Two

31 1 0
                                    

*Girl's Comfortroom*

"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bwiseeeeeet!" sigaw ko pagkapasok palang namin ni Thea sa cr.

"Anyare sayo? Bakit ang dungis dungis mo? Umorder ka lang saglit naging ganyan na ang itsura mo. Para kang nilublob sa isang drum ng spaghetti sauce. Hahaha." sabi ni Thea. Grabe naman tong babaeng to! Hindi naman ako mukhang inilublob sa isang drum ng spaghetti sauce ah. Sa katawan ko lang talaga tumapon yung inorder kong spaghetti kaya naging ganito ako kadungis ngayon.

"Mukha ba talaga akong inilublob sa isang drum ng spaghetti sauce, ha Thea? Grabe ka naman." sabi ko habang tinatanggal ko yung necktie ng uniform ko. Pati necktie ko hindi nakaligtas. My god. Sobrang lagkit!

"Eh ano nga ba kasing nangyare? Lemme guess, masyado ka sigurong natakam sa spaghetti kaya inginudngod mo sarili mo noh? Tama ba ako?" tanong nya. Hay nako, kahit kailan talaga tong Thea na to! Sakit sa ulo.

"Gusto mo ba na yang mukha mo ang ingudngod ko sa inidoro? Manghuhula ka na nga lang mali mali pa. Dagdag stress ka lang eh. Sino ba naman kasing tangang tao ang ingungodngod ang sarili nya sa spaghettihan? Ha? Ha?" inis kong tanong sa kanya.

"Aba malay ko. Ikwento mo na kasi sakin yung nangyari." sabi nya while ngumunguya ng bubble gum.

Ano pa nga bang magagawa ko? Edi ayun, ikinwento ko sa kanya lahat ng detalye about don sa nangyari sakin kanina. Details by details ko talagang ikinwento sa kanya para wala na syang matanong sakin right after kong matapos ang pagkukwento.

"Hahahahaha! So kaya pala ganyan ang nangyare sayo? May nakatabig then lahat ng inorder mo, sayo mismo natapon? Akala ko talaga ingingudngod mo ang sarili mo sa spaghettihan kaya ganyan ang itsura mo eh. Hahahahaha!" asar nyang sabi saken.

"Ouccccch!" daing nya habang hinihimas yung part ng mukha nya na nabato ko ng hand sanitizer na hawak ko. Sapul sa mukha nya eh, hahaha.

"Ayyy sorry. May lamok kasi sa mukha mo kaya binato ko." sarkastikong sagot ko.

"Tse. I hate you! Ang sakit ah." reklamo ni Thea. I know naman na masakit yung pagkakabato ko, sapul na sapul ba naman sa mukha eh hahaha.

"Sorry na. Ikaw kasi inaasar mo pako. Sobra na nga akong nastress sa nangyari saken tapos aasarin mo pako. Ayan tuloy, nabato kita ng wala sa oras. Hahaha." natatawang sagot ko. I feel so sorry about what I have done to my bestfriend. She is so buraot kasi eh. Hahaha.

"Uyy, anong gagawin ko? Papasok ako ng ganito ang itsura ko? Damn, nakakainis talaga!" sabi ko kay Thea.

"Dont worry may dala akong tshirt, ipapahiram ko nalang sayo kahit na binato mo ako ng hand sanitizer! So ouchy, you know?" sabi niya.

"Ikaw kasi eh hahaha. Sorry! Akin na yung shirt, magbibihis na ako!" utos kong sabi. Agad nya namang kinuha sa loob ng bag nya yung tshirt na ipapahiram nya sakin.

"Oh." sabi nya sabay hagis sa mukha ko nung tshirt.

"Kailangan sa mukha talaga ihagis? Salbahe mo ah!" irap kong sabi kay Thea.

"Pasalamat ka nga tshirt lang ipinambato ko sayo, balak ko nga sana na itong bag ko ang ihagis sayo eh!" sabi nya. Ang bait nyang kaibigan noh? Sobra! Pero kahit ganyan yang si Thea, love na love ko yan hahaha.

Pumasok na ako sa cubicle ng cr. Magpapalit na ako ng damit. Tinanggal ko agad yung butones ng uniform ko pagkatapos ay isinuot ko na agad yung tshirt na pinahiram sakin ni bestfriend.

"Bwisit yung girl kanina sa canteen. Grabe sigawan si baby Cloud ko. Hindi naman sinasadya ni Cloud na matabig sya pero kung sigawan nya, hanep! Duhhh." girl 1.

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon