Chapter 3

181 6 2
                                    


Ravi a.k.a. Mr. Red Hair at the right side. ---------->

~*-*~*-*~*-*~

Chapter 3

"Young Lady, gising na po."

Umungol ako nang maramdaman na may tumatapik sa akin. Ano ba 'yan? Ang sarap-sarap ng tulog ko, eh. Why naman ba may nang-aabala sa aking sleep?

Nagtalukbong ako ng kumot ko at hindi pinansin ang taong gumigising sa akin mula sa mahimbing kong pagtulog.

"Young Lady, kailangan n'yo nang bumangon mula sa kama n'yo. May pasok pa kayo."

Ugh, ang ingay much. Nakakainis naman, eh.

Antok akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot kong kama. Hay, isang madamdaming breakup na naman with my bed ang naganap. Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras pa lang ngayon.

"Kaoru, 5 o'clock pa lang! Why naman so aga mo ako ginising? Antok much pa ako, eh!"

7 a.m. ang start ng klase ko every Monday and Wednesday. Lunes ngayon. Start of another week. Normally, 6:00 ako ginigising ng personal chimeney ko na si Kaoru 'pag seven ang start ng klase ko. So I was so surprised kasi ang aga much niya ako ginising today.

"Maghahanda pa po kasi kayo ng almusal para kay Young Master Leo."

Biglang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang isinumpang pangalan na iyon. Tila nawala bigla ang antok ko.

"Say what?! Maghahanda ng almusal for who?"

"Para po kay Young Master Leo. Di ba po ay ipinagbilin niya na kayo ang nais niyang maghanda ng lahat ng kakainin niya sa loob ng Chan's mansion. Kaya po ang mabuti pa ay bumangon na kayo diyan sa kama n'yo at-"

"Oo na! Oo na! No need to make paulit-ulit sabihin ang dapat kong gawin."

Ugh! Napaka talaga ng lalakeng iyon! Umagang-umaga, pinahihirapan agad ang buhay ko. Bwiset!

I got up from my bed at pumasok sa banyo sa loob ng kwarto ko upang mag-shower at magbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa kitchen upang ipaghanda ng almusal ang mahal na prinsipe. Bwiset talaga. Kung hindi lang ako na-guilty sa nangyari sa kanya matapos niyang kainin ang pagkaing inihanda ko noong isang araw, malamang pinaglaruan ko na ulit itong pagkain na niluluto ko ngayon para sa kanya. Much worse, baka nalagyan ko na ito ng lason para tapos na agad ang problema ko sa kanya.

Pero leshe! Kahit na gaano pa kalaki ang pagkainis ko sa kanya, hindi naman keri ng konsensya ko na gumawa ng masama sa ibang tao. I did it once. Wala na akong balak pang ulitin. Awa ko na lang sa Young Master Leo na 'yon. Mukhang balak niya talagang kainin lahat ng pagkaing lulutuin ko, eh, kahit na gaano pa kasama ang lasa niyon. Aish. Kailangan ko tuloy mas pagbutihan ang pagluluto ko ngayon para naman makabawi ako sa kanya. Sana naman masarap na itong niluluto ko ngayon.

The Young Masters' MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon