SUNNY
New Messages...
(Justine)Justine
Will you marry me?You
No!Justine
Why?Hindi mo na ba ako mahal?
(╥﹏╥)
You
Hindi kita sasagutin kung through text mo 'yan sasabihin sa akin!Hindi ko kailangan ng bonggang proposal! Gusto ko lang makita kang personal naluluhod sa harap ko at sasabihin ang mga katagang 'yan sa akin with a ring.
Justine
Awww. Of course babe!Hindi na kita papakawalan.
I love you, 😘
You
I love you too."J-Justine—" umiiyak kong sambit sa pangalan n'ya.
"Justine is dead. I'm here, sweety. You don't need that dead guy anymore!" malambing na saad ni Kane habang hinahalikan n'ya ang leeg ko.
Nandiri ako sa ginagawa n'ya kaya naman buong pwersa kong tinuhod ang pagkalalaki n'ya. Mabilis n'ya akong nabitawan dahil sa ginawa ko. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kama para kunin ang matalim na bote pero isang malakas na kamay ang kaagad na humila sa buhok ko.
Bago pa man n'ya ako maikot paharap ay nagawa ko nang damputin ang bote na kailangan ko. Pagharap ko kay Kane ay malakas ko itong inihampas sa kanya dahilan para bumaon ito sa laman n'ya sa tagiliran.
Napaluhod s'ya sa harap ko habang hawak-hawak ang sugatan n'yang tagiliran. Ilang beses akong napalunok ng makita ang pagbulwak ng maraming dugo mula sa sugat na nagawa ko.
"S-Sweety—"
"H-Hindi pa ako tapos sa'yo. Dalawampu't pitong saksak ang ibinigay mo kay Justine kaya naman mas higit pa ang ibibigay ko sa'yo!" Madiing saad ko.
Nakita ko ang mahabang basag na salamin sa paanan ko kaya naman pinulot ko ito. Akmang isasaksak ko na sana ito kay Kane nang bumagsak pabukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan naming dalawa. Iniluwa nun si Chadd at Jared kasama ang iba pang mga pulis.
"Sunny!" tawag ni Chadd saka s'ya patakbong lumapit sa akin. "Are you okay? May masakit ba sa'yo? May ginawa ba ang hayop na 'to sa'yo?" sunod-sunod n'yang tanong sa akin.
Akmang susugurin na sana ni Chadd si Kane nang harangin s'ya ng isang pulis.
"Detective! Hayaan n'yo akong patayin ang hayop na 'yan dahil sa ginawa n'ya sa mga kaibigan ko!" Galit na galit na sigaw ni Chadd.
"Uminahon ka bata. Kami na ang bahala sa kanya."
Napaluhod ako dahil sa panghihina ng mga binti ko. Nakita ko ang pares ng sapatos sa harap ko pero hindi ko s'ya pinagtuonan ng pansin. Lumuhod s'ya sa harap ko saka n'ya kinuha ang dumudugo kong kamay. Hindi ko napansing mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa salamin kaya nahiwa rin nito ang palad ko. Isa-isa n'yang inalis ang mga daliri ko bago kunin sa nanginginig kong kamay ang salamin.
"My brother won't be happy if he sees you like this. Hindi mo kailangang ilagay ang batas sa kamay mo. You have done enough. Take a rest, Sunny," pahayag ni Jared. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko sa ere nang buhatin n'ya ako. Napasandal ako sa dibdib bago tuluyang makatulog.
Justine, nahuli na naman ang taong pumatay sa'yo. Sana ay masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. I love you. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit wala ka na sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Threatened |Epistolary Thriller
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| An anonymous texter wanted Sunny's attention so bad so he threatened her in order to control her. He thought it would be easy but Sunny wasn't stupid enough to fall for his damn ploy. It didn't take long when this unknown sender...