"Sunny," tawag sa akin ni Tori habang sinusuklay n'ya ang buhok ko.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakatulalang pinagmamasdan ang maulap na kalangitan.
"Stop punishing yourself. Hindi matutuwa si Justine kapag nakita ka n'yang ganito," pahayag ni Tori. Narinig ko ang mahina n'yang paghikbi kaya hindi ko mapigilang ma-guilty.
"Sunny!" Pagtawag ni Aileen sa akin na kakapasok lang sa kwarto ko. Naupo s'ya sa tabi ko saka n'ya ako mahigpit na yinakap. "Nagising ka rin sa wakas! We were so worried! Alam mo bang dal'wang araw kang walang malay! Don't do that again!"
"S-Sorry," mahinang saad ko.
Mayamaya pa ay sabay na dumating si Chadd at Preston.
Naging maingay ang loob ng kwarto dahil sa asaran ng apat. Alam kong gusto lang nilang pagaanin ang loob ko kahit ang totoo ay nasasaktan din sila dahil sa ginawa ko sa sarili ko.
Napaka-selfish kong tao. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman ng mga kaibigan ko bago ko gawin ang bagay na 'yon.
"Sunny, what's wrong? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Chadd ng makita n'ya akong umiiyak.
"Stop crying, besh! Naiiyak na din tuloy ako!" Saad ni Aileen saka s'ya mahigpit na yumakap sa akin.
"Power hug!" sigaw ni Preston saka sila yumakap lahat sa akin.
"G*go! Ang sugat ni Sunny!" Natatawang suway ni Chadd. Natawa na lang ako dahil sa ginawa n'yang pagbatok kay Preston.
Ang swerte ko pa rin dahil may mga kaibigan akong handa akong damayan sa lahat ng oras. Alam kong hindi na magiging katulad ng dati ang lahat dahil wala na si Justine sa amin pero narito pa rin kami para mas patatagin pa lalo ang pagkakaibigan naming lima.
BINABASA MO ANG
Threatened |Epistolary Thriller
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| An anonymous texter wanted Sunny's attention so bad so he threatened her in order to control her. He thought it would be easy but Sunny wasn't stupid enough to fall for his damn ploy. It didn't take long when this unknown sender...