One

34 1 0
                                    

CHAPTER 1

HEART'S POV

Pasukan na naman. Ito ang unang araw ko sa pagiging fourth year. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nasa unang taon palang ako ng high school, pero ngayon ay nasa ikaapat na taon na ako. Time goes by so fast. Sampung buwan nalang ang gugugulin ko at gagraduate na ako. May nararamdaman akong lungkot at syempre may nararamdaman din akong saya. Malungkot dahil mamimiss ko ang lahat ng mga special memories ko with my classmates and friends then masaya dahil isang malaking achievement para sa akin ang gumraduate as a high school student.

Sabi ng karamihan, high school daw ang pinaka the best stage part sa buhay ng isang teenager. Well, totoo naman eh. Masaya naman talaga ang buhay high school, hindi ba? Puro kagaguhan. Puro katarantaduhan. Hangouts there, hangouts everywhere. Asaran here, asaran there. Tawanan dito, tawanan doon. Chikahan dito, chikahan doon. At higit sa lahat, kiligan dito. Kiligan doon.

Naiinggit nga ako sa mga taong may lovelife eh. Kasi ba naman, happy na sila with their partners. Eh ako? Eto, simula first year high school wala pang nagiging boyfriend. Masyado kasi akong nakuntento sa pagkakaroon ng crush crush lang. Meron nga akong mga manliligaw pero hindi ko naman inientertain. Wala pa kasi akong panahon sa pakikipagrelasyon, study first syempre. Hahaha.

Pero I want to experience the feeling of being kinikilig. Yung kinikilig dahil pinapangiti ako ng isang taong sobrang espesyal sa akin. Oo kinikilig nga ako pero hindi sa sariling lovelife ko kundi sa lovelife ng ibang tao. Gusto kong maranasan yung feeling na bibigyan ako ng boyfriend ko ng flowers sa harap ng maraming tao. Yung feeling na may maghahatid sundo sa akin sa bahay namin. Yung may taong magagalit sa akin kapag hindi ako kumakain sa tamang oras. And the most important thing is, yung may taong walang sawang magsasabi sa akin ng ILOVEYOU araw araw.

Kailan ko kaya mararanasan yang ganyan? Well, sa panahon kasi ngayon, masyado ng mahirap hanapin ang mga taong nagmamahal talaga ng totoo. Ang mga tao kasi nowadays ginagawa nalang biro ang salitang pag ibig. Kumbaga, parang isang laro nalang. Manliligaw yung mga lalake sa mga babae, then what? After a few days or after nilang makakita ng bagong babaeng maganda, iiwan na nila yung dati nilang nililigawan. Meron pa ngang mga tao na kung magmahal daladalawa. Yung mga two timer ba nilang tinatawag. Nang tutwo time sila para in case na mawala yung isa, may pang reserba sila.

Well, masyado ko ng pinaglalaban yang salitang love love na yan. Wala naman akong mapapala dyan. Sakit lang sa ulo yan. Kaysa intindihin ko ang pag ibig pag ibig na yan, mas mabuti pang kumaen nalang. And speaking of? Hindi nga pala ako kumain ng breakfast bago ako umalis ng bahay. Masyado kasi akong naexcite sa unang araw ng pasukan. Kaya nakalimutan ko ng kumain ng agahan. Medyo nagugutom na nga ako eh. Pupunta nalang ako ng canteen. Doon nalang ako kakain.

*vibrate*vibrate*

1 new message

From: Bff Thea <3

Heart, nasan ka? Nandito ka na ba sa school? Nandito ako sa canteen ngayon! Punta ka dito, dali. -

Nandito na pala si Thea sa campus? Himala, bakit ang aga niya? Baka sinadya nya talagang pumasok ng maaga, first day of school eh hahaha. So ayun, pumunta na nga ako ng canteen!

*Sa Canteeen*

"Heaaaaaaaaaart." sino naman kayang hampaslupa ang walang patawad kung ipagsigawan ang pangalan ko? Alam ko namang maganda ang pangalan ko pero dapat hindi na ipinagsisigawan. Isang tao lang naman talaga ang walang hiya kung ipagsigawan ang pangalan ko e.

"Oh Thea? Parang walang bukas kung ipagsigawan ang pangalan ko ah. Hyper ka na naman. Hula ko, nakakain ka na naman ng chocolate noh?" sabi ko. Yeah totoo yon. Kapag nakakakain ng chocolate tong si Thea nagiging super hyper talaga sya. Energy booster nya daw kasi ang mga chocolates eh.

"Grabe ka naman. Porket hyper, nakakain agad ng chocolate? Hindi ba pwedeng masyado lang akong excited today kasi nga fourth year na tayo? And for your information, namiss lang kita noh." nagbeso kame and then pinaupo nya na ako sa table na okupado nya.

"Namiss din naman kita eh. Buong summer kaya tayong hindi nagkita! San ba kasi kayo nagbakasyon?" tanong ko pagkaupong pagkaupo ko.

"Sa Cebu. Doon kami dinala ni daddy eh. May nagsuggest lang daw sa kanya na isang friend nya na maganda nga raw ang lugar ng Cebu para sa mga bakasyunista. So ayon, hindi na nag dalawang isip pa si dad na dalhin kami don." sabi nya sabay higop sa coke in can na hawak nya.

"Ah ganon ba? Osige. Wait lang Thea, oorder lang ako. Mamaya na tayo mag usap. Gutom na kasi ako eh." sabi ko. Kanina pa kaya kumakalam ang tyan ko. I need to eat na.

Tumayo na ako at naglakad papunta ng counter.

*Counter*

"Isang order nga po ng spaghetti, isang slice ng pizza, dalawang eggpies and isang orange juice." nakakatuwa naman. First day of school may tindang eggpie sa canteen. I really really love eggpies talaga. Eggpie lang kasi ang kinakain ko kapag may problema ako. Nakakawala kasi ng stress. Matamis kasi eh. Pero kahit wala akong problema ngayon, kakain parin ako hahaha!

"Here's your order." sabi nung nagtitindang si ate Camille. Binigay ko na yung eksaktong bayad. Binuhat ko  na yung tray ng mga inorder kong pagkain. Pabalik na ako sa table kung nasaan si Thea ng biglang .....

*blaaaaaaaaaaag*

"What the ef? Urrrrgh! Nakakaines! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo?!" sigaw ko don sa guy na nakatabig sa akin. My god. Yung mga foods kong inorder, wala pang isang iglap nasa sahig na lahat. And take note, yung spaghetti and orange juice na inorder ko sa buong katawan ko pa talaga natapon. Daaaaamn! Nasa flooring na lahat ng mga pagkaing inorder ko, pano na ako kakain nito ngayon? Hihimudin ko? Potatongina!

"Excuse me! Ako ba yung kinakausap mo?" wow! Talagang nagtanong pa sya kung sya daw ba yung kinakausap ko ah! Urrrrrrrgh! Patay malisya ang peg! Nakakapang init lang ng ulo!

"May iba pa bang nakatabig sakin bukod sayo, ha? Wag ka ngang magpatay malisya dyan! Susuntukin kita eh!" pagbabanta ko sa kanya. Yung uniform ko, puno na ng spaghetti sauce! Ang dungis ko na! First day na first day of school pa naman! Nakakainis!

"I-im so scared! G-guys, natatakot na ako sa babaeng to. S-susuntukin nya daw ako." baling nya sa mga kasama nyang lalake. Nagtawanan lang yung mga kasama nya. Abat? Mapang asar tong taong to ah. Nakuha pa nya talagang ipakita sa akin ang kunyaring natatakot nyang mukha! Watta best actor! Pag to talaga nasuntok ko, swear bukas na gising neto!

Nakakahiya, ang dami ng chismoso't chismosang nakatingin sa amin! Masyado na naming naagaw ang atensyon ng mga istudyanteng kumakain dito sa canteen. Potatongina talaga!

"Hoy lalake! Hindi ako nakikipag biruan! Can't you see? Nang dahil sayo, ang dungis dungis ko na! At nang dahil sayo, yung mga pagkaing inorder ko, wala na! Paano na ako kakain nito ngayon? Bwiset!" sabi ko. Oh my god, ano nalang ang sasabihin ng ibang taong makakakita sakin na ganito ang itsura ko? Sobrang dungis ko! Wala pa naman akong dalang pamalet na damit! Bwiset talaga!

"Ahh miss, hindi ako ang may kasalanan kung bakit nangyari yan sayo. Maybe ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo, hindi ako." cool nyang sagot.

"For your information, tumitingin ako sa dinadaanan ko! Kung hindi ka kasi patalikod maglakad kanina, hindi sana mangyayari to!" inirapan ko ng super duper ultramega bongga yung guy. Hindi manlang sya nakaisip na humingi ng pasensya sa ginawa nya? Ang kapal ng mukha, bwisit!

"Hindi ka ba magsosorry sa ginawa mo?!" tanong ko. Pero sa halip na sumagot, tiningnan niya lang ako. Maya maya may kinuha sya sa bag nya. Earphone at iphone. Whoaa! Bigtime, nakaiphone! Pero wala akong pake. Sinalpak na nya sa tainga nya yung earphone! Bastos tong lalaking to. Nakakainisssss! Kinakausap ko pa sya eh!

"Hoy! Wag ka ngang bastos! Tanggalin mo nga yang nasa tainga mo! Kinakausap pa kita!" inis na sabi ko. Hindi nya ko pinapakinggan. Malamang sa malamang may earphone sa tainga eh pano ba naman ako maririneg? Eto namang mga kabarkada nya, parang walang mga pakiramdam. Mga nakatingin lang sakin. Mga walang modo. Kung pwede lang pumatay ng mga walang modong tao, kanina ko pa pinugutan ng ulo tong mga to! Nakakainis talaga!

Lumakad na palabas ng canteen yung guy na nakatabig sakin kasama yung tatlo nyang kaibigan. Hindi talaga sya humingi ng pasensya ah! Parang wala lang sa kanya yung nangyare. Sobrang nakakastress. Daaaaaaamn!

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon