Hongbin as Ervin at the right side ---------->
~*-*~*-*~*-*~
Chapter 5
"Nakakahiya!"
Pagkalabas na pagkalabas ng room ng first prof namin for today, nagsimula na akong mag-inarte kay Bomi. Paanong hindi ako mag-iinarte? Eh, ang epic lang ng pagpasok ko ng room kanina. Tili ako nang tili tapos nasa loob na pala ng classroom ang prof ko at nag-i-start na ang klase. Oh, my goodness gracious talaga! Sana nilamon na lang ako ng lupa kanina. Pero hindi, eh. Kaya ayun tuloy, pinagtawanan ako ng buong klase kasi para lang naman akong bagong takas sa mental. Mabuti na nga lamang hindi terror 'yong prof ko kaya mabilis niyang pinalampas yung baliw moment ko na iyon.
Anyways, as I was saying, kasalukuyan akong nag-iinarte kay Bomi. Sa pagkakaalala ko, Bomi is my bestfriend, eh. Pero my gosh! Anong klase siyang kaibigan? Sa halip na i-comfort niya ako, eh, halos gumulong na siya sa sahig katatawa sa akin.
"Yah! Stop laughing nga. Hiyang-hiya na nga ako, eh."
Tawa pa rin siya ng tawa pero pinilit niyang pigilan ito upang makapagsalita siya.
"What are you so shy about ba kasi, Shashabells? It's not naman as if we were so shocked na ma-witness ang iyong baliw state. Like, hello? We are so sanay na kaya sa 'yo."
"Hindi ko maintindihan if you're trying to comfort me or you're just making asar to my kagandahan. Hmph!"
Again, nagsimula na naman siyang humagalpak sa katatawa. Aigoo. Bestfriend ko ba talaga ang babaeng ito?
"Aish! Naturingan kitang bestfriend pero ganyan ka sa 'kin. Hay naku! Makalayas na nga dito."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Balak kong lumabas muna ng classroom habang wala pa ang prof namin sa sunod na subject. Bukod kasi sa ayaw ko munang makita ang mga feslak ng mga kaklase ko, eh, masyado rin akong naiingayan inside the classroom. Paanong hindi iingay? Eh, so daming girls and pagirls na nagtutumpukan at pinagkakaguluhan ang dalawang kaawa-awang nilalang. Si Ervin at Ravi. Yeps, we are in the same class just like what Ervin told me earlier this morning.
Ayoko nang makigulo pa sa kanila. Mahal ko ang buhay ko, 'no. Kanina, when I tried to save them from the nagkakagulong crowd sa lobby, eh, ako pa ang mas nangailangan ng rescue. Mabuti na nga lang nahila ako ni Ken kaya naman buhay pa rin ako hanggang ngayon.
Speaking of Ken, bigla akong napaisip. Kumusta kaya sila nina Arren at Leo sa classroom nila? Pati na rin si Yuki. Pinagkakaguluhan din kaya sila ngayon sa klase nila just like Ervin and Ravi? Grabe! Bakit naman ba kasi ganito na lang kung makareact ang mga girls and pagirls sa school na 'to nang dahil sa kanila? Para namang hindi sila nakakakita ng mga lalake sa tanang buhay nila.
Papalabas na dapat ako ng room nang may biglang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, si Ervin pala. Magsasalita pa lang dapat ako nang bigla niyang itinaas ang kamay ko na hawak-hawak niya.
"Yah! Ervin, what are you doing?"
"Sorry, Atasha. But I have to do this. Sumakay ka na lang, okay?" bulong niya sa tenga ko. Hindi ko maintindihan kung bakit but his voice sent chills to my spine. Tapos sobrang lapit pa ng mukha niya sa akin. Hindi tuloy ako makapag-isip ng sasabihin kaya naman natameme na lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/28853914-288-k949453.jpg)
BINABASA MO ANG
The Young Masters' Maid
FanfictionAko si Atasha. Maganda ako. At mayaman. Maganda. At mayaman. But guess what? Isa akong maid. Personal maid ng anim na Young Masters. Like what?! ~ VIXX feat. Chorong :) Dedicated to all Starlights and Pink Panda :)