The Escaped

6.5K 194 7
                                    

Good morning guys at dahil gusto ko na siyang matapos kaya naman umabsent ako hahaha, hindi joke lang tinatamad na kasi akong pumasok, I don't feel the motivation to go to work kaya bahala nang mangyayari kung may crush lang sana akong lalaki sa office eh kaso wala hehehe

Picture of Dustin Wills on the right======>>>>>>

Song is Runaway by Bruno Mars

===============================================================================

CHAPTER THIRTY THREE

Dustin's POV

It's been three days since pumalpak sana ang plano ko at parang hindi ko na talaga matatagalan na makasama pa si Andrei, kada minuto na kasama ko siya ay lalong nadadagdagan ang takot ko sa dibdib sa kung anuman maaring gawin nito, the man is like a ticking time bomb that will explode anytime and aside from that I already miss Jonathan.

Malaki din ang kasalanan ko talaga sa nangyari dahil hindi ko man lang siya tinanonf muna tungkol sa babaeng iyon, and I want to make it up to him and tell him that I still love him, kapag naaalala ko ang sakit na nakita ko sa mga mata nito nang tuluyan na itong sumuko sa akin ay nagdudulot sa akin ng sobrang sakit, I blame myself from hurting Jonathan like this.

At doon mismo ako naabutan ni Andrei nasa kusina kasi ito kanina nang iwan ko samantalang ako ay nagpunta na muna sa kuwarto namin and just the thought gives me the creep.

"Bakit naman malungkot ka?" malambing na tanong ni Andrei sa akin na hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa kuwarto.

"Uhmmm wala namimiss ko lang kasi si Marvin." pagkakaila ko dito, kapag nalaman nitong dahil kay Jonathan kaya ako malungkot ay siguradong parang bulkan na sasabog ito kaya naman sinabi ko na lang na namimiss ko si Marvin.

"Don't worry nandito naman ako, hindi mo na kailangan ang kapatid mong iyon." nakangiti nitong sinabi at pinigilan ko lang ang sarili kong sagutin ito, iba na talaga ang sayad ng taong ito at kailangan kailangan ko na talagang makalayo sa taong ito.

The usual ang ginawa namin ng araw na iyon kumain ng almusal, nanood ng movie, nakinig sa mga kung ano anong plano nito patungkol sa future daw namin nag lunch nanood pa ng more movies, naghapunan natulog na nakayakap siya at pagdating ng panglimang araw ay hindi ko na talaga nakayanan kaya naman mga bandang alas kuwarto ng madaling araw ay maingat akong bumangon sa kama, ingat na ingat akong magising si Andrei habang tinanggal ko ang braso nitong nakapatong sa bewang ko at nakahinga naman ako ng maluwang nang hindi ito nagising.

I tiptoed walking to the door, dahan dahan to avoid making unnecessary noise.

"Saan ka pupunta?" nagulat ako nang marinig ko ang boses nito sa likuran ko, kaya naman isang ngiti ang hinanda ko bago ako humarap dito.

"Ipagluluto sana kita ng almusal." pagdadahilan ko dito.

"Don't you think sobrang aga pa para maghanda ka ng almusal?" tanong nito sa akin habang pabalik balik ang tingin sa relong nasa kisame at pabalik sa akin.

"Alas kuwarto palang pala akala ko kasi five na." ang natatawa kong sinabi dito at wala na din akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kama nito.

Minabuti ko na lang na matulog na muna dahil wala din naman ako magagawa, kailangan ko na lang hintayin ang pagkakataon na makakatakas din ako at sigurado akong dadating ang araw na iyon and I'm just hoping it to be as soon as possible dahil nararamdaman ko nang nagiging impatient na ito, dahil nararamdaman kong gustong gusto na nitong may mangyari sa amin.

Pang sixth day ko na ngunit wala pa ding akong nahahanap na pagkakataon para makatakas ako dito, nasa kuwarto ako nito dahil mas minabuti ko na munang magpahinga nang hapon na iyon ngunit laking gulat ko nang may sumakop na labi sa mga labi ko at nang magmulat nga ako ng mga mata ay nakita ko si Andrei.

"Andrei stop........ I said stop!" bahagya kong nilakasan ang tulak ko dito nang hindi pa din ito tumigil noon kasi pag sinabi kong stop ay agad itong hihinto ngunit ngayon ay iba na ang nararamdaman ko dito.

"AKALA KO BA GUSTO MO AKO!" nagagalit nitong tanong, agad naman ang pagsalakay ng takot sa dibdib ko sa nakikita kong galit sa mga mata nito.

"Gusto kita ngunit gusto ko kasing handa na ako kapag binigay ko ang sarili ko sayo, just give me few days para ihanda ang sarili ko, sige na please." malambing kong sinabi dito at agad kong ginawaran nang banayad na halik ang mga labi nito at ilang sandali lang ay mukhang kumalma na ito.

"Sige na nga maghihintay ako, pero huwag mong patagalin ayoko nang pinaghihintay ako, ayokong gawin sayo ang ginawa ko kay Jericho." nakangiti nitong sinabi, parang nagtayuan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang pagbabanta nito at bigla kong naisip kung sino ba si Jericho at kung anong ginawa nito sa taong iyon.

Nang maiwan akong mag-isa sa kuwarto ay hindi na ako dinapuan ng antok lalo na't patuloy na gumugulo sa akin ang sinabi nito patungkol kay Jericho whoever he is.

Maingat akong lumabas ng kuwarto at sinilip si Andrei, medyo nakahinga ako ng makita kong abalang abala ito sa paglilinis ng bahay kaya naman nagdecide akong maghalungkat sa kuwarto nito.

Nagsimula akong maghanap ng makakapagturo sa akin kung anong nangyari kay Jericho at kung sino ba ito sa buhay ni Andrei ngunit halos thirty minutes na akong naghahanap ngunit wala pa din akong makitang clue hanggang magawi ang tingin ko bookshelve na nasa bandang kanan nang kuwarto, for some reason ay parang may nagtutulak sa akin na lapitan iyon, at nang inspeksyunin ko ang naturang bookshelve ay saka ko lang napagtanto na may isang maliit na parang kuwarto pala sa likod nun kaya naman maingat kong binuksan ginalaw iyon sa takot na makalikha nang anumang ingay na magpapaalerto kay Andrei ng ginagawa ko.

Biglang nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga nakakalat na mga larawan sa naturang kuwartong iyon, larawan ng iba't ibang tao may mga babae at mga lalaki at isang larawan ang labis na nagdulot sa akin ng takot, dahil sa larawang iyon ay naroon ang isang lalaking naliligo sa sariling dugo na puno ng saksak ang katawan, at kahit hindi ko ito kilala ay malakas ang kutob ko na ito ang tinutukoy ni Andrei na si Jericho.

"Dustin...." narinig kong tawag ni Andrei at base sa boses nito ay malapit na ito sa kuwarto, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon, dali dali akong lumabas sa naturang kuwarto at mabilis kong binalik sa dating puwesto ang book shelf.

At sakto naman nang bumukas ang pinto ng kuwarto at sumungaw ang pawisang si Andrei at agad naging seryoso ang mukha nito nang makitang nakatayo ako sa tapat ng bookshelf nito.

"Anong ginagawa mo?" malumanay nitong tanong kahit na nga ba nadedetect ko ang panganib sa kalmadong boses nito.

"Wa.....wala naghahanap kasi ako ng puwedeng basahin kaso naman mga libro mo dito puro naman pangseryoso." ang natatawa kong sinabi dito at kahit paano naman ay nawala ang panganib sa mga mata nito.

"Talagang mga pangseryosong mga libro ang makikita mo diyan dahil hindi naman kasi ako mahilig magbasa ng mga libro para lang maglibang." ang natatatawa nitong sinabi at sa sinabi nito ay bigla naman akong nakaisip ng plano.

"Ahhh ganoon ba gusto ko pa naman sanang magbasa ng Harry Potter." paglalambing ko dito at pinatong ko pa talagang ang dalawang braso ko sa balikat niya.

"Talaga bang gusto mo ng mga librong iyon?" tanong nito sa akin at para mas makumbinsi ko pa ito ay hinalikan ko ito sa labi.

"I really do and I will do anything para sa mga libro na iyon." ang naisip kong idagdag dito at kita ko ang biglang pagnanasa sa mga mata nito thinking that I will give him myself kapag naibili niya ako ng mga librong iyon.

"Ok wait ka lang diyan maliligo lang ako tapos bibili ako ng libro sa bookstore." excited nitong sinabi sandali lang itong naligo at matapos nga noon ay agad na itong sumakay ng motor niya at mabilis iyong pinaharurot.

Naging mabilis naman ang mga kilos ko, agad kong kinuha ang mga gamit ko ay mabilisang nilagay iyon sa bag ko, at ang mga larawan ko na nasa pader ay dali dali kong pinagkukuha lalo na ang mga larawan na wala akong damit at mabilis kong sinunog ang mga iyon, buhat ang bag ko ay agad akong bumaba ngunit bigla ang lukob ng takot sa akin nang makita kong prenteng nakaupo sa may sala si Andrei at nanglilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

"Leaving so soon? Hindi ko pa naman nabibili ang libro mo kasi naiwan ko pala ang wallet ko." malumanay ngunit hinding hindi ako maloloko nang malumanay na boses nito.

"Andrei......"

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon