Chapter 27

370 6 0
                                    

Chapter 27

PADABOG NA NAUPO si Niccolai sa sofa sa salas ng bahay ng magulang niya. Hndi niya alam kung nagkataon o sinasadya ba siyang sundan ni mac sa cafe na pinuntahan niya kanina.

Nakasama din niya ito kahapon sa cafe na pinuntahan niya ang nakakainis pa ay nanghawak nito ang kamay at yakapin siya kahapon sa cafe.

Gustong gusto niyang sikmuraan o tadyakan ang lalaki pero ayaw naman niyang mkaagaw ng atensyon. Kaya ang ginawa niya ay tinakasan niya ito at nagkataon namng nakita niya si thunder. Mas pinili niyang si thunder ang kasama kesa sa mac na yon.

"Nanghahaba na namn yang nguso mo simula kahapon lagi nang gusot yang noo mo." Natatawang puna ng mommy niya.

"Don't mind me mom nabitin lang ako sa sweets sa pinuntahan kong cafe kanina tapos hndi pa sumipot si shella sa usapan." Parang batang reklamo niya.

Kameet up sana niya si shella kanina pero sabi nagkaemergency check up ito pra sa baby nito kaya naman hndi na siya nagreklamo.

May kung anong kislap ang sumilay sa mata ng mommy niya pero hndi na niya yon pinansin.

"Ipagbabake na lng kita ng cake tapos umuwi kna sa bahay nyo oky?"

Kumislap ang mga mata niya ng marinig ang salitang cake pero nakunot nman ang noo niya sa sinabi nitong umuwi na sa bahay nila ni ziel.

"Mom alam mo namang wala don si ziel eh baka bukas pa uwi non." Bwelta niya.

"Hay nako mas mabuting doon kana maghintay." Pamimilit ng mommy niya.

"But mom!"

"Two mocha cake and 12 chocolate cupcakes then you will go home deal?" Ngisi ng mommy niya.

"Deal!" Mabilis niyang pagsang ayon.

Well sino ba aayaw sa libreng cake at cupcakes! Yumyum!

TANGHALI NA ng matapos ang pagbabake ng mommy niya at ngayon nasa sasakyan na siya habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay.

Nilingon niya ang box ng cake at cupcakes kaya napangiti siya. Ayos na sa kanya sa bahay na lang mgintay total my mga cake at cupcakes namn siya.

Sa buenaventura private subdivision nkatayo ang bahay nila ng asawa niya. Tanging mayayaman lang ang may kakayahang makabili ng mga bahay don.

Pagpasok niya sa subdivision ilang liko lang makakarating na siya sa bahay. Pagtigil niya sa tapat ng gate ng garahe parang nagcircus ang puso niya ng makita ang sasakyan ng asawan niya.

Mabilis niyang inalis ang seatbelt at kinuha ang mga box ng cake at cupcakes bago ngmamadaling pumasok. Mamaya na lang niya ipapasok ang sasakyan pagsinipag na siya.

Pagkapasok niya tinawag niya ang asawa pero walang lumalabas. Pumasok muna siya kusina para ilagay sa ref ang mga dala niya palabas na sana siya nang pumasok din sa kusina ang asawa niya.

"San ka galing?" Malamig na tanong ni ziel sa kanya.

Ang pananabik na makita ang asawa ay naglaho dahil sa aura nito ngayon.

"Sa bahay pinagbake ako ni mommy kaya ngayon lang ako nakauwi knina kapa ba?" Pinilit niyang pasayahin ang boses niya pra hndi maging akward ang paligid.

"Yes at noong tumawag ako sabi ng mommy mo umalis ka."

"Oh that may meet up sana kami ni shella sa cafe kaso hndi siya nakasipot kaya umuwi din ako agad." Nakangiting saad niya pero parang lalong nagdilim ang mukha ng asawa.

"Don't lie to me niccolai." Galit na saad nito.

Nakunot ang noo niya sa sinabi nito. "I'm why would i lie to you ziel?" Balik niyang tanong.

"Just make sure niccolai."

Pagkasambit non ay tinalikuran siya nito at walang sabing umalis sa harapan niya. Nagpakawala siya ng napakalalim na buntong hininga hndi niya alam kung bakit ganon ang inaasta ng asawa niya.

Nasahalip magpakastress bumalik siya sa ref at kinuha ang isang mocha cake at baso ng freshmilk. Nilapag niya yon sa lamesa bago kumuha ng tinidor at baso.

Naupo na siya at inumpisahang lantakan ang isang buong cake.

Napapaisip na lang siya kung bakit galit ang asawa doon lng niya naalala na ayaw pala nito ng naghihintay ng matagal. Mamaya siguro hndi na yon na galit sa kanya.

HINDI ALAM ni niccolai kung ilang oras niyang nilalantakan ang cake parang hndi siya nabubusog sa ginagawa niya. Hangang sa abutan ulit siya ni ziel sa kusina.

"What are you doing?" Kunot noong tanong nito sa kanya.

Sumubo muna siya ng cake bago nagsalita. "Eating cake" simpleng sagot niya.

"Yes i can see it, what i mean is you eating a whole cake niccolai baka namn magkadiabetes ka nyan"

Napanguso siya sa sinabi nito. "Its yummy hndi ko mapigilan eh" bwelta nya.

"Are you sick? Hndi normal sa isang tao ang kumain ng isang buong cake sa isang araw."

Lumapit ito sa kanya at kuha ang cake na kinakain niya. Wala na siyang nagawa ng ibalik nito sa kahon ang cake niya.

"I don't want to see you eating a whole cake again niccolai. Pwede kang kumain pero one to two slice a day only." Suway nito sa kanya bago naglakad papunta sa ref pra ibalik ang  cake doon. "What the? Is this yours too?" Hndi makapaniwalang tanong nito ng makita ang box ng isa png cake at cupcakes.

Napalabi namn siya at mahinang tumango tango. Nakita niyang napailing iling na lang ito sa kanya at binalik sa ref ang cake.

"Hndi naba mainit ulo mo?" Wla sa sariling tanong niya sa asawa.

"Yeah, what do you want for lunch?" Tanong nito.

Nakunot noo niya. "Lunch?"

Napailing iling namn ito. "Yan epekto ng pagkain mo ng cake. It's already 7 pm niccolai almost 6 hrs mo ng nilalantakan ang cake na yon."

Nanlaki ang mata nya at halos malaglag ang panga niya.

Omg! Masyado akong naging abala sa pagkain ng cake kaya pala namamanhid na din ang pwetan ko sa upuan eh.

"Ahm can you cook sweet and sour pork?" Saad niya ng makabawi sa gulat.

"Whats with the sweet? Sure kabang wala kang sakit."

Napaikot namn ang bilog sa mga mata niya. "Just cook it for me ziel kung ayaw mong cake ang gawin kong hapunan." Pagtataray nya.

Narining niya ang pagbuntong hininga ng asawa bago kumilos para magluto. Siya nman ay ang inabot ang freshmilk at nagsalin sa baso para ito naman ang lantakan niya habang nagiintay na maluto ng kanyang asawa ang kanilang hapunan.

Love Me Again [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon