Siya Ulit!

9K 254 15
                                    

Merry Christmas guys!!! Just got home from work and avail naman kaso sana nasa bahay lang to celebrate with family pero ok na din hehe double pay naman, musta naman ang Christmas ninyo?

Sorry guys kung may mga mali mali or medyo mababaw iyong chapter ginagawa ko kasi siya nang wala pang tulog tulog hehehe

Picture of Dustin Wills on the right=======>>>>>

Song is Life Goes On by Leann Rimes

===============================================================================

CHAPTER FIFTEEN

Dustin's POV

Lumipas ang mga araw na hindi ko namamalayan ang tanging alam ko lang ay naeenjoy ko ang bawat araw na kasama si Jonathan, alam kong maaari akong masaktan sa ginagawa kong pakikipaglapit sa binata ngunit anong magagawa ko kung siya lang ang tanging hinahanap nang mga mata ko sa araw-araw, siya lang ang hinahanap nang puso ko sa bawat sandali.

"Magandang umaga Jonathan!" nakangiti kong bati dito nang maisipan ko itong bisitahin nang umagang iyon, pinagluto ko kasi siya nang almusal, scramble egg, fried rice at meatloaf.

"Magandang umaga din Dustin, bakit ang aga mo ata?" nakangiti namang bati nito sa akin at parang bigla akong hihimatayin lalo na't lumabas ang magkabilang dimples nito at talagang todo ang naging pagpipigil ko na pisilin ang magkabila nitong mga pisngi.

"Uhmmm kasi, ano kasi, ganito kasi iyon, iyon nga....." parang biglang hindi makapagfocus ang isip ko kaya naman kung ano ano na lang ang lumalabas doon, at nakikita ko na ang pagkaamuse sa itsura nang binata.

"Mukhang inaantok ka pa ah mabuti pa kayang matulog ka na muna at dadalhan na lang kita nang almusal." nakangiti naman nitong sinabi at dahil doon ay bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ako dito.

"No! I'm ok, just a little sleepy, I made you breakfast." nakangiti kong sinabi dito at kitang kita ko kung paano biglang nanglaki ang mga mata nito nang makita ang dala-dala kasabay nang paglunok nito sa sariling laway.

"Ayaw mo?" bigla naman akong nakaramdaman nang pagkalungkot dahil mukhang hindi ito natuwa sa naging effort ko.

"Hindi naman sa ganoon kasi lang iba ang panglasa mo sa panglasa ko, kung matabang sayo baka matabang sa akin." pagpapaliwanag nito at saka ko lang naalala ang nangyari nga pala.

"Don't worry this time hindi na ako nagkamali." nakangiti ko na ulit na sinabi dito kahit na nga ba parang napipilitan lang ito sa napatango.

"Game bring it!" matapang na sinabi ni Jonathan habang nakaupo kami sa loob ng kusina nang bahay nila, hinanda na nito ang isang pitsel nang tubig sabay punas nang pawis na nagmumula sa noo nito.

Napapailing naman ako habang sinasalin ang mga dala kong almusal para sa aming dalawa, nakakatuwa lang siyang tignan dahil at least may isang bagay na akong alam na kinakatakutan nito at iyon ay ang luto.

"Bon appetit!" mayasang masaya kong sinalinan ang pinggan nito nang fried rice, itlog at meatloaf, samdali itong nanalangin at kahit nakikita ko ang panginginit ng kamay nito ay pikit mata nitong sinubo ang unang subo na nasa kutsara nito at sandali lang ay bigla nang nagbago ang itsura nito at naging sunod sunod na din ang bawas subo nito.

"Sabi ko sayo iba na ngayon eh." natatawa ko namang sinabi dito at pagkatapos non ay kumuha na ako nang sarili kong pagkain at masaya naming pinagsaluhan ang hinanda ko para dito.

Simot na simot at walang natira sa mga dala ko sa lakas nang naging pagkain ni Jonathan, at habang nagpapahinga ay naisipan naming magkape na ako na din mismo ang nagtimpla at this time sinigurado ko nang asukal ang nailagay ko sa kape nito, nakakatawa lang dahil ilang araw lang ay gusto kong maghiganti dito ngunit ngayon ay bumaliktad na ang plano at gusto kong gawin.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon