Prologue
"Young Lady, pinapasabi po ng inyong ama na kailangan n'yong dumaan muna sa opisina niya bago kayo umuwi sa mansion."
"Huh? Why daw? Uwing-uwi na ako, eh. Can't I just wait for him till he gets back in the mansion after his work?" nababagot kong sabi sa aking personal driver na si Taguro na siyang laging sumusundo sa akin mula sa unibersidad na aking pinapasukan. Malaki siyang lalaki at may kaitiman. Kalbo rin siya. Kamukha niya 'yung mga bouncer sa bar na nakikita ko sa mga palabas na aking napapanuod. Syempre, napapanuod ko lang. Hindi pa naman ako nakakapunta sa kahit anong bar, eh. Ang ganda ko kaya masyado para pumunta sa mga ganoong klaseng lugar.
Kolehiyala na ako pero, oo, may tagahatid at sundo pa rin ako papunta at paalis ng paaralan. Syempre, maganda kasi ako. Oh, walang aangal, true naman 'yon, eh. Not to mention that I'm also filthy rich. So it's just natural that I have my personal driver, right? Right. Kasi nga maganda ako. At mayaman.
"Pagod na pagod ako nayong araw na ito. Ang dami naming ni-take na mga quizzes. Halos every subject yata, may quiz kami. Nakakagutom sagad. I badly want to go home na. To eat. And then sleep."
"Pero, Young Lady, mahigpit pong ipinagbilin ng ama n'yo na hindi pa kayo pwedeng umuwi hangga't hindi kayo dumadaan sa opisina niya. Marahil po ay sobrang importante ang sasabihin niya sa inyo."
Sobrang importante? Huh, what naman kaya 'yung sasabihin ni Papa sa akin? Ibibigay niya na kaya sa akin ang aking mana?
~*-*~*-*~*-*~
"What?!"
"You heard me, Atasha. Don't make me repeat what I have just said."
"Pero, Papa, feeling ko na-mali ako ng rinig, eh. No, hindi lang pala feeling 'yon. I'm pretty sure mali talaga ako ng pagkakarinig sa sinabi mo. Pakiulit nga po ng sinabi n'yo."
My father sighed before he finally spoke.
"I said, the six Young Masters of the Ong clan are coming. And you have to personally serve them."
My jaw literally dropped as soon as he finished talking. No, hindi ako nagkamali ng pagkakarinig sa kanya kanina. Tama nga 'yong una kong narinig mula sa kanya.
"But... But why me?!"
"Why not you?" kalmado niyang tanong.
"Because..." Nag-isip akong mabuti kung bakit nga ba hindi niya dapat sa akin ipinapagawa ang inuutos niya. I can think of a million reasons to say, but I chose that one reason that will sum up why I shouldn't do what he was asking me to do. "Because I'm Atasha Keiko Chan, you're one and only daughter, heiress of the Chan Group of Companies."
I witnessed how a smirk formed on his face. "You just stated the perfect reason why you should be the one to personally serve the six Young Masters."
"What?! Why? How? Are you like nahihibang na, Papa? Do you hear what you are saying? You really want me to become a servant? Naiintindihan mo ba ang meaning non, Papa? I'll become some people's slave, utusan, julalay, aliping sagigilid, aliping namamahay! Papa!"
"Will you please stop screaming, Young Lady? Malapit na akong mabingi sa lakas ng boses mo."
"Huh! Young Lady? At nagagawa mo pa talaga akong tawagin ng ganyan ngayon? Am I really a Young Lady? Saan ka naman nakakita ng Young Lady na nagsisilbi sa anim na Young Master?"
"You're asking me where?"
Napangisi si Papa.
"Sa Chan's Mansion."
BINABASA MO ANG
The Young Masters' Maid
FanfictionAko si Atasha. Maganda ako. At mayaman. Maganda. At mayaman. But guess what? Isa akong maid. Personal maid ng anim na Young Masters. Like what?! ~ VIXX feat. Chorong :) Dedicated to all Starlights and Pink Panda :)