Gandang gabi guys after how many months of waiting ito na po ang final chapter ng Learn to Love Again and please wala na pong hihingi ng addtional pigang piga na ang isip ko sa kung anong isusulat ko dito hahaha, maraming maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa love story nina Dustin at Jonathan sana'y maibigan ninyo ang pagtatapos nito.
Picture of Jonathan Montero on the right=====>>>>>>>>
Song is Starting Over Again by Lani Misalucha
===============================================================================
CHAPTER THIRTY FIVE
Dustin's POV
Ang pakiramdam ko para akong lumulutang sa hindi ko malamang dahilan, wala akong makitang kahit na ano, pawang kadiliman lang ang natataw ko, hindi ko nga alam kung nakapikit ba ako o hindi, pero kahit ganoon ay ang gaan ng pakiramdam ko, wala akong nararamdaman na kahit na anong takot o lungkot, if patay na ako ay hindi na masama dahil at least wala na akong mararamdaman na kahit na ano.
Handa na akong lamunin ng tuluyan ng kadiliman ngunit kung kailan handa na ako ay biglang parang boses na gumugulo sa katahimikan ko, gusto ko siyang sagutin na tantanan na ako ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko ngunit bigla akong napatigil ng marinig ko ang kalungkutan na kaakibat ng boses na iyon, and just like that bigla akong nakaramdam nang labis na kalungkutan na para bang apektadong apektado ako kung kanino man nanggagaling ang boses na iyon.
"Please Dustin, stay strong, we're here for you, I'm here for you, I love you." narinig kong salitang nagmula sa taong gumugulo sa katahimikan ko at matapos makaramdam ng labis na lungkot ay naramdaman ko na lang na may mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko.
"Jonathan......." ang kauna unahan salitang namutawi sa bibig ko o kung may lumabas ba talaga sa bibig ko at ilang sandali lang ay nakakita ako ng isang liwanag sa simula ay sobrang liit lang nito hanggang unti unti itong lumalaki sa paningin ko na pilit kong inaabot.
At ang una kong nakita nang magmulat ako ng mga mata ay ang maamong mukha ni Jonathan na pulang pula ang mga mata marahil sa labis na pag-iyak.
Bumukal sa mga mata nito ang bagong mga luha marahil ng makitang gising na ako kaya naman dali dali itong tumayo sa inuupuan nito. Gusto ko sana siyang pigilan at magmakaawang huwag akong iwan ngunit parang wala akong lakas na magsalita.
Ilang sandali lang ay nakaramdam na naman ako ng pamimigat ng talukap ng mga mata ko, pinilit kong labanan ang antok dahil gusto ko uli makita si Jonathan ngunit masyadong malakas ang tawag ng karimlan at ilang sandali nga lang ay tuluyan na akong bumalik sa karimlan.
Jonathan's POV
"Please magpakatatag ka Dustin, nandito kami para sayo." naiiyak kong pagsusumamo dito habang hawak hawak ko ang kamay nito.
Ilang sandali ko pa itong kinakausap na magpakatatag kaya naman nagulat ako ng bigla na lang itong magmulat ng mga mata, hindi ko napigilan muling tumulo ang mga luha ko, at kahit mabigat sa dibdib ko ay kinailangan kong bitawan sandali ang kamay nito para pindutin ang buzzer na nasa ibabaw ng kama nito at ilang sandali nga lang ay dumating na ang mga doctor.
"Dustin nandito na ang mga doctor." ang sinabi ko dito ngunit agad kong napansin na wala na naman itong malay.
"Huwag kayong mag-alala Mr. Montero magiging maayos din ang pasyente, wala naman siyang internal damage kaya kailangan niya lang magpahinga." ang nakangiting sinabi sa akin ng nurse.
Pero kahit na ganon ay hindi ko pa din mapigilan mag-alala, lumabas na ang doctor sa kuwarto at akala ko ay nag-iisa na lang ako sa pagbabantay kay Dustin kaya naman nagulat ako nang may kamay na humawak sa balikat ko at ng lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Marvin.
BINABASA MO ANG
Learn To Love Again (Boyxboy)
RomansaAfter bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kalooban niya dahil kailangan niyang saksihan ang pakikipag-isang dibdib ng kuya niya na si Marvin sa kasintahan nitong si Xavier, dalawang tao...