Chapter 8

456 10 0
                                    

Chapter  8

.....One week Later

"Hindi parin ba tayo pedeng magfile ng divorce paper?" nawawalang pagasang sambit ni Niccolai sa asawa.

Iling lang sinagot sa kanya ng kanyang asawa kaya pabagsak siyang naupo sa sofa sa salas.

Nagpadala sila ng asawa para tingnan kung naiproproseso ang divorce paper nila pero binabasura parin yon.

"I think hndi naniniwala si lolo sa pagpapanggap natin" saad ng asawa niya na prenteng nakaupo sa pangisahang sofa.

Magsasalita na sana siya ng makarinig ng sunod sunod na doorbell sa labas. Nakunot nman ang noo nya dhil wala siyang inaasahang bisita.

"May inaasahan kabang bisita?" Taas kilay niyang tanong sa asawa pero umiling lang ito.

Tumayo sya at napipilitang nagtungo sa labas para buksan ang gate ng bahay.

Pagbukas niya ng gate limang lalake ang sumalubong sa kanya at isa lang sa mga yon ang kilala niya.

Napataas isa niyang kilay. "Sino kayo?" direktang tanong niya.

"Ahm we're ziel's friends." Nakangiting saad sa kanya ng lalaking brown ang mga mata. "By the way im Lance Zapanta" pagpapakilala nito.

"I'm Jake Rodrigo" saad ng katabi nitong kulay asul namn ang mga mata.

"Harold Wilson" saad ng isa na kulay blue din ang mata pero blonde ang buhok nito.

"Cronus Perez" saad namn ng lalaking itim ang mga mata at kulay brown ang buhok.

"And i know you know me but let me introduce my self again, Thunder Montero" mahabang saad ng lalaking nkita niya sa reception ng kasal nila ng binata.

"Bakit kayo narito?" mataray niyang tanong sa mga ito.

"To surprise ziel" saad ni cronus

"Surprise? Tapos na birthday niya para surpresahin?" Naguguluhang saad niya.

Nakita niyang nagbungisngisan ang mga ito kaya binigyan niya ng boring na tingin ang mga kita.

"It's a surprise for his being a husband in one week!"

Nawewerduhan siya sa inaasta ng kaibigan ng asawa nito. Surpresahin dhil sa isang linggong pgiging asawa? Baliw na ba mga ito?

"Pwede na ba kami pumasok kasi nangangalay na kami tumayo dito eh?" Saad nung Jake habang kamot nito ang batok.

Kahit ayaw niya wala na siyang magagawa tyaka kaibigan namn ni ziel. Pinapasok nya ang mga ito at nauna na ng pumasok sa bahay.

Nakita niyang prente paring nkaupo ang asawa at nagbabasa ng magazine.

Naglakad siya papalapit sa asawa. "Hoy! May mga bisita ka" saad niya. Kunot noong tiningnan siya ng asawa.

Magtatanong pa sana ang asawa ng magulat sila sa pagputok ng isang party popper.

"SURPRISE ASSHOLE! HAPPY ONE WEEK FOR BEING A HUSBAND!!!" Sabay sabay na sigaw ng mga binata mula sa pinto ng bahay.

Pagtingin niya nagulat siya dahil my mga dala na mga lobo ang mga ito at cake tyaka take out na mga pagkain. Nagtataka siya kung saan galing yon dahil ng pagbuksan nya mga ito ay walang mga dala kahit ano.

"What the fuck are you all doing here?!" Inis na bulaslas ng asawa niya.

"Don't you hear us? It's a surprise party for you!" nakangising saad ni Jake.

Love Me Again [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon