Chapter 7

3 3 0
                                    

Leslyn P.O.V

Gusto pang magsalita ng mestisang biyudang landlady ngunit walang imik sina Yaya Mimay at Javemar na para bang nakikisama sila sakin.

Lalo na ngayon ang tinuonan nilang lahat nang tingin ang lalaking nakaputi na bagong dating.

Tahimik itong dumiretso sa kabaong ni Taehyung. Matagal itong nakatitig doon.

Sa tahimik na yugyog ng balikat nito ay halata mong nananangis.

Isang lalake?

Nanangis kay Taehyung.

May nakipag bati na ilang boarder na nakakakilala sa lalaki. Hindi naman ito isang estranghero.

Boarder ko rin... si Mr. Khiel del Sandejas. UP Professor. Matagal na rin sa akin, seven years more or less. Tahimik rin at ubod ng bait... at very charitable." Paliwanag ni Mrs. Ermoso na may himig ng misteryo.

Hindi napuna ni Yaya Mimay ang sulyap na ipinukol ni Javemar kay Khiel.

Tumalim ang titig ng binatang secretary sa nakatatandang bagong dating.

Ako  lang napapansin ni yaya pagka’t hilam man sa luha ako, maga ang mga mata, inagaw ang pansin ko sa pagtingin sa bagong dating.

Sumulyap ako kay Yaya Mimay, parang may gustong sabihin o itanong ngunit tumahimik na lamang.

Sinarili ko nalang muna ang napuna pagka’t nagkaroon ng kislot ang aking puso.

Halos magkasingtaas kasi sila ni Taehyung at Khiel. Six footer, Magkahabol ang kulay na hindi maitim at Hindi maputi katamtaman lang.

Pati lapad ng balikat ay walang pinagkaiba. Sa madaling salita, unang tingin ko sakanyang likuran ng professor ay parang si Taehyung.

Nawala lang ang sumandali na  ilusyon ko nang humarap na ito, yuko ang ulong umalis nang hindi tumingin sa mga tao, hindi nagpaalam sa mga namatayan at sa landlady.

Na-register ng isip ko ang ang mukha ni Khiel—para ding namatayan.

May pait, may lungkot, may dusa ang expression ng mukha nito.

Tuluyang tumakas sa isip ko ang pagdating ni Khiel sapagka’t para ko na ring nadama si Taehyung nang oras na iyon.

Parang naamoy ko na ang samyo ng katawan nito na sinabayan ng amoy usok ng kandila at bulaklak ng patay.

Para ko talagang nadama ang isang malamig na yakap na bumalot sa aking katawan.

Isang malamig na halik na dumantay sa  pisngi ko, leeg, tenga at labi.

Ganoon si Taehyung noon.

Palibhasa hanggang halikan lamang kami kaya sagad kung ako'y hagkan At kung magyakap naman kami parang wala nang bukas o sa madaling salita Wala ng katapusan.

That day WE should REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon