Prolouge

70 1 0
                                    

Sa condo...

"C-cloud please, dont do this! I l-love you so much." umiiyak na sabi ni Heart sa harap ng mahal nyang si Cloud. Hindi nya alam kung ano bang naging problema sa pagitan nilang dalawa at bigla nalang itong nakaisip na hiwalayan sya.

"Please! Cloud, please. Tell me, ano ba talagang problema?" ulit nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ng lalaking nasa harapan nya. Wala syang pakialam kung magmukha man syang mahina sa harap nito dahil sa pag iyak na ginagawa nya ngayon.

"H-hindi na kita m-mahal Heart. At hindi kita m-minahal. Ginawa lang kitang panakip butas para makalimutan ko si Valerie. Gusto ko ng putulin ang kung ano mang namamagitan sating dalawa. Nagkita kami ni Val kahapon. Nag usap kami at ang sabi nya ay gusto nyang makipagbalikan sak-" isang malakas na sampal ang ibinigay ni Heart sa kanang pisngi ni Cloud. Hindi na nya kaya pang marinig ang mga susunod na sasabihin nito. Dahil sa puntong ito sobra syang nasasaktan. Nasasaktan sya dahil ang akala nya mahal din sya ng taong mahal nya, pero nagkamali pala sya. Ngayon nya lang nalaman na until now mahal pa rin pala ni Cloud ang ex nitong si Valerie.

"So ganon nalang yon? Iiwan mo ako dahil nakikipagbalikan sayo yung ex mo? Cloud naman! Wag mo ng balikan ang nakaraan. So please wag mo akong hiwalayan! Please! Please!" hagulgol na sabi ni Heart. Pilit nyang pinupulupot sa katawan ni Cloud ang dalawa nyang braso para mayakap nya ito pero pilit din naman itong tinatanggal ng lalake.

"Stop Heart. Accept the fact. Mahal ko pa rin si Val. Mahal na mahal. Ayoko na! Okay? Gusto ko ng itigil ang kung anong meron tayo. Di na kita mahal at hindi talaga kita m-minahal. S-sorry yun lang ang masasabi ko." sabi ni Cloud sa mataas na boses.

"C-c-cloud i love you! Please, dont d-do this please. I-im begging you." pagmamakaawa ni Heart. Iyak lang sya ng iyak, wala syang pakialam kung ano na ang itsura nya sa mga oras na ito. Alam nyang sobrang pugto na ang mga mata nya dahil sa pag iyak na ginagawa nya.

"U-ulap, mahal kita. Nagmamakaawa ako, wag mo a-akong iwan! P-please." mahinang sabi ulit ni Heart. Tiningnan lang sya ni Cloud at walang sabi sabi na lumabas ng condo unit nya.

Gusto nyang habulin ang lalake pero wala na ata syang lakas para gawin yon. Dahil ang kaya nya lang gawin sa mga oras na ito ay ang umiyak. Sobra syang nasaktan sa mga sinabi ni Cloud kanina! Hindi nya lubos akalain na sa loob ng apat na buwan nilang mag boyfriend girlfriend ay ginawa lang pala sya nitong panakip butas sa ex nitong si Valerie.

Puro paghihinagpis ang nararamdaman nya ngayon. Hindi nya alam kung makakatawa pa ba sya ngayong alam nyang wala na sa piling nya ang mahal nyang si Cloud. Hindi nya alam kung makakangiti pa ba sya.

Why? Cloud? Why?

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon