|46|

109 9 1
                                    

DAYS EARLIER...
☠️☠️☠️

Office of the School of Education

Good day!

Hi, Ms. Sunny Marie Vega,

We would like to invite you to the Dean's Office of the Department of Education tomorrow to discuss your curriculum and some other concerns.

Thank you.

Hinihingal na pumasok si Sunny sa opisina habang hawak ang dalawa n'yang tuhod. Muntik na s'yang ma-late. Mabuti na lang at tumawag sa kanya ang kaibigang si Preston para ipaalala sa kanya ang lakad nila mamayang hapon.

Mabilis na nagtaka si Sunny nang wala s'yang maabutang tao sa loob. Wala ring student assistant sa paligid. Tiningnan n'ya ang kanyang pambisig na relo at nakitang 10:30 na ng umaga. Sabado ngayon kaya iilan lang dapat ang may pasok na professor at mga estudyante pero sa nakikita n'ya ngayon ay mukhang wala atang pumasok.

Pinagtitripan lang ba s'ya ng nag-text sa kanya kagabi?

Mabilis na napatalon sa gulat si Sunny dahil sa biglang pagbukas ng pinto sa likuran n'ya. Mabuti na lang ay napigilan n'yang mapamura dahil kung hindi ay baka na mura na n'ya ang professor n'ya.

"Good morning po, Sir Kane," bati n'ya sa lalaking professor.

"Good morning, Ms. Vega. Pasensya na at mukhang nagulat kita." Mabait na saad ng lalaki suot ang abot-tengang ngiti nito.

Ito ang dahilan kung bakit isa si professor Kane sa mga paboritong guro ni Sunny. Approachable ang lalaki aside sa pagiging magaling na guro nila sa Economics.

"Okay lang po."

"Nandito ka ba para kausapin si Dean?"

"Opo."

"Baka ma-late 'yon dahil may aksidenteng nangyari kanina sa daan. Come, habang naghihintay ka sa pagdating ni dean ay kakausapin muna kita." Sumunod si Sunny sa professor at naupo sa katabing upuan nito.

"Alam kong may pinagdadaanan kang mabigat, Sunny pero hindi tama na lumiban ka sa lahat ng kalase mo ng halos dalawang buwan," pahayag ni Kane. Napayuko ng ulo si Sunny dahil sa narinig mula sa professor.

"Napaka-importante ng pag-aaral, Sunny. Alam mo 'yon dahil isa ka sa matatalinong estudyante ko. By the way, I'm sorry for your lost. Naging estudyante ko rin si Justine at wala akong masasabi sa kabaitan n'ya."

Mahigpit na napakagat ng kanyang ibabang labi si Sunny dahil sa panginginig nito. Kapag patungkol na kay Justine ang usapan ay hindi n'ya mapigilang maging emosyonal.

"Kung kailangan mo ng nakakausap ay nandito lang ako, swee—Sunny." Mabilis na napa-angat ng tingin si Sunny sa lalaki ng hawakan nito ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng kanyang hita. Mababakas sa mga mata nito ang pagiging concern sa kanya pero bakit kinakabahan s'ya sa ikinikilos nito?

"S-Salamat po," nauutal na saad n'ya bago bawiin ang kamay n'ya sa professor.

Mabilis na napatayo si Sunny nang marinig ang pagbukas ng pinto sa opisina.

"Nandyan na po siguro si Dean. Salamat po ulit, Sir Kane," paalam ni Sunny bago magmadaling umalis. Napahawak sa kanyang dibdib si Sunny habang pilit na pinapahinahon ang kaba sa kanyang dibdid.

SAMANTALA, isang malaking ngisi ang gumuhit sa mukha ni Kane habang pinapakiramdaman ang kanyang kamay na humawak sa kamay ng dalaga.

Kinuha n'ya ang kanyang cellphone saka nagtipan ng mensahe para sa kinababaliwan n'yang babae, walang iba kundi si Sunny.

Threatened |Epistolary ThrillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon