Three

21 1 0
                                    

*Sa bahay*

"Aling Dalia, nandyan na po ba si mommy?" agad na tanong ko sa kasambahay namin pagkapasok ko palang ng bahay. Kararating ko palang from school eh.

"Heart, hindi pa nadating. Tumawag kanina ang mommy ko at sinabing baka gabihin daw sya ng uwi kasi marami daw syang tatapusin na projects don sa office nya." sagot ni Aling Dalia. Always naman busy si mommy sa trabaho eh. Minsan nga nakakatulog na ako, hindi pa sya dumadating. Wala na syang oras sakin! Lagi nalang yung trabaho nya ang inuuna nya imbis na ako. Si daddy naman, nasa Paris. Nagtatrabaho bilang isang chef. Actually, mas may oras pa si dad sakin compare kay mom. Hindi kasi sya nawawalan ng oras tawagan ako para lang magtanong kung okay lang daw ba ako or kung kumain na daw ba ako. Eh si mommy? Nasa iisang bahay na nga lang kami, parang ang layo layo pa ng loob namin sa isa't isa. Ni hindi nya nga ako matanong kung kumain na ba ako eh. First priority nya kasi yung trabaho nya kaysa sakin! Hindi na kami nagkakaroon ng oras para magbonding. I miss my mom na! *teary eye*

"Ah ganon po ba? Sige akyat po muna ako." sabi ko. Pumunta na ako sa kwarto ko. Maliligo na ko!

Pagpasok ko sa kwarto, dumiretso agad ako sa cr para maligo. Buhos here, buhos there. Shampoo here, shampoo there. Scrub here, scrub there. Sabon here, sabon there. Banlaw here, banlaw there. And yes, tapos na akong maligo. Ang bilis noh? Hahaha.

Nagbihis na ko then bumaba saglit para ipalaba kay Aling Dalia yung tshirt na hiniram ko kay Thea kanina para bukas maibalik ko na agad sa kanya. Ipapalaba ko na rin sa kanya yung uniform kong puno ng spaghetti sauce!

"Aling Dalia, palaba naman po nito." pakiusap kong sabi sa kasambahay namin matapos kong iabot yung tshirt at uniform na ipalalaba ko sa kanya.

"Heart anak, bakit naman ganito karumi itong uniporme mo?" tanong ni Aling Dalia.

"Mahabang kwento po. Sige po akyat na ulit ako." tugon ko.

Paakyat na sana ako pabalik ng kwarto pero natanaw ko ang kitchen namin. Kukuha ako ng makakain. Kakain ako. Gutom ako eh hahaha!

Pagkatapos kong kumuha ng mga foods, umakyat na agad ako pabalik sa kwarto ko.

*Sa kwarto*

"Ano bang magandang gawin ngayon bukod sa kumain?" tanong ko sa sarili ko matapos kong isubo yung last bite ng mansanas na kinuha ko sa kitchen kanina. Yeah, kinakausap ko ang sarili ko. Hidden talent ko yon eh hahaha.

"Magmovie marathon nalang kaya ako? Nuh! Nakakaboring. Mag log in sa fb? Isa pang nakakaboring na gawain." para akong timang sa ginagawa kong pakikipag usap sa sarili ko! Ano ba kasing magandang gawin?

"Kung mag bake nalang kaya ako ng cookies?" Aling Dalia teached me how to bake cookies when i was 2nd year high school. Noong una ayaw na ayaw ko talaga ang pagbebake kasi akala ko mahirap pero nung naturuan na ako, naging isa na ito sa mga favorite hobby ko.

"Ay wag nalang pala. Nakakatamad! *ting* Aha, alam ko na gagawin ko." lumabas ako ng kwarto, hindi ko na inubos yung mga pagkain na kinuha ko sa kitchen kanina.

Pagbaba ko, hinanap ko agad si Aling Dalia. Magpapaalam lang ako saglit.

"Aling Dalia, lalabas lang po ako." sabi ko sa kasambahay namin. Everytime na may pupuntahan ako, lagi akong nagpapaalam kay Aling Dalia. Hindi ko alam, pero nakasanayan ko na ang laging magpaalam sa kanya kahit na dyan lang naman ako sa labas pupunta. Hahaha!

"San ka pupunta Heart?" tanong nya habang hinahanger yung tshirt at uniform na pinalabhan ko sa kanya. Wow ha. Ang bilis nya naman maglaba, hahaha.

"Maglilibot libot lang po sana. Wala po kasi akong magawa eh." sabi ko.

"Ganon ba? Ok sige. Pero sana bumalik ka agad. Ipaghahanda kita ng meryenda mo." sabi ni aling Dalia. Kahit kailan talaga, never akong ginutom ng kasambahay namin na to. Kahit kasi minsan kakakain ko palang, wala pang mga isang oras, ipaghahanda nya na agad ako ng bagong makakain. Binubusog ako masyado. Hahaha!

"Sige po." sabi ko.

Lumabas na ako ng bahay para maglibot libot. Pupunta ako don sa mini park ng subdivision na to! For sure maraming mga bata ang naglalaro sa playground na katabi lang ng park na pupuntahan ko. Mag aaliw aliw lang muna ako!

Pagkadating ko sa mini park, marami ngang bata ang naglalaro. May mga teenager na naglalaro ng badminton at volleyball. Meron namang mga nagbabike habang naglilibot libot. Meron din namang mga nagjojogging. Hahaha! Naghahanap ako ng mauupuan ng biglang ...

*paaaaaaaaaaaaaaak*

"Awwwwww!" sigaw ko. May tumamang bola sa ulo ko and for sure bola ng volleyball yon! Ano ba yan? Naghahanap lang ako ng mauupuan may naligaw na agad na bola at tumama pa talaga sa ulo ko ah! Ang sakit.

"Miss okay ka lang?" tanong nung nagsalitang hindi ko kilala. Nakayuko pa kasi ako habang hinihimas ko yung ulo ko na natamaan nung bola!

"Sa tingin mo ba ayos lang ako? Ikaw kaya ang matamaan ng bola sa u-" putol kong sabi pagkaangat ko ng ulo ko. Guess who? Hay nako, sya na naman?!

"Ikaw na naman?" tanong nya.

"Alam mo, sa tuwing nagkikita tayo lagi nalang may nangyayaring masama sakin! Kanina sa school, natabig mo ako! At dahil sa pagkakatabig mo, hindi na nga ako nakakaen, nadungisan pa ako! Tas ngayon naman natamaan mo ako ng bola sa ulo. Siguro naman mag sosorry ka na?!" galit kong sabi sa kanya sabay pulot sa bola na tumama sa ulo ko kanina. Baket sya nandito sa subdivision na tinitirhan namin? Dito ba sya nakatira? Tsk tsk tsk malamang sa malamang dito nakatira yan, hindi naman nagpapasok ng mga hindi taga rito ang mga security guards na nagbabantay sa subdivision na to eh!

"Bakit ako magsosorry? Kasalanan ko ba kung bakit sa ulo mo lumanding yung bola?" sagot na tanong nya! Aba, bastos talaga tong lalaking to ah! Sasagot na nga lang namimilosopo pa. Nakakainis!

"Alam mo ikaw, sumusobra ka na eh! Hindi ka lang talaga bastos at walang modo, pilosopo ka pa! Kung itong bolang to kanina sa ulo ko tumama pwes ngayon sa mukha mo na!" sabi ko sabay hagis sa mukha nya ng hawak kong bola. Yeah, face shot! Hahaha! Sa buong mukha nya talaga tumama yung binato kong bola. Para na rin akong naka three points shot. Yahoooo! Nakaganti rin ako sa wakas hahaha.

"Daaaaaaaamn!" daing nya. Butinga sa kanya hahaha!

"Ang sakit ah! Bakit mo ginawa yon?" galit nyang tanong!

"Sa tingin mo ba gagawin ko yan sayo kung nagsorry ka agad kanina? Dapat lang yan sayo atleast ngayon kwitch na tayo!" madiing sabi ko.

Agad akong umalis ng mini park, uuwi na ko. Ayaw ko nang makita ang mukha nung bwisit na lalaking yon! Grrrrr. Nahahigh blood lang ako kapag nakikita ko ang itsura nya!

Akala ko pa naman kapag nagpunta ako ng mini park maaaliw ako, hindi pala. Nakakita lang tuloy ako ng taong walang modo at natamaan pa ako ng bola sa ulo! My god, dapat pala nagbake nalang ako ng cookies sa bahay. Potatongina!

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon