Chapter 4

198 5 3
                                    


Picture of Ken at the right side. ---------->

~*-*~*-*~*-*~

Chapter 4

"Kaoru, where's Taguro? And why wala pa here 'yong car?" I asked my personal attendant when I saw na hindi pa nakahanda ang sasakyan ko papuntang school. Usually naman, when I get out of the mansion kapag may pupuntahan ako, nakaabang na kaagad sa akin ang car na sasakyan ko at minamaneho ng personal chauffeur ko na si Taguro. "Tell him male-late na ako for my class so he better come here quickly."

"Pero, Young Lady, umalis po si Taguro ngayon. May inutos sa kanya ang inyong ama kaya naman hindi niya kayo magagawang ihatid sa inyong paaralan. Mawawala rin siya ng ilang araw."

"What?! Why is my father making utos sa aking personal chauffeur? May sarili naman siyang driver, ah! At saka marami pa siyang ibang tauhan! Why naman si Taguro pa ang inutusan niya?"

"Hindi ko po alam, Young Lady, eh."

"Ugh! Kaasar naman talaga! Aish! So what am I going to do now? Who's gonna make hatid to me sa university?"

"Ako."

Someone spoke behind me which made me turn around. I saw Arren together with his five cousins.

"Excuse me?"

"I have my car with me. Sumabay ka na lang sa akin tutal parehas namang sa Ashford University ang tungo natin." Tinuro niya 'yong kotse na nakaparada sa driveway palabas ng Chan's compound. Actually, tatlong kotse ang nakaparada. One is red, the other one is black, and the last one is color white.

"Why are there three cars? Alin diyan ang kotse mo and kanino 'yong other two?"

"Mine is the red one. Kay Leo 'yong black. And kay Ken naman 'yong white."

I turned to look at Ravi, Ervin and Yuki. "How about you, three? Wala kayong cars?"

"Hindi pa kami nakakapag-apply ni Ervin for our driver's license. Si Yuki naman ay underaged pa."

"Oh, I see. So kaninong car kayo sasakay?"

"The usual pairing. Si Arren at Ravi ang magkasama. Si Yuki naman ay kay Leo sasabay. At ako ay kay Ken," sabi ni Ervin.

"Sa ano? Tara na? Sa amin ka na lang sumabay, Atasha," nakangiting sabi ni Arren.

Pinag-isipan ko kung sasang-ayon ba ako sa kanya. Wala namang masama kung sasabay na lang ako sa kanila tutal kailangan ko naman nga talaga ng driver to get to school. Papayag na sana ako, but when I looked at Ravi, naalala ko na naman 'yong eksena kanina sa kwarto niya. Ugh! Nabuwiset sagad na naman ako just by thinking about it.

Tumingin ako kay Yuki. Sa kanilang anim, siya lang talaga ang pinakagusto ko. Ang cute kasi niya. Gusto ko talaga siyang maging kapatid.

The Young Masters' MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon