SUNNY
"A-Aileen? Anong ginagawa mo rito?"
Naguguluhan kong tanong ng makita s'yang nakatayo sa harap ng kamang kinahihigaan ko. "N-Nasaan tayo?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa kwarto kinalalagyan namin ngayon. "Kailangan nating makaalis dito, Aileen!"Mabilis akong tumalon pababa ng kama at hinila ang braso ni Aileen pero malakas n'yang winakli ang kamay ko na ikinagilat ko. Hinawakan n'ya ng mahigpit ang pulso ko kaya hindi ko mapigilang mapadaing.
"Ano bang nagustuhan n'ya sa'yo?"
"A-Ano bang ibig mong sabihin?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. Napangiwi ako ng higpitan n'ya pa lalo ang pagkakahawak sa pulso. "A-Aileen...nasasaktan ako!"
"Kung patayin na lang kaya kita kagaya ng ginawa ko kay Tori? Kaya lang ay baka magalit s'ya sa akin kapag ginawa ko 'yon." Pagdadalawang-isip nito.
"P-Pinatay mo si Tori? Aileen! Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang!"
"Wala akong panahon para makipagbiruan sa'yo, Sunny."
Parang na blanko ang isip ko dahil sa mga narinig ko mula sa matalik kong kaibigan. Gamit ang isa kong kamay ay malakas ang ginawa kong pagsampal sa pisngi n'ya dahilan para mabitawan n'ya ang pagkakahawak sa akin.
"Nagbibiro ka lang! Sabihin mo sa aking nagbibiro ka lang!" asik ko.
Bumakas ang matinding galit sa mukha ni Aileen habang hawak ang pisngi n'ya bago n'ya ako sugurin. Mabilis na bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig dahil sa pagkakapatong sa akin si Aileen. Pinapaulanan n'ya ako ng mga sampal at kalmot na pilit ko namang sinasalag gamit ang mga braso ko.
Hindi ko na kilala ang Aileen na kaharap ko ngayon. Ano bang nagyayari sa kanya?
"Akala mo kung sino ka! Dapat matagal na kitang pinatay kasama ni Justine!" Galit na galit n'yang sigaw habang wala pa ring tigil sa pag-atake sa akin.
"I-Ikaw ba ang pumatay kay Justine?" Nanghihinang tanong ko kay Aileen. Mabilis na gumuhit sa labi n'ya ang mapang-uyam na ngisi. Para bang nagsiklab ang galit ko dahil sa ipinapakita n'yang reaksyon sa akin.
"Hindi. Pero kilala ko kung—"
"Aileen!" Isang maawtoridad na sigaw ang nagpatigil kay Aileen. Mabilis s'yang umalis sa ibabaw ko at patakbong tinungo ang nagmamay-ari ng boses.
Laking gulat ko ng makita ang lalaking pumasok sa kwarto. Si Professor Kane!
Napasinghap ako ng malakas n'yang sampalin si Aileen.
"Get out. Habang nakakapagtimpi pa ako sa'yo ay umalis ka na sa harapan ko," madiing pahayag ni Sir Kane. Bago lumabas si Aileen ay tinapunan n'ya muna ako ng matalim na tingin.
Kung ganun ay magkasabwat si Aileen at si Sir Kane.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Sir Kane saka s'ya lumuhod sa harapan ko.
Hindi ako makapaniwalang si Professor Kane ang may pakana ng lahat ng 'to. Idagdag pa na kasama n'ya ang isa sa pinakamatalik at pinagkakatiwalaan kong kaibigang si Aileen.
Tama nga si Jared, may traydor sa grupo ko.
Mabilis kong iniwas ang mukha ko ng akmang hahawakan n'ya na sana ang pisngi ko. "I-Ikaw ba ang pumatay kay Justine?" Lakas-loob kong tanong sa kanya.
"Sweety, ginawa ko lang 'yon para sa ating dalawa."
"Mas masahol ka pa sa demonyo! Paano mo nagawa 'yon kay Justine!" Asik ko.
"Calm down sweety. Sa ngayon ay hindi mo pa ako maiintindihan pero kapag nahulog na ang loob mo sa akin ay unti-unti kang maliliwanagan sa lahat ng mga nangyari."
"Tama na ang mga kahibangan mo! Kahit kelan ay hindi ako magkakagusto sayo!"
"Shhh. Calm down. Magpahinga ka muna dahil paggising mo wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang pagmamahal ko sa'yo."
Isang syringe ang inilabas n'ya mula sa suot n'yang coat. Nag-panic ako kaya naman mabilis kong hinampas ang kamay n'ya dahilan para mabitawan n'ya ang hawak n'yang syringe. Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto pero laking panghihinayang ko ng malamang naka-lock ito.
"Sweety," tawag n'ya sa akin. "Hindi ba't gustong-gusto mo noon na makita ako pero bakit ngayong nasa harapan mo na ako ay iwas na iwas ka na sa akin?" tanong ni Kane habang naglalakad papunta sa akin.
Kinuha ko ang naka-display na wine bottle na ginawang flower vase at binasag ito upang gawing pangdepensa ko laban sa kanya.
Winakli ko ang kabang nararamdaman ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa bote. Isang malaking lalaki ang kalaban ko at walang kasiguraduhan kung mapapatumba ko s'ya gamit ang boting hawak ko pero pipilitin ko para nakalabas sa impyernong 'to.
"Wag ng matigas ang ulo, Sunny." Malambing na saad n'ya habang nakatayo lang sa harap ko.
"Kung ayaw mong masampulan nitong hawak ko ay buksan mo ang pinto!" sigaw ko. Nakita ko ang pagbuntonghininga n'ya saka s'ya dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. "Fine," sagot n'ya na ikinakunot ng noo ko.
Maingat ang ginawa kong pagtabi sa pinto habang nakatutok pa rin sa kanya ang hawak kong bote. May kinuha s'yang susi sa bulsa n'ya pero bago n'ya pa man ipasok sa butas ng doorknob ang susi ay nagulat ako ng bigla n'yang hablutin ang kamay ko. Nagawa n'yang agawin sa akin ang bote at itinapon 'yon sa ibabaw ng kama bago iangat ang dalawa kong kamay. Napatingkayad ako nang itaas n'ya ang dalawa kong kamay sa ere at ilapit sa akin ang katawan n'ya.
"I got you, sweety," bulong n'ya tenga ko na nagbigay ng matinding kilabot sa akin.
Napadaing ako nang malakas n'yang itulak ang katawan ko sa pinto bago muling idikit sa akin ang katawan n'ya. Mabilis kong iniwas ang mukha ko ng tangkain n'yang halikan ako sa labi.
"I love you, Sunny. Seryoso ako sayo."
BINABASA MO ANG
Threatened |Epistolary Thriller
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| An anonymous texter wanted Sunny's attention so bad so he threatened her in order to control her. He thought it would be easy but Sunny wasn't stupid enough to fall for his damn ploy. It didn't take long when this unknown sender...