Khiel P.O.V
Lalong nagulat naman si Mrs. Ermoso sakin nang maaga akong nagpunta sa punerarya.
Inakala kasi niyang napuyat si Cheryl ng unang gabi at marahil ay tulog ito ngayong umaga.
Ngunit binubuhat na ng staff ang mga bulaklak ng patay. Wala na roon ang kabaong.
“Mr. del Sandejas, dinala na po namin sa Cathedral si Taehyung Wuo. Ngayon ang dapat na araw ng kanyang kasal, hindi po ba?”
“So..?”
“Utos po noong dapat na magiging Mrs. niya ... si Mrs. Leslyn Wuo.”
“Miss Leslyn Dobleo...” mabilis na may giit na sabi ko.
“Mrs. Wuo daw po siya at gusto niyang sa araw ng kanilang kasal ni Mr. Wuo ay dapat na naroon sa simbahan ang kabaong nito.”
Nangatog ang aking mga paa.
Hindi nalang ako kumibo.
Mabilis kong tiningnan ang wedding invitation ni Taehyung— 8:30 o’clock ang kasal dapat nito kay Leslyn sa araw na iyon.
Tiningnan ko ang oras saking relo, 6 am.
Matagal na nagmuni-muni muna akosa aking lumang Volkswagen.
Pakiwari ko ay na-disorient siya sa reality.
Hindi pa niya halos matanggap ang biglang kamatayan ni Taehyung ay heto’t tuloy pa rin ang kasal daw kay Leslyn.
Mabilis kong pinuntahan ang Cathedral.
Maayos ang gayak ng simbahan, parang hindi nasabihang patay na ang groom at hindi tuloy ang kasal.
Ngunit walang mga taong naroon para sa kasal, mga ilan lamang na nagdarasal. At ang kabaong ni Taehyung, nasa gitna ng altar.
Nasa ganuong pagmumuni-muni at pagdarasal ako sa gawing kanan ng simbahan nang biglang magsindihan ang lahat ng araña doon.
At hindi naglaon ay tumunog ang malungkot na awiting Beautiful in White ng Westlife.
Mula sa malaking pintuan ng altar ay mag-isang lumalakad sa aisle si Leslyn.
Suot ang trahe de boda.
At si Taehyung, nasa altar at naghihintay.
Laman ay isa ng malamig na bangkay.
Tuloy ang kasal.
Sino ang makatututol sa ganitong mungkahi at pakiusapng isang bride na basbasan ang pag-iisa niya at ng kanyang groom?
Ito ang tunay na araw ng kanilang kasal at Pinaghandaan.
Wala man ang buong entourage ng bride, buong tatag at ningning pa ring lumapit sa altar ang napakagandang si Leslyn.
A lovely bride and a dead groom.
Walang ibang tao ruon sa altar kundi ang butihing pari na magbabasbas ng hindi sana dapat matuloy na pag-iisa ng dalawa.
Tuloy ang kasal.
Napakagat-labi na lamang ako sa aking kinaroroonan.
Tunay ngang dakila ang pag-iibigan nina Taehyung at Leslyn pagka’t kahit na bangkay ang lalake ay itinuloy pa rin niya ang kasal.
Luha lamang nang luha si Yaya Mimay sa tabi ni Javemar.
Nagnakaw ng sulyap sakin si Javemar sa kinaroroonan ko. Matalim ang mga titig niya.
Muling naghari ang awiting Beautiful in White.
Isinuot ni Leslyn ang sing sing sa daliri ni Taehyung pagkatapos na tanganan ang malamig na kamay ng asawa habang isinusuot niya ang singsing sa kanyang daliri.
Pagkatapos ay buong pagmamahal na hinaplos ang mukha nito, sa huling pagkakataon. At isa pang huling halik sa labi ng malamig na bangkay.
Buong tatag na bumaba ng altar si Leslyn, nag-iisang sinabayan ang awiting Beautiful in White sa kanyang paglisan sa lugar na iyon.
Wala na ang luha.
Tuyo na ang luha.
May pumatak na butil ng luha sa aking mga mata.
Humanga sa Pagmamahal ni Taehyung na hanggang sa huling sandali ay ipinaglaban ang pag-ibig at karapatan.
BINABASA MO ANG
That day WE should REMEMBER
RomancePAG-IBIG minsan dala'y nito ay Kasayahan at Hindi din mawawala ang kalungkutan. Magmamahal kapa ba kapag naranasan munang malungkot at trahedya na nangyari sa iyong buhay dahil sa Pagmamahal? Handa kabang magmahal ulit at tumanggap ng bagong pag-ibi...