Less than seven hours guys at magpapasko na at alam kong lahat nanghahanda na at dahil wala naman masyadong ginagawa try mag update hehehe Merry Christmas!!!!
Picture of Dustin Wills on the right=====>>>>>>
Song is Officially Missing You by Tamia
===============================================================================
CHAPTER FOURTEEN
Dustin's POV
"Haysss.............................." sobrang habang buntung hininga ang lumabas sa bibig ko habang nakadungaw sa bintana nang kuwarto ni Marvin, dalawang araw nang hindi umuuwi si Jonathan at labis na ang naging pangungulila ko dito, inamin ko na sa sarili ko na hindi nawala ang nararamdaman ko para dito, at kahit na alam ko namang walang pag-asa na magkaroon din siya nang damdamin nang higit pa sa kapatid o sa kaibigan ay hindi ko pa din maalis ang mahalin siya nang patago, mabuti na siguro ito at least kahit paano ay nakakasama ko pa siya, para lang kaming bumalik nang bago pa lang kaming magkakilala nang kakarating pa lang niya mula sa ibang bansa.
Nang umalis kasi ito ay hindi man lang ito nakapagpaalam sa akin, nalaman ko na may kailangan itong ayusin sa negosyong tinayo nito sa Manila at dalawang araw na nga ang lumipas ngunit wala pa din ito, at ako naman parang tangang naghahantay sa pagbabalik nito, ni hindi ko nga alam kung how soon ang soon eh.
"Samantalang sabi niya wala daw sa kanyang maging responsibilidad niya ako." hindi ko maiwasang hindi magtampo kay Jonathan dahil ni hindi man lang ako nito tinitext man lang para kamustahin.
Imbes na magmukmok ay naisipan kong mamasyal na lang kaysa buruhin ko ang sarili sa paghihintay na wala namang kasiguraduhan.
Agad akong nag-ayos nang pinakamaayos kong damit, at napangiti naman ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin, hindi pa din nawawala talaga ang karisma ko, I was about to leave nang bigla akong makatanggap nang text na hindi ko talaga inaasahan.
"Xander?" bulong ko sa sarili ko dahil sa totoo lang nawala sa isip ko na kinuha ko nga pala ang number nito nang magkita kami sa SM North sa Starbucks, hindi ko mapigilang hindi maalala ang bagong itsura nito na hindi agad nagpakilala sa akin sa binata.
Imbes na magtext ay naisipan ko na lang na tawagan ito dahil nacucurious ako kung bakit bigla itong mangangamusta sa akin.
"Dustin!!!" agad kong nilayo ang phone ko sa tenga ko sa lakas nang boses ni Alex na kahit ilang dipa pa siguro ang layo ng phone ko sa tenga ko ay madidinig ko pa din ito.
"Woah woah hold your horses please Xander, your making my eardrum bleed." naiiling kong sinabi dito na tinawanan lang naman nito, pansin ko na mukhang ang saya saya nito na kabaliktaran naman nang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.
"Well sobrang saya ko lang kasi Dustin dahil meron na akong boyfriend and tawagin mo na ulit akong Alex ." nagulat talaga ako na may boyfriend na ito na hindi naman kataka taka lalo na't mas madami talagang magkakagusto dito dahil sa itsura nito, umaasa lang ako na hindi lang dahil sa itsura kaya nito nagustuhan ang binata.
"Ano ba yan pabago bago naman nang pangalan noong last tayong nagkita ang gusto mong itawag ko sayo is Xander ngayon naman Alex, can you make up your mind please geez." naiiling ko naman na sinabi dito.
"Mahabang story at kapag nagkita tayo, ikukuwento ko sayo ang lahat basta masaya ako." it seems masayang masaya talaga ito.
"Well I'm happy na nahanap mo na ang taong magpapasaya sayo and imagine first boyfriend mo pa, ano nga palang pangalan nang boyfriend mo?" tanong ko dito habang nakaupo sa kama, napagod na kasi ako sa kakatayo.
"Actually he's my second boyfriend and please don't ask kung anong nangyari sa una, basta ikukuwento ko na lang sayo kapag............. Slater! Give me back my phone kausap ko ang kaibigan ko." narinig kong sigaw ni Alex nang may mukhang mang-agaw sa phone nito.
"Sino na naman to Alex? Sandali lang akong nawala may kausap ka na naman na lalaki." narinig ko sa kabilang linya at pakiramdam kong ito na ang boyfriend niya.
"Hello whoever you are, leave Alex alone dahil akin na siya, you hear me akin na si Alexander Villanueva!" sabay baba nang phone.
Hindi ko maiwasang hindi matuwa sa inasta nang boyfriend nito dahil ang ibig lang sabihin non ay mahal na mahal din si Alex nang bago nitong nobyo, I'm happy for him pero hindi ko mapigilang hindi mainggit dahil habang si Alex ay masaya na kasama ang boyfriend nito ako naman patuloy na umaasa sa kaunting atensyon nang taong mahal ko, na kasalukuyang abala sa negosyo nito.
"Well what to expect eh hindi naman kayo." sagot na naman nang kabilang isip ko na pakiramdam ko ay nagiging kontrabida na sa buhay ko.
Agad akong bumangon sa pagkakaupo sa kama ko para ituloy ko na ang naudlot kong pamamasyal nang mapatingin ako sa labas at bigla ang naging pagkabog nang dibdib ko nang muli kong masilayan ang guwapong anyo ni Jonathan.
Agad akong tumakbo pababa sa first floor, at palabas nang bahay ngunit hindi ko na siya naabutan kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ito sa kanila, ni hindi ko na naisip na baka magduda uli ito na mahal ko pa din ito na totoo naman.
Humihingal ako nang makarating ako sa bahay nila Jonathan at kita ko ang gulat sa mukha nitong nang mabungaran ako nito nang lumabas ito nang pinto.
"Welcome back Jonathan." masayang masaya kong bati dito na agad naman nitong sinuklian nang ngiti na lalong nagpabilis nang tibok nang puso ko.
"Salamat sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sayo emergency lang kasi ang nangyari kaya kailangan kong mag stay doon nang dalawang araw." paliwanag nito.
"Ok lang iyon, I'm just glad na nakabalik ka na namiss ko kaya ang luto mo." ang ginawa ko na lang na dahilan para hindi na ito magduda pa.
"Ikaw talaga, tara sa loob samahan mo akong magluto." aya nito sa akin na agad ko namang sinang-ayunan.
Sandali lang itong umakyat sa sariling kuwarto para magbihis kaya naiwan ako sa kusina at makalipas lang ang limang minuto ay bumaba na ito na ang suot ay kulay gray na tshirt at puting basketball short, pinigilan ko talaga ang sarili kong magpakita nang paghanga habang pigil na pigil na tumingin sa mamuscle nitong dibdib.
"Ready?" tanong nito sa akin.
"O...o.oo... handa na ako." nararattle kong sagot dito at mabuti na lang at hindi na nito iyon pinansin.
Nagsuot ito nang apron na pinatali sa akin sa likod kaya pasimple kong inilapit ang ilong ko sa batok nang binata at amoy na amoy ko ang panglalaki nitong amoy.
"Ikaw naman." ang alok nito sa akin at para akong lalagnatin nang sinuot na nito sa akin ang apron kasi naman parang halos nakayakap ito sa akin sa puwesto namin, natatakot na nga ako na baka marinig na nito ang tibok nang puso ko sa lakas nang tunog na nito dahil sa pagkakalapit namin.
Sandali lang ay nagsimula na kami sa ginawa naming pagluluto, nang mga oras na iyon ay hindi ko napigilang hindi umasa na sana araw araw ko siyang makasama na mag-asawa kaming masayang masaya sa pagluluto sa maliit naming bahay, hindi ko tuloy napigilang hindi mapahagikgik.
"Hoy!' ang natatawa naman nitong pitik sa noo ko kaya nagising bigla ako nang wala sa oras tapos ginusot pa nito ang buhok ko in a brotherly kind of way na lalong nagpasira nang mood ko ngunit hindi ko iyon hinayaan na masira ang saya ko habang kasama ko ito.
Pasimple kong kinuha ang phone ko at matapos masiguradong nakaoff ang flash non ay pasimple kong kinuhanan nang larawan ang lalaki habang suot nito ang apron dahil sobra nitong cute habang abalang abala at seryoso sa niluluto nitong pochero.
"Done!" masayang masayang sinabi nito at doon na din kami sabay na kumain, hindi lang ang tiyan ko ang binusog nito kung hindi pati na din ang puso ko habang pasimple akong nakatingin dito.
BINABASA MO ANG
Learn To Love Again (Boyxboy)
RomanceAfter bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kalooban niya dahil kailangan niyang saksihan ang pakikipag-isang dibdib ng kuya niya na si Marvin sa kasintahan nitong si Xavier, dalawang tao...