... why? You told me you loved me pero bakit mo ginawa ito? Alam mong di ko kaya ang mag-isa pero umalis ka. Why, my luvs? Sabi mo share tayo sa lahat-lahat. Sadness... happiness... success... failure...D-dinaya mo ako. Hindi mo P-pala ako talaga mahal. Sinira mo ang promise mo na we will be together hanggang pagtanda natin... till death do us part... until our Creator reunites us with Him. You broke all your promises. You made me dream... you made me love you... you made me see the beautiful side of life... S-sabi mo... we will have three kids... fruits of our undying love but then... T-taehyung, ang sama mo!”
Anas ko pa sa pagitan ng mga hikbi, sibi at hagulgol ngunit buong-buong narinig ng lahat ng naroon pagka’t katahimikan ang tanging suporta ng pagdurusang nararamdaman kusa aking puso.
Katahimikan ng misteryo kung bakit nag-suicide si Taehyung.
Bakit nga ba?
Hindi nagtagal ay nagpahinga na ako at umupo sa dulo ng Front set at kasama ko dito umupo sina Yaya Mimay,Javemar at Mrs. Ermoso.
Si Mrs. Ermoso ang landlady ng boarding house kung saan halos higit na sampung taong namalagi tumira si Taehyung.
“Misteryosong bata yang si Taehyung. Kahit noong katorse anyos yan nang pumasok na—” pili ang salita ni Mrs. Ermoso na huwag sabihin ang houseboy at alam ko naman yun.
“... Kasama ko, alalay, katulong... talagang tahimik na yan. Very deep ang personality niya. Para bang di maabot. Always pensive... malalim ang iniisip. Bihirang ngumiti pero kapag ngumiti naman ay parang bumbilya. Ay...nakakasilaw ang kagwaphuan lalo na Kahit na simpatiko, Gwapito naman."
BINABASA MO ANG
That day WE should REMEMBER
RomancePAG-IBIG minsan dala'y nito ay Kasayahan at Hindi din mawawala ang kalungkutan. Magmamahal kapa ba kapag naranasan munang malungkot at trahedya na nangyari sa iyong buhay dahil sa Pagmamahal? Handa kabang magmahal ulit at tumanggap ng bagong pag-ibi...