Unexpected Meeting

6.7K 201 23
                                    

Magandang gabi guys!!! Nagulat ba kayo at tuloy tuloy akong nagdradraft maski ako ay nagugulat din hehehe mabuti na lang talaga para matapos ko na ang Learn to Love Again.

Picture of Andrei Montevista on the right=====>>>>>>>

Song is The Truth by Kris Allen

===============================================================================

CHAPTER THIRTY ONE

Dustin's POV

The following day medyo shock pa din ako sa nangyayari kaya naman minabuti ko na lang munang magkulong sa kuwartong tinutuluyan ko, hindi ko kasi maiwasang hindi matakot sa kinilos ni Andrei nang malasing ito kagabi, he almost succeded in forcing himself to me, na pangalang beses nang nangyari, una si Jonathan ngayon naman ay si Andrei, do they really want to get into my pants that much.

Bigla akong napaigtad ng makarinig ako nang sunod sunod na katok mula sa pinto ng kuwarto ko na sinundan nang boses ni Andrei.

"Dustin, I know you're already awake, I just want to say that I'm sorry of what happened last night, mukhang nagtuloy sa utak ko ang alak imbes na dumiretso sa tiyan ko, and I'm sorry kung natakot man kita but always remember na hindi ko intensyon na pilitin ka sa isang bagay na labag ang loob mo, aalis na muna ako para puntahan ang bar ko, again I'm sorry Dustin." ilang sandali lang ay nakarinig na ako nang papalayong yabag mula dito at doon lang ako nakahinga nang maluwang.

Hati ang isip ko ng mga oras na iyon dahil alam ko naman na nagawa lang nito ang bagay na iyon dahil sa impluwensya ng alak ngunit kahit anong pilit kong pinapaliwanagan ang isip ko ay hindi pa din maalis alis sa akin ang takot sa ginawa nito.

Halos isang oras din ang ginawa kong pag-iisip hanggang mauwi ako sa isang desisyon, dali dali kong niligpit ang mga gamit ko, sandali akong sumilip sa awang ng pinto at nang masiguradong nakaalis na si Andrei ay dali dali akong lumabas, bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naman sandali akong tumungo sa kusina and what I saw stopped me from moving.

Nakaayos kasi sa mesa ang mga hinandang pagkain ni Andrei na halatang pinaghirapan nito dahil hindi mga prito ang mga hinanda nito at sa gitna naman ng mesa ay nakalagay ang isang papel kung saan nakasulat ang I'm sorry, for some reason what he did made my heart melt, mukhang sincere naman talaga sa paghingi ng tawad sa nagawa at maliban pa doon ay alam kong dahil lang sa alak kaya nito nagawa nito iyon, maybe I'm just overacting sa mga nangyari kaya naman agad kong binalik ang mga gamit ko sa kuwarto at nakangiti ng tinikman ang mga niluto ni Andrei at lahat ay talaga namang masasarap.

Busog na busog ako ng matapos akong kumain pakiramdam ko nga hindi ko na kailangan kumain ng lunch dahil sa dami ng kinain kong almusal, may mga natira pang pagkain kaya naman nilagay ko na lang muna iyon sa ref para mapagsaluhan namin ni Andrei mamaya.

Somehow it made me realize na porke't nagawan ka ng masama minsan ay mauulit iyon, sometimes I need to have trust to people na parang nahihirapan na akong gawin, kailangan kong muling magtiwala specially to Andrei na wala namang ginawang masama sa akin at dahil lang sa isang pagkakamali tuluyan ko nang lalayuan ang binata.

Dahil walang magawa ay naisipan ko na lang na manood ng DVD sa sala habang hinihintay ang pagbabalik ni Andrei, I guess he is waiting for us to talk para maayos agad ang hindi magandang nangyari, nasa ikalawang DVD na ako kung saan pinapalabas ang The Cellular ni Chris Evans, bigla kong naalala na inabot ko nga pala ang Cellphone ko kay Andrei ng magdecide akong makituloy dito, well desisyon ko naman iyon pero kailangan ko na din kuhanin iyon dahil baka naman tinatawagan na ako ng pamilya ko at malamang sa malamang sobrang nag-aalala na ang mga iyon lalo na ang Ate kong si Maggie.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon