Chapter 2

224 5 2
                                    

Leo a.k.a. Mr. Ice slash Stone Man at the right side. ---------->

~*-*~*-*~*-*~

Chapter 2

"Ang alat! Why naman so salty nitong niluluto ko? Are you sure tama ang mga instructions na sinasabi mo sa 'kin."

"Opo, Young Lady. Baka po mali lang ang tantya n'yo sa dami ng asin na nilagay n'yo. Ang sabi ko pa ay kalahating kutsara lang. Baka po napasobra ang nailagay n'yo."

"Oh, so you're saying pa na I don't know how to follow directions?"

"Hindi naman po sa ganon, Young Lady."

"Whatever. Why kaya hindi na lang you ang magluto since trabaho mo naman ito?"

"Pasensya na po, Young Lady. Ang utos po kasi sa akin ng iyong ama ay turuan kitang magluto. At dapat simula ngayon ay ikaw na mismo ang magluluto ng pagkain na ihahain sa mga Young Masters."

Huh. Utos pala, huh. Fine. I'll do this cooking chenelyn. Tingnan lang natin kung gugustuhin pa ng anim na Young Masters na iyon na ipagluto ko sila ever again.

Right. I know what to do na. Napangisi na lamang ako sa sariling kong brilliant idea. Ang talino ko talaga sagad. At ang ganda-ganda ko pa. Ako na!

~*-*~*-*~*-*~

"Salamat sa pagkain!" masayang sabi ng limang Young Masters nang ilapag na sa hapag-kainan ang putaheng niluto ko para mismo sa kanila. Syempre, lima lang ang nagsalita. Alangang anim, eh, as if namang mapapagsalita 'yong isa nilang pinsan na ipinaglihi yata talaga sa bato.

"Ikaw ba talaga ang nagluto nito, Atasha?" 'di makapaniwalang tanong sa akin ni Arren.

Tumango ako at ngumiti nang malapad.

"Ang galing! Akala ko hindi marunong magluto ang isang Young Lady na gaya mo," namamanghang komento naman ni Ken.

"Ang totoo, hindi nga talaga ako marunong magluto. Pero dahil naatasan ako ng aking ama na personal kayong asikasuhin habang namamalagi kayo sa Chan's Mansion kaya naman I was eager to learn how to cook just for all six of you."

Biglang napaubo si Weng na nakatayo sa tabi ko. Siya ang cook ng pamilya Chan at siya rin ang nagturo sa aking magluto kani-kanina lamang bago pa dumating ang anim na Young Masters sa pamamahay namin. Marahil ay iniisip niya kung bakit sinasabi ko ngayon that I was eager to learn cooking when in fact kabaligtaran naman ang nangyari kanina. Panay reklamo lang ang inabot niya sa akin habang tinuturuan niya ako.

I glared at her as if I'm saying na manahimik na lamang siya at 'wag nang umangal pa.

"Nakakatuwa naman. Talagang nag-aral ka pang magluto para sa amin," nakangiting sabi ni Ervin.

The Young Masters' MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon