END

213 11 2
                                    

1 MONTH LATER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1 MONTH LATER

New Messages...
☠️☠️☠️

Preston
Sunny!

Where are you?

Sabi mo papakopyahin mo ako ng assignment mo!

15 minutes na lang before time! Lagot na naman ako nito kay tandang hokage!

Huhuhu:(

Natawa ako habang binabasa ang messages sa akin ni Preston. Hindi ko alam kung kinaibigan n'ya lang ako dahil sa mga assignment ko. Hahaha. But I know that they're genuine and sincere, silang dalawa ni Chadd, hindi katulad ni Aileen na matagal na pala akong pinaplastic.

New Messages...

Chadd
Nababaliw na 'tong kaibigan natin dito.

Ang sarap n'yang itulak sa bintana!

Nasaan ka? Sabay ka sa amin mag-lunch.

Libre raw ni Preston.

Typing a message for Preston and Chadd...

Sunny
Pupuntahan ko lang si Justine and Tori. Sagkit lang 'to, promise.

Preston
Wala na! Katapusan ko na talaga!

Chadd
Okay. Stay safe.

Mula sa kinatatayuan ko ay naagaw ang atensyon ko ng lalaki na nakatayo sa harap ng isang puntod. Napatakip ako ng bibig ko nang makitang si Justine ito. Unti-unting dumaloy ang mayayamang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang pagka-miss sa kanya.

"Justine..." mahinang sambit ko sa pangalan n'ya bago itakip sa mukha ko ang dalawa kong palad. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ko na mi-miss ang namayapa kong nobyo. Hanggang ngayon ay ang hirap pa rin tanggapin na wala na s'ya.

"Kaninong puntod ba ang iniiyakan mo?" Mabilis akong napa-angat ng tingin ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Si Jared.

Tiningnan n'ya ang puntod na nasa tabi ko kasunod ng pagkunot ng noo n'ya. "Kilala mo ba ang nakalibing dito?" puno ng pagtatakang tanong n'ya sa akin.

"H-Hindi," pumipiyok na sagot ko.

Ngayon ko lang napagtanto na si Jared ang kaninang lalaki na nakatayo sa harap ng puntod ni Justine. Magkahawig silang dalawa kapag sa malayuan. Mabilis kong pinunas ang basa kong pisngi dahil sa kahihiyan.

"Para ba 'yan sa kapatid ko?" Pagtukoy n'ya sa hawak kong mga bulaklak kaya tumango ako bilang sagot sa kanya.

Hindi ko pa rin mapigilang mailang kay Jared. Alam ko kasing galit pa rin s'ya sa akin dahil sa nangyari sa kapatid n'ya.

Nang dumating s'ya ng araw na 'yon kasama ang mga pulis ay hindi na s'ya nagpakita sa akin matapos n'ya akong ihatid sa hospital. Hindi ako nakapagpasalamat at nakahingi ng tawad sa kanya ng personal kaya naman gagawin ko 'yon ngayon habang may pagkakataon ako.

"I'm sorry—"

"Wala kang kasalanan sa pagkamatay ng kapatid ko." Pagputol n'ya sa akin. "Biktima ka rin katulad n'ya ng lalaking 'yon. I'm sorry for being rude and insensitive," saad n'ya habang nakapako pa rin ang tingin sa puntod ng kapatid n'ya.

Napa-angat ako ng tingin kay Jared at naluha-luhang tinitigan s'ya.

"Stop staring at me like that. And please don't f*cking cry! Baka multuhin ako bigla ng kapatid ko. Baka sabihin n'ya na pinaiyak kita." Bumuntonghininga s'ya.

"S-Sorry. And salamat nga pala sa lahat ng mga naitulong mo sa akin."

"I know that my brother is at peace and happy now at sana magawa mo ring maging masaya, Sunny," pahayag ni Jared bago s'ya maglakad palayo sa akin.

"J-Jared," tawag ko sa kanya. Napatigil s'ya sa paglalakad at napalingong muli sa akin. "Gusto mo bang sumabay sa amin mag-lunch nina Preston at Chadd?" lakas-loob na tanong ko sa kanya pero kaagad ding bumagsak ang balikat ko nang muli n'ya akong talikuran.

"What are you waiting for? Let's go."

Napangiti ako ng marinig ang sinabi n'ya kaya mabilis akong sumunod sa kanya.

Justine, please watch over us. I love you and I miss you. Habang buhay kang mananatili sa puso naming lahat.

THE END!

Threatened |Epistolary ThrillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon