Seven

8 0 0
                                    

CHAPTER 3

HEART'S POV

Saturday morning. Nandito ako ngayon sa kitchen, kumakaen hahaha. Walang pasok! Boring na naman. Ano kaya magandang gawin today? Gusto ko mag shopping, kaya lang wala akong kasama.

♬♪ I hope you know, i hope you know. That this has nothing to do with you, its personal myself an- ♬♪

*Bff Thea <3 Callingggg*

Why is she calling me? Agang aga eh. Hula ko mambuburaot lang to!

"Oh? Bakit?" agad na tanong ko.

"May gagawin ka today?" balik nyang tanong.

"Wala naman. Why?" sabi ko.

"Ah good. Leggo shopping?" she asked ng may excitement sa boses.

"Tamang tama, parang gusto ko ngang magshopping today. Boring din naman kasi tumigil lang dito sa bahay eh. Buti napatawag ka at niyakag mo ako hahaha. What time ba?" tanong ko ng isubo ko yung last bite ng pancake na ginawa ni Aling Dalia for me.

"Mmmm, 1 pm." sabi nya.

"Sure. Sige." sabi ko.

"Nga pala, o-ok lang ba kung isama ko si M-matthew? " utal nyang tanong. What the ef? Chaperon ba ang gusto nyang maging role ko today? (-_-)

"Like duh? Chaperon ba ang gusto mong maging role ko for today? Ayoko. Kung gusto mo mag shopping, kayo nalang!" walang kaemo emosyon kong sabi. Hello? If I know magdedate lang silang dalawa, at gusto ni Thea may kasama sya para hindi mahalata na nagdedate nga sila.

"Hindi naman sa ganon bestfriend. Grabe ka naman. Syempre, ang tagal na din naman nating hindi nakakapag shopping so I think we need to have some relaxation. You know, the bonding thing." sabi nya.

"Eh bakit ba kasi kailangan kasama pa yung Matthew na yon?" tanong ko. Well, hindi naman sa parang ayaw ko syang makasama sa bonding namin ni Thea mamaya pero syempre baka maop lang ako pag sumama yon. Si Thea pa naman yung tipo ng tao na basta may gwapong lalaking kasama nakakalimutan na nyang may kasama syang iba.

"Nag yayakag din kasi syang mag mall eh. So isasama ko nalang sya para masaya. The more the merrier nga diba?" masigla nyang sabi. Hay nako, may magagawa pa ba ako? Tsk tsk tsk.

"Sus. If I know, magdedate lang kayo at gusto nyong maging chaperon nyo ako. Oo na, oo na. Wala na naman akong magagawa eh." sabi ko.

"Hahahaha. Okay okay, susunduin nalang kita mamaya dyan." sabi naman ni Thea.

"Ok then." yun nalang ang nasabi ko.

So ayun, after namin mag usap ni Thea, nagpunta na agad ako ng kwarto ko leaving my pinagkainan there sa kitchen. Hahaha. May kasambahay naman kami na magliligpit ng mga yun eh.

--

*beep* *beep*

Si Thea na siguro yan. Sabi nya kasi kanina na susunduin nya ako. 1 pm nya daw ako susunduin eh 12:30 pm palang! Masydong atat (-.-)

Isa pang huling sulyap ang ginawa ko sa harap ng salamin just to check my aura. Nang sang ayon na ako sa itsura ko, lumabas na ako ng kwarto. Magpapaalam muna ako kay aling dalia na pupunta ako ng mall, gaya nga ng sabi ko, sa tuwing aalis ako, palagi akong nagpapaalam sa kanya. Hindi ko alam pero nakasanayan ko na talaga. Gusto ko lang na malaman palagi ng kasambahay namin kung nasan ba akong lupalop ng mundo naroon para incase na tanungin ako ni mommy sa kanya may maisasagot sya.

"Bakit ba ang tagal mong lumabas? Kanina pa ako nandito! Hindi mo ba narinig yung sunod sunod na pagbusina ko?!" bungad na bati ni Thea pagkapasok ko palang ng kotse nya.

"Bababa ba ako kung hindi ko narinig na bumusina ka? Bay isip isip Thea." sabi ko habang kinakabit ko yung seatbelt.

"Pilosopa!" inis nyang sabi.

"Whatever." sagot ko.

"Bakit ba ang aga mo akong sunduin? Akala ko ba 1 pm? 12:30 pm palang kaya!" sabi ko ng nakakunot noo. Masyado atang advance yung relo nya bahay eh!

"Nasa mall na kasi si Matthew, kanina pa." simpleng sagot nya pagkatapos paandarin ang kotse nya.

"So?" tanong ko.

"Batukan kaya kita jan. Ayaw ko pa naman sanang pag hintayin yung taong yon! Nakakainis ka. Ang tagal tagal mong bumaba! Ang tagal pa naman ng byahe mula rito hanggang mall. Sobrang inip na yun don." sabi nya habang nagdadrive.

"Alam mo ikaw, kakikilala nyo palang ni Matthew makikipagdate ka na agad. At gusto nyo pa akong maging chaperon nyong dalawa!" inis kong sagot. Eh kasi ba naman minsan nalang kami magbonding ni Thea, isasama pa nya talaga yung matthew na yon. Paano kami makakapagbonding kung kasama namin yung taong yon? For sure, OP lang ako mamaya.

"Hoy for your information, hindi ako makikipagdate. At saka kung magdedate man kami, sisiguraduhin kong hindi sa mall. Like duh? Masyado ng common ang mall para sa mga nadedate noh! Kung makikipagdate man ako, gusto ko sa romantic place." nangiti nyang sagot.

"Kaya ko sya niyaya magmall kasama natin ngayon para makabonding na rin natin sya, masaya yon diba?" tanong nya. Like duh? Anong masaya don? Girl bonding namin tapos may kasama kaming lalake? Promise! Naaamoy kong maoop ako mamaya (>_<)

"Anong masaya don? Akala ko bonding time NATIN tong araw na to, di pala!" tampu tampuhan kong sabi.

"Hahaha, ang pinaka the best na magagawa lang natin ngayong araw is mag enjoy, okay? Sabi nga ni ryzza dizon, bawal ang sad dapat happy." sabi nya habang nakahappy sign.

"Hahaha Thea ngayon ko lang nalaman na may hawig ka pala talaga kay ryzza mae."

"Ewwww! Ang sama mo." sabi nya.

"HAHAHAHAHA."

*Mall*

"Hi Mat." bati ni Thea kay matthew pagkaupo namin sa tapat nya dito sa loob ng greenwich.

"Hello Thea. Hello Heart." bati rin ni matthew saming dalawa sabay tayo nya then bineso si Thea. Whowaw! Ako? Ayun inisnob lang ako, deadma kumbaga. Wala tuloy ako natanggap na beso hahaha joke. As if namang gusto kong makipagbeso kay Matrhew whahaha!

"A-aaahh! Guys? N-nuod na tayo sine? Maya na tayo kumain after! Pwede?" tanong ko sa kanila.

"A-ano kasi Heart. Ah ano, m-may hinihintay pa ko. Wait lang parating na rin siguro yon." matthew said. Whut? Sino naman kaya ang hinihintay nito? Siguro mommy nya? O kaya sister or brother nya?

"T-tama. P-parating na siguro yung taong yon." sabi naman ni Thea. Isa pa to. Sino ba yung taong hinihintay pa nila?

"Sino pa ba yung hinihintay nyo? Itext nyo nalang na dun na sa sinehan dumiretso, papunta na kanyo tayo don! Sabi ko sabay tayo then kuha hahakbang na sana ako ng may biglang nagsalita,

isang boses na kapag talagang narinig ko, nag iinit ang dugo ko!

"Masyado ka namang excited. Nalate lang naman ako ng konting oras ah."

-

Guess who? Makasagot bibigyan ko ng kiss! :D

Follow nyo ko sa instagram,

@dhenibabe

Comment naman kayo guys kung ano bang takbo ng story kong to para malaman ko kung nagagandahan ba kayo o hindi. :( :) Salamat.

-dhenibabe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hurting Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon