Five

10 1 0
                                    

Ayan na, hahalikan na nya ko! Oh no. One, two, thre-

"Hahahahahahahahaha!"

Rinig ko sa isang malakas na tawa. Naramdaman ko ding wala na yung mga brasong nakapalibot sakin. Yes, yes walang kissing scene na naganap. Yahooo! Thank you Lord. Thank you talaga.

I guess I need to open my eyes na.

*eyes opens*

"Hahahahahahaha!"

"Bakit ka natawa? May nakakatawa ba?!" galit kong tanong don sa guy na sobra kong kinaiinisan!

"Meron! Hahaha, yung mukha mo. Grabe hahaha, feel mo siguro hahalikan kita noh? May nalalaman ka pang papikit pikit ng mata dyan hahaha. Grabe nakakatawa talaga hahahahahaha." sabi nya ng natawa habang ginagaya nya yung pikit pikit moment ko kanina! Fuck, fuck, fuck! Napahiya ako don ah. Dapat pala hindi ko nalang naisipang pumikit eh! Malay ko ba naman kasi, akala ko talaga hahalikan nya ako e! Grrrrr, napahiya tuloy ako.

"Sa tingin mo ba magpapahalik ako sayo ha? Ang kapal ng mukha mo, di bale ng panget ang makanakaw ng first kiss ko kaysa ikaw! Napapikit lang ako kanina kasi masyado mong idinidikit yang mukha mo sakin! Naiirita kasi ako sa mukha mo eh, so kaysa mairita ako pumikit nalang ako. Gets moh?" irap na sabi ko sa kanya. Ang galing mo talaga umisip ng magandang palusot Heart *clap clap clap* hahaha.

"Susss, kunyare ka pa hahaha. Nakita ko kaya yung labi mo kanina, nagalaw. Yung parang naghihintay na hahalikan? Siguro, hinihintay mo talagang halikan kita noh? Hahahahahaha!" sabi nya. Whowaw! Grabe naman kung mag ilusyon tong taong to, ako? Magpapahalik sa kanya? Ewwww hindi na uyyyy!

"Wag ka ngang feelingero na akala mo magpapahalik ako sayo! Kung ikaw lang din naman ang makakanakaw ng first kiss ko, ako na ata ang pinakamalas na tao sa buong mundo." tugon ko.

"Arte mo naman. Swerte mo nga kapag ako ang first kiss mo eh, hindi mo ba alam na maraming girls ang gustong makahalik sa labi ko? Tapos ikaw aarte arte pa? Hahaha." pagmamayabang nya! Hindi lang pala to bastos, walang modo at pilosopo, may pagkamayabang pa! 4 in 1 ang ugali, grrrrr! Nakakainis.

"Excuse me? Hindi ko naman inaalam kung marami bang girls ang gustong humalik dyan sa labi mo eh! Wag ka ngang mayabang, sarap mong sapatusin eh!" sabi ko. Umagang umaga palang stressed na stressed na agad ako dahil dito sa taong nasa harapan ko ngayon! *deep sigh*

"Alam mo, imbis na magalit ako sayo dahil ikaw yung dahilan kung bakit nasira itong screen ng iphone ko, pinatawa mo lang ako hahaha! Yung pikit pikit moment mo kanina? Grabe talaga hahahaha! Laughtrip sobra hahahahahahaha." hindi ba sya titigil sa pang aasar nya sakin? Masasapok ko na talaga to, promise walang halong biro!

"Wala akong pake. Kabagin ka sana sa kakatawa mo, bwisit!" sabi ko.

Lumakad na ako palayo! Pupunta na ako ng room, ayaw ko ng pag aksayahan pa ng panahon itong lalaking to! Mahahigh blood lang ako! Bago ako tuluyang umalis, tinapunan ko muna sya ng isang pamatay na super irap ko! Tsaka na ako tumalikod at nag patuloy na sa paglalakad.

"Hoy? San ka pupunta? Feel na feel mo sigurong ikaw si Rosalinda dahil jan sa bulaklak sa tainga mo noh? Mukha kang eng eng hahaha. Tanggalin mo nga yan hahahaha." rinig ko pang sabi nung bwisit na lalaking yun bago ako tuluyang makalayo. Ngayon ko lang naisip na hindi ko pa nga pala natatanggal yung rose sa tainga ko! Eh ano? Pakialam nya ba kung may bulaklak ako sa tainga? Inggit lang siguro sya hahaha.

Hindi ko na sya pinansin, tinanggal ko na sa tainga ko yung rose at tinapon sa pinakamalapit na basurahang nakita ko then nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang room namin.

*Classroom*

"Oh bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo?" bungad na bati sakin ni Thea pagkapasok ko palang ng room. Ang ganda nya bumati noh? Wala man lang good morning!

"Wala." sagot ko pagkaupong pagkaupo ko sa chair ko.

"Mukha bang wala yang itsurang yan?" tanong nya. Kinuha ko sa bulsa ko yung iphone at earphone ko, mag sasoundtrip nalang ako. Pampatanggal inis.

"Wala nga." sabi ko habang tinatanggal ko sa buhol yung earphone.

"So kaya pala ganyan ang itsura mo ngayon? Para kang papatay ng tao hahaha." sabi nya.

Hindi ko siya pinansin sa halip nilagay ko na sa tainga ko yung earphone na katatanggal ko lang sa buhol. Bahala syang magsalita ng magsalita dyan hahaha, basta ako? Magsasoundtrip nalang. Ano ba magandang kanta? All of me? Rude? Bang bang? All about that bass? Blank Space?

"Akin na nga yang earphone na yan, akin na yan. Akin na." sabi ni Thea sabay tanggal sa earphone na kasasalpak ko lang sa tainga ko.

"Bakit ba? Magsasoundtrip ako, akin na yang earphone ko!" utos kong sabi.

"Ibabalik ko to kapag sinabi mo sakin ang dahilan kung bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo." Lord bakit nyo po ako binigyan ng isang kaibigang sobrang kulet? Hindi naman po sa nagsisisi ako, pero bakit po? Huhuhu.

"Ang kuleeeeet, wala nga sabi eh. Akin na yang earphone ko!" sabi ko sa kanya.

"Bakit muna kasi ganyan ang itsura mo?" tanong nya. Ang kulit nya talaga bwisit. (>_<)

"Remember the guy yesterday? Yung reason ng pagiging madungis ko? Nakita ko na naman sya kanina doon sa baba! Tumatakbo kasi ako habang papunta ako dito sa room, at sa kasamaang palad, ayun nabunggo ko. At sa pagkakabunggo ko sa kanya, nahulog yung cellphone na hawak hawak nya, nabasag yung screen. Pinipilit nya ako na magsorry sa kanya at ipagawa ko daw yung cellphone nya." sabi ko ng dirediretso.

"Nagsorry ka?" tanong nya while opening the bubble gum na kakukuha nya lang sa bulsa ng bag nya.

"Of course not! Bakit ako magsosorry sa kanya? Nagsorry ba sya sakin kahapon? Hindi naman. So ayun na nga, sa kapipilit nya na magsorry ako sa kanya ayun kinorner ako, sinandal nya ako sa pader tapos ipinalibot nya yung mga braso nya sakin. Imaginin mo yon? Pilit nyang inilalapit ng husto yung mukha nya sa mukha ko! Nakakahiya. Sa ginawa nyang yon, napapikit nalang ako. Akala ko kasi hahalikan nya ako, pero im wrong! Tapos ayun na, habang nakapikit ako, narinig ko nalang syang tumatawa!" sabi ko sa kanya ng nahihiya.

"Hahahahahaha, bakit kasi pumikit ka?" tanong nya ng natawa! Sabi na eh, tatawa lang to sa kwento ko, walang kwentang kaibigan. *face palm*

"Ediba nga akala ko hahalikan nya ako? Kaya ayun napapikit ako." irap kong sabi sa kanya. Yung totoo? Nakikinig ba itong babaeng to sa kwento ko? -_-

"Ay oo nga pala hahaha. Ano ba itsura nung guy? Gwapo? Chaka? Cute? Maputi? Maitim? Matangkad? Pandak?" sunod sunod nyang tanong. Kahit kailan talaga, nako naman!

"Hindi sya gwapo." mabilis kong sagot. Hindi nga ba? The truth is, gwapo naman talaga yung guy na yon sa panlabas na anyo. Kaya lang hindi maganda ang ugali nya, so sa paningin ko panget sya.

"Ay chaka? Walang kwenta." dismayadong sabi ni Thea.

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon