"Aileen," madiing pagtawag ni Preston sa dalaga.
"P-Preston." Bakas ang matinding gulat sa mukha n'ya nang makita ang binatang kaharap n'ya.
"Sabihin mo sa akin ang totoo. Kasabwat ka ba ni Kane sa pagpatay kay Justine at Tori pati na rin sa pagkaka-kidnap ni Sunny?"
"Oh ghad! You got me! Hahaha!" Humalakhak si Aileen na ikinakunot ng noo ni Preston.
Nag-igting ang panga n'ya dahil sa galit. Bukod sa walang nakakatawa sa sinabi n'ya ay nakompirma n'ya ang pagkakasabwat nito sa mga krimin na nangyari sa mga kaibigan n'ya.
"Yup. Hindi ko na itatanggi since wala na rin naman akong kawala sa'yo. Damn her! Dapat pala ay pinatay ko na rin si Sunny. Hahaha! Nasa huli talaga ang—" Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Aileen na pumutol sa kanya.
Sinakmal ng dalawang kamay ni Preston ang leeg ng babae. He's pissed. Dalawa sa mga matatalik n'yang kaibigan ang pinatay nito at isa ang muntik na nitong ipahamak.
Wala na s'yang pakialam kung mapatay n'ya ang dating kaibigan pero kaagad n'ya ring nabitawan ang leeg nito nang pigilan s'ya ng mga kakarating lang na mga pulis.
Lucky witch.
BINABASA MO ANG
Threatened |Epistolary Thriller
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| An anonymous texter wanted Sunny's attention so bad so he threatened her in order to control her. He thought it would be easy but Sunny wasn't stupid enough to fall for his damn ploy. It didn't take long when this unknown sender...